June 06, 2011
“CHILDHOOD LOVE” By: Friah anne
Teaser: Siya si Frances lovely Orense at mula pagkabata ang tanging minahal niya ay si Ralp jhon Rabago nasa Elementarya pa lamang sila ng maging magkaibigan,at nasa high school na sila ng marealize nilang hindi na lang pagiging magkaibigan ang kanilang relasyon at kahit na magkaiba sila ng pinapasokang school ay hindi iyon naging hadlang sa kanila. hanggang sa mag-koleheyo sila. Doon unti-unting dumarating ang mga problema sa kanilang buhay na siyang nagiging daan upang maapektohan ang kanilang relasyon. Hanggan saan kaya nila kakayaning lampasan ang mga unos nang magkasama?...
Abangan po ang bagong storyang magpapatibok at magpapa-alala nang inyong childhood love…
By: Admin F/ Friah anne
Posted by friah anne at 8:47 AM 0 comments
May 18, 2011
"SERENDIPITY" part 1 By: Friah anne
Minsan ang buhay ay pwede ihalintulad sa matamis na chocolate. Masarap sa simula ngunit habang tumatagal pumapait. Ang sobrang tamis ay masakit sa lalamunan, hanggan sa mamaga at pwede kang magkasakit nang malala, Ganyan ang buhay ni Zyret Miel Jesus. Nung simula ni sa hinagap hindi niya naisip na magkakaganito ang buhay niya, nagmahal, nawala at muling nagmahal at sa pagkakataong ito sa maling panahon at oras. Nilingon niya nahihimbing na anak hindi niya pinagsisihan ang pagkakaroon nang anak na biba at napakagandang bata. Nagkaganun man ang kanyang lovelife ay walang kinalaman ang kanyang anak. Siguro nga talagang may mga tulad niyang malas sa Pag-ibig. Nanariwa sa kanya ang nakaraan. Bata pa siya pero hindi naman masasabing walang muwang sa mundo dahil na rin sa medyo pasaway talaga siya. High schools day niya nang makilala niya si June Lopez, isa itong appliances dealer at nadidistino sa kung saan-saan, napadaan ito minsan sa kanilang lugar dahil sa may kaibigan ito na taga roon sa kanila na siyang naging dahilan upang magkakilala sila, sa simula nagkakahiyaan at naging magkaibigan,naging madalas ang pagpasyal nito sa kanilang lugar. Natutuwa naman siya dahil sa totoo na man ay talagang crush na niya ito. Kahit hindi ito magsalita alam niyang may special na pagtingin rin ito sa kanya.Hanggang isang araw nagulat na lang siya nang mapagbuksan niya ito nang pintuan sa kanilang bahay. Pinapasok niya at pinaupo, kinikilig siya nang mga oras na iyon dahil may dala pa itong three red roses, natutuwa din siya dahil obvious na ang kanyang ina ay nagugustohan rin ito para sa kanya.
“Please take a sit and suite your self.” Aniya rito at nagpaalam muna sa binata upang ikuha ito nang meryendahan. Ngpabili siya nang softdrinks sa tindahan at ganun na rin nang breadloaf. “Magmeryenda ka muna June” aniya habang inilalapag ang tray na dala-dala niya.
“Salamat, nag-abala ka pa.” Anito at inaabot nito ang dalang mga rosas. Lalo naman siyang kinilig na hindi naman niya pinahalata sa lalaki ayaw naman kasi niyang sabihin nitong atat siya rito. Dalagang pilipina pa rin siya no. Echoserang frog.
“Napadalaw ka?” Tanong niya, naiilang siya sa matiim na pagtitig sa kanya nang lalaki.
“Wala naman namiss lang kasi kita.” Wooo Nanghihina siya sa sobrang kilig na kanyang nararamdaman.
“Talaga? Bakit naman?”
“Wala, bakit masama ba?”
“Hindi naman sa ganon.”
“May gusto sana akong aminin sayo Miel.” Lumapit ito nang pagkakaupo sa tabi niya at Ginagap ang kanyang nanlalamig na kamay, she’s not usually like this, nagkaboyfriend na rin naman siya for almost five year’s at kakahiwalay lang nila nang dahil sa walang kamuwang-muwang na lalaking kaharap niya ngayon at hawak-hawak ang nanlalamig na kamay niya.
“Alam kung napaka-aga pa para rito--- simula nang lalaki, oh my golly cow ano kayang napakaaga, yayain na kaya niya ako ng kasal? Ekkk.. “Miel are you listening?”
“Ah yeah!”
“Mahal na kita!” Biglang sabi nito na tila nagmamadali at naghahabol.
“Huh?”
“I said, I love you!” Ulit nito sa sinabi, narinig naman niya kaya lang kasi parang may mali. “will you be my girl? Kung tatanggapin mo ako hindi ko maipapangako ang araw-araw nating pagkikita kaya hindi rin kita pipiliting sagotin ako upang bigyan ka nang sapat na oras upang mag-isip, sa isang araw ay babalik na ako sa manila. Doon na ako uli nakadistino at hindi ko maipapangako kung anong araw ako muling makakapunta sayo. Ang tangging mai-papangako ko sayo ay ang aking puso
Kakakilig na sana eh! Pero sinira pa nang mga huling sinabi nito, “Ju—june, Mahal na rin naman kita eh! Kaya lang ayaw ko nang long distance relationship kasi hindi ako sigurado kong ako lang talaga ang mamahalin mo, marami pa namang nag-gagandahang babae sa manila.” Mahaba niyang paliwanag, para kasing nabuhosan siya nang malamig na yelo sa mga sinabi nito nawala tuloy ang pagpapantasya niya rito. Ayaw niya ang ganoong set up noh! hindi sa wala siyang tiwala rito kundi hindi niya kaya ang ganoon. Nasanay siya sa boyfriend niyang si Joel este ex-boyfriend niya na lagi silang magkasama. At isang araw nga parang isang bula na bigla na lang nag-bago ang nararamdaman niya sa Binata. At sa maikling kwento naghiwalay sila at ito nakilala niya ang lalaking tinitibok-tibok nang kanyang puso pero ayaw niyang pumasok sa isang relasyong walang kasiguradohan.
Umalis ang lalaking alam niyang masama ang loob sa kanya at alam niyang iyon na ang huli nilang pagkikita. Sinubokan niyang makipagbalikan sa dating nobyong si Joel dahil sa matagal na rin nilang pinagsamahan subalit sadya lang sigurong hindi na sila ang para sa isa’t-isa. Nasa Kolehiyo na siya noon nang makilala niya ang ama ng kanyang anak. Naging kaklase niya ito sa ilang subject at naging kaibigan na madalas mangbuska sa kanya. Unang kita pa lamang niya ay alam na niyang nahulog na ang kanyang loob sa binata dahil na rin sa mabait ito at may tipo rin naman. Nung una dahil sa nagkabalikan sila ng kanyang Ex-boyfriend na si Joel nagging komplikado na naman ang lahat. Alam naman ni Javen ang kanyang sitwasyon pero hindi iyon nagging hadlang sa lalaki upang patuloy na makipag-kaibigan sa kanya. Nalaman ni Joel ang lahat, galit man ay wala itong nagawa kundi palayain siya. Siguro talagang hindi siya ang para sa lalaki at inaamin niyang hindi siya nararapat sa pagmamahal nito dahil kung pipilitin nila ang mga bagay-bagay na hindi na dapat ay lalo lang silang magkakasakitan.
“What did he say to you?” Tanong ni javen habang nasa klase sila, nakipag-hiwalay na kasi siya nang tuloyan kay Joel.
“Iyon galit na galit, pero magiging okay din iyon.” Aniya sa Nobyo habang komokopya nang class topic nila sa board. “After our class, merienda tayo?” yaya ni Zyret sa nobyo.
“Okay, your wish is my command!” Anitong ngumiti pa ng pilyo, na agad naman niyang naintindihan kung ano ang ibig ipahiwatig ng nobyo. Pagkatapos nga ng klase ay dumaan na sila sa canteen upang bumili ng merienda at tumuloy na sila sa kanyang boarding house. Wala roon ang kanyang kapatid at pinsan kaya nagagawa nila ang lahat ng gusto nilang gawin. Alam niyang hindi pa dapat pero naroon na rin naman iyon kaya ano pa magagawa niya at saka mahal na mahal niya ito kaya wala naman siyang pagsisihan
Nasa kwarto sila ni Javen ng may kumatok. “Sandali, couz is that you?” Pagbibiro niya na kunway pinaarte ang kanyang boses, alam naman niyang hindi ito magsusumbong sa kanyang mama.
“Yes cousin.” Ani ng nasa labas ng pinto. Nang mapagbuksan niya ay agad itong pumasok at pasalampak na naupo sa harap ng salamin, kumuha ito ng sigarilyo sa bag at nagsindi. “Nandyan si Javen?” Tanong nito sa kanya.
“Oo nasa kwarto natutulog.”
“Javen, painum na.” Sigaw na pabiro nang kanyang pinsan, alam naman niyang biro lamang iyon dahil hindi naman ito umiinum ng alcohol kahit na naninigarilyo ito. Ewan nga ba niya sa pinsan kung alin pa ang mas masamang bisyo eh iyon pa ang naging bisyo (Paninigarilyo). Lumabas na ng silid si javen at kakamot-kamot sa ulong naupo na rin sa harap ng pinsan niya at nakihingi nang sigarilyo, hindi naman niya mabawalan ang nobyo dahil siya man ay naninigarilyo din, ganoon raw dapat kasi sa course nila dahil masyadong toxic at nakakapressure kaya halos lahat ng estudyante eh yon ang bisyo at ang pag-inum na rin.
Ganoon ang every day routin nilang lahat, after class uwi sa boarding house, kwentohan, gimmick with friends, yosi. Isang araw nahihilo siya at naduduwal, ng maamoy niya ang itlog. Napatingin siya sa salamin sa loob nang banyo. Hindi siya pwede magkamali. Hindi pa iya dinadatnan halos dalawang buwan na. Hidni naman niya napansin dahil nikaraang nitong nakaraang araw ay nagging busy siya sa kanyang duty. Nasapo niya ang kanyang noo. “Paano na ito?” Tanong niya sa sarili at napasandig sa pintoan ng banyo. Nagulat pa siya ng kumatok ang pinsan niyang si Marian.
“Cous, why your so tagal there? I’m gonno use it.” Ani nang maarteng pinsan. Nanghihina niyang binuksan ang pintoan at tulalang nglakad paupo sa harap ng lamesa kung saan malapit sa salamin. Pinagmasdan niya ang kanyang mukha. Tumpak!
“Cous!” Aniya kay Marian.
“Cous.” Ulit pa niya, para siyang sirang plaka na paulit-ulit na tinatawag ang pinsan.
“Ano ba ang problema mo?” Tanong nitong nakalimutan yatang magbabanyo at lumapit sa kanyang titig na titig rin sa kanyang itsura.
“I think I’m pregnant. No I’m sure pala, sure ako preggyness ako cous.” Aniyang tila gustong maiyak na hindi naman. Paano niya sasabihin iyon sa kanyang mama, at pati na rin sa nobyo? Pareho pa silang nag-aaral at ano na lang ang sasabihin nang pamilya nito?. Napatigil siya sa kakaisip at napatingin sa pinsan loka-loka.
“May baby love, oh baby love. My baby love.hmmm, baby love.” Pakanta-kanta itong pumasok sa banyo. “ Cous wait a minute kapeng mainit.” Ani Marian. Gusto niyang matawa na hindi niya mawari, kahit kalian talaga ganoon ito tila hindi mo makausap ng matino pero for sure pag labas nito sa banyo ayos na ito at seryoso na itong kausap.
Hindi nga siya nagkamali sa kanyang hinala, bumili siya ng pregnancy kit at positive ang result.At tumaba na rin siya. Almost three months na kung ganoon ang kanyang tiyan, Masaya siyang kinakabahan.
“Cous, my bisita ka.” Ani Marian. “lalabas muna ako ha punta ako mall may bibilhin lang ako.” Ani ng pinsan pero alam niyang binibigyan lang sila nito nang oras para makapag-usap. Nasabi na niya sa nobyo ang kanyang kalagayan at kahit nabigla ay wala na itong nagawa kundi tanggapin at maging Masaya.
“Ano sabi ng family mo?” Kinakabahang tanong niya sa nobyo.
“Nasabi ko na sa kanila, nagalit si mama, pero okay lang naman yon pasasaan bat matatanggap rin nila ang nanyari. Pupunta raw sila rito mamaya at gustong makausap ang mama mo.”
“Ganoon ba? Kinakabahan pa rin ako, paano ko sasabihin kay mama baka patayin ako noon.” Aniyang mangiyak-ngiyak na, dala na rin siguro ng pagdadalang tao kaya emotional siya.
“Wag ka nang umiyak, hindi naman kita pababayaan eh. Pangako mamahalin ko kayo ng magiging anak natin, pag-kagraduate magtatrabaho ako agad para sa future natin. Kinilig naman siya sa sanabi nang nobyo, bakit nga siya matatakot kung ganitong hindi naman pala siya pababayaan ng nobyo. Lumapit ito sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.
“Bhe, ang baby natin baka maipit.” Aniyang bahagyang inilayo ang katawan sa nobyo.
“Oppps sorry baby.” Anito at inilapit ang mukha sa tiyan niya at kina-usap ito. Wala na siyang mahihiling pa. Tumayo uli ang nobyo at masuyo siyang hinila papasok sa silid. Tumatawang nagpatianod na lamang siya rito.
Posted by friah anne at 11:17 AM 2 comments
May 17, 2011
"ACCIDENT LOVERS" by; Friah anne
TITTLE: ACCIDENT LOVERS
by; Friah anne
SUBJECT:
Krisha Villarin: Is a romance writer bata pa lang siya ay iyon na ang pangarap niya ang maging sikat at magaling na writer. Naging-ulila nang lubos dahil sa sabay na pagkamatay nang kanyang mga magulang sa isang Car accident.
Hindi pa man siya nakakabawi sa mga nangyari sa buhay niya ay ito may nakikalala na naman siyang isang lalaking tila nagdadala nang kamalasan sa buhay niya, ang lalaking ubod nang yabang,bastos at arogante. Lahat-lahat na yata nang kasungitan,kasupladohan at pikon ay nasa lalaki na.
Nang dahil din yata sa Hardy na yon na puro kamalasan ang dala at nagiging ka-close na yata niya, nakilala rin niya ang lola at kakambal nito na puro rin kamalasan ang dinadala sa kanya. But a big revealation she have to face……maghahalo ang balat sa tinalupan.
CHAPTER 1
BUSSY SI KRISHA sa pag-iisip nang kanyang kweto, isa siyang dakilang Romance novel writer, Sa isang kilalang publication nang bansa ang Sherwone publishings. Natagalan rin siyang makapag move on at magsimulang magtrabahong muli. Dahil isang buwan pa lamang ang nakakalipas nang ilibing ang kanyang mga magulang, namatay ang mga ito nang sabay sa isang Car accident. Wala siyang kapatid kaya nag-iisa na lamang talaga siya ngayon.
“Ring-ring-ring”
Naistorbo ang pagmumun-muni niya nang ingay nang nasa katabi niyang telepono, kinuha niya iyon at sinagot ang tumatawag.
“Yes, hello?”
“Bakla! Kumusta?” Si Jashley anne ang matalik niyang kaibigan simula High school days niya.
“Jash? Kalian ka dumating?” sabik niyang tanong rito. Namimiss na rin niya ito, ang huling pagkikita nila ay noong huling gabi nang burol nang kanyang mga magulang. Kailangan nitong lumipad patungong America kahit ayaw pa sana nitong umalis muna dahil nga sa kalagayan niya but ang Mama rin nito ay masama ang kondisisyon nang kalusugan.
“Just a while ago, Ikaw nga agad ang tinawagan ko pagkadating ko rito sa pinas.”
“How’s your mom?” tanong rin agad niya sa kaibigan.
“She’s good na now.”
“Ikaw kumusta kana?”
“Okay na ako, medyo natatanggap ko na” aniya
“Hindi na pala kita naabisohan na pauwi na ako hindi ko kasi macontact ang cellphone number mo.”
“Nawala kasi ang cellphone ko at hindi pa ako nakakabili nang bago. Anyway kailan mo ako pupuntahan?”
“Bukas friend, aayosin ko muna ang mga pinadala sakin ni papa.”
Okay promise yan ha?.... I miss you friend!”
“Me too friend, so I’ll call you later uli ha! at saka may pasalubong pala ako sayo”
“Thanks… nag abala ka pa.”
“Ikaw pa makalimutan ko… pano bye na muna ha.”
“Okay, bye friend.”
Nang maibaba ang telepono, muli siyang tumitig sa isinusulat na kanina pa niya sinimulan but kanina pa rin hindi niya maipagpatuloy. Tila ayaw gumana nang utak niya, maybe kailangan muna niyang mag relax. Kung sabagay hindi pa siya totally nakakamove on sa mga nangyari. Nanariwa sa kanya ang nakaraan nang bata pa siya palagi silang masayang nagkwe-kwentohan sa garden nang bahay nila kasama niya ang kanyang mama at papa. Nasa duyan silang tatlo kini-kwentohan siya nang mga ito tungkol sa love story nila. Napapangiting napapaluha siya sa ala-ala nang kanyang mga magulang. kaya siguro siya nagging isang romance writer dahil lumaki siyang nasaksihan ang pagiging romantic nang mga ito.
“Kumusta na kaya ang bahay namin?” nang maalala rin ang bahay na nasa bicol, Albay na ibinilin sa pinsang si Andrew at tulad niya ay ulila na rin sa mga magulang, Ahead ito sa kanya but close sila nito, kahit minsan hindi nila maintindihan ang ugali nito, ganon pa man para na silang magkapatid kung ituring siya nito. mas nakakaawa nga ito kesa sa kanya dahil batang-bata pa ito nang mamatay ang mga magulang kaya simula noon sila nang tumayong pamilya nito. Nagkaroon rin ito nang bisyo sa alak dahil sa depresyon na pilit na lang nilang iniintindi. But when she decided to stay in Manila dahil malapit rito ang kanyang trabaho sumama sa kanya ang mga magulang dahil ayaw nang mga itong mahiwalay sa kanya. Hindi naman sumama sa kanila ang pinsan, katuwiran nito ayaw iwanan ang lugar na kinalakihan at ang alaala nang mga magulang. Nangako naman itong hindi iyon pababayaan at iiwasan na ang pag-inum kaya naging kampante na rin sila.
“Dapat sigurong umuwi na muna siya roon, para kumustahin ang pinsan at ang bahay, iyon na lang ang tanging ala-ala sa kanya nang mga magulang. Doon na muna siya mag stay total pwede pa rin naman siyang magtrabaho kahit na nasa probinsya. Baka sakaling pag naroon na siya ay magbalik ang gana niya sa pagsusulat. kung saan mananariwa ang masasayang araw na kasama niya ang kanyang mga magulang.
NASA PINAKAMALAKING MALL siya sa pasay hinihintay ang kaibigang si Jashley. Napa-aga ang punta niya roon dahil wala naman siyang ginagawa pa at napagdisisyonang maglakad-lakad na lamang muna habang hinhintay ito. Nang mapagod sa kakalibot sa mall naupo muna siya sa isang bakanting upoan sa foodcourt, ayaw pa naman niyang kumain dahil wala pa ang kaibigan kaya umorder na lamang siya nang maiinum, sago’t gulaman ang napili niya sa isang food chain na nakakatuwa ang pangalan dahil tinutukoy nito ang mga taong healthy, bagay naman ang tema dahil nga pagkain ang negosyo nang mga ito.
“Ang Pilipino talaga masyadong malikhain.” Bubulong-bulong si Krisha habang pupunta sa table na pinangalingan kanina. Nang biglang bumangga siya sa kung anong bagay at huli na nang matantong halos naubos ang laman nang basong hawak niya. Sa malas nang dahil sa kakaisip nang pangalan nang food chain na yon ay hindi niya napansin ang nilalakaran at ang taong nakaupo sa isa sa mga tables roon. Awang ang mg labi na hindi malaman ni Krisha kung pano hihingi nang paumanhin sa lalaking nakatalikod. Siguro sa shock ay hindi na rin nito nagawang tumayo pa.Parang gusto rin niyang humagalpak nang tawa nang Makitang tila naligo ito sa sago’t gulaman, syempre hindi niya pwedeng gawin iyon dahil baka lalong magalit ito sa kanya.
“Naku Mister hindi ko----
“Tatanga-tanga ka kasi! Hindi ka tumitingin sa nilalakaran mo. Alam mo bang may importanting meeting pa ako ngayon.” Anito na hindi niya masyadong Makita ang mukha dahil abala na ito sa pag-alis nang sago at gulaman sa ulo at damit nito na tila kumapit na yata roon.
“I’am really sorry Mister! Kung gusto mo ako na lang ang magbabayad nang pang pa-laundry baka-----
“Hindi na! dahil hindi ko na rin naman ito magagamit. Please lang sa susunod gamitin mo naman ang utak mo nasa public place ka. You have to be responsible to be carefull. Yong hindi ka nakaistorbo at nakakapurwisyo nang ibang tao.” Litanya nito sa kanya na tila isa siyang kuto sa paningin nito at gustong-gusto siyang tirisin sa inis.
“Mister grabe ka naman magsalita! Hindi ko naman sinasadya at---“ hindi na naman niya natapos ang sinasabi dahil tumalikod na ang aroganting lalaki.
“Aba’t” nasambit na lamang niya. Naiinis na rin siya sa sarili at sa lalaking ubod nang sungit. Oo nga;t kasalanan niya pero nagso-sorry na nga siya at sobra-sobra naman yata ang tinanggap niyang masasakit na salita mula rito na tila siya na ang pinakatangang tao sa buong mundo. “Hmmm infairness gwapong nilalang ang mamang masungit.”
“Friend anong nangyari?” Humahangos na tanong ni Jash sa kanya.
“Iyong lalaking saksakan nang pag-kaarogante nabuhosan ko nang sago’t gulaman sa ulo.”
“Kaya pala mukhang galit na galit sa mundo eh!”
“Hayan mo na, mabuti na rin yon sa kanya eh pinaglihi yata yon sa sama nang loob.”
“Okay, halika’t lumipat na lang tayo sa ibang place at pinagtitinginan na tayo rito.”
“Mabuti pa nga…bakit ba kasi ang tagal mo?”
“Sorry po kasi traffic lang naman po.”
Lumipat na lang sila sa ibang kainan na nasa loob pa rin nang malaking mall na iyon.
“Infairness friend ha! gwapo yong mamang binuhosan mo.” Ani jashley
“Talaga? Hindi ko kasi masyadong nakita ang mukha eh!” kaila niya
“Anyway kailan kamo ang uwi mo sa mahal mong lupang sinilingan?” at sinabayan iyon nang bungisngis nang kaibigan.
“Maybe this weekend. Magpapaalam muna ako sa publication namin eh.. you know naman baka hanapin ako nang mga masugid kong readers.” Biro niya.
“Oo nga pala nakalimutan kong may sikat nga pala akong kaibigan na ang akala ay artista siyang pinagkakguluhan.” Hahhaha
“Alam mo friend hindi ko alam kong bakit naging kaibigan kita.” Sakay rin niya sa pang aalaska nito. Ganun silang magkaibigan halos laging nauuwi sa buskahan at asaran ang usapan nila.
The next day pumunta nga muna siya sa kanilang publication at nagpaalam, pinayagan naman siya basta maisubmit sa tamang oras ang manuscript niya na nang isang buwan pa nabibitin. Bago siya umuwi dumaan muna siya sa grocery para makapamili nang dadalhin at baon na rin niya sa pagbyahe niya pauwi nang Bicol.
Halos mapuno na ang cart na hila-hila niya nang tumigil muna siya at inisip ang maaring nakalimutan pa niyang dapat bilhin. Nasulyapan niya ang nag-iisa na lamang na paboritong Junkfood. Akmang aabotin na niya ito nang may isang mas malaking kamay na nakasabay niyang nakahawak roon. Hinila niya iyon upang iparamdam na nauna na siya roon. Pero tila ayaw magpatalo na kung sinong herodes na nakikipag-unahan sa kanyang makuha iyon.
“Excuse me! Nauna akong---- hindi niya naituloy ang sasabihin nang matitigan ang mukha nang taong kaharap niya at kaagaw sa isang junkfood, Pamilyar ito sa kanya but hindi niya maalala kung saan ito nakita or nakilala.
“Oops! First come forst serve… ako ang unang nakaabot Miss.” Aba’t ang lalaking ito..Hindi siya patatalo rito, paborito pa naman niya iyon at siya naman talaga ang nauna roon. Inagaw niya nang bigla iyon subalit maagap ito hindi nito binitawan iyon kahit na hawakan niya uli iyon. Hinila uli niya, hindi pa rin binitawan nang lalaki bagkus nakipaghilahan ito sa kanya.
“Teka nga! Ako naman talaga ang nauna.”
“Then get it Lady if you are!”
“Aba!” aniya.. ang lalaking ito naalala na niya kung saan ito nakita, ito ang lalaking hambog na nabuhosan niya nang sago’t guluman nang isang araw. Pag minamalas nga naman. Lalo siyang nainis nang maalala ang pangyayari. This time hindi siya papa-intimidate sa hambog na ito. Inihanda niya ang sarili at ubod lakas na inagaw mula rito ang plastic nang junkfoods, pero nagkamli siya sa ginawa dahil walang kahirap-hirap na nakuha niya ito sa lalaki at dahil doon minalas na na out balance siya at huli na rin para maagapan niya ang sarili. Tumama ang likod niya sa stante nang mga items, Halos hindi maexplain ang sakit sanhi nang pagkakatama nang kanyang likod. Bumagsak ang katawan niya sa sahig at kitang-kita pa niya nang maghulogan lahat sa kanya ang mga items na nasa stante. Ipinikit na lamang niya ang mga mata nang makitang nawalan rin nang balance ang stante.
“One—two—three…walang bumagsak na mabigat na bagay sa kanya. Hindi kaya patay na ako at wala na akong maramdaman?” tanong niya sa sarili. Kinapa rin niya ang katawan, nararamdaman naman niya…isa pa… kinurot naman niya ang kabilang braso..masakit iyon.
“Hoy Miss wala ka bang planong tumayo riyan?” singhal nang isang boses na kilala na yata niya.
“Oh my golly cow! Pati ba sa langit sinusundan siya nang hambog at masungit na lalaking ito?” aniya sa sarili nang marinig ang pamilyar nang bulyaw nang hindi naman niya ka-close na lalaki. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata.
“Buhay pa ba ako?”
“Oo buhay ka pa! at hindi madaling mamatay ang taong maraming napurwisyong kapwa niya.” Tiningnan niya ang lalaking itinatayo at inaayos ang stante na dapat ay babagsak sa kanya, parang walang kahirap-hirap nitong inayos iyon na tila hindi alintana ang bigat.
“Alam mo nang magbuhos ang langit nang kamalasan at katangahan, sinalo mong lahat!” baling nito sa kanya subalit bago pa siya makasagot nakatalikod na ito.
“Naku ang lalaking hambog na yon.” Ngali-ngali niyang habulin ito at batokan nang pauli-ulit, but hindi pa siya makatayo nang mayos.
“Ma’am okay lang po kayo?” tanong nang isang lalaking salesboy yata roon sa supermarket. Tinulongan na siya nitong makatayo nang maayos.
“Oo salamat” Nang mabayaran ang pinamili dali-daling lumabas roon at tinungo ang nakaparadang kotse niya. Pagnakikita niya ang lalaking iyon kung anu-anong kamalasan ang natatamo niya.
“Humanda sakin ang hambog na iyon oras na magtagpo uli ang landas namin, lintik lang ang walang Ganti. At tila nanadya pa ang pagkakataon may nagbeep sa likod nang sasakyan niya.. nang tumapat sa bintana nang kotse niya, walang iba kundi ang hambog at tila nang-aasar na ipinakita pa nito ang plasticv nang junkfood sa kanya...”naku! asar talaga” nasambit na lamang nya. “Pagminamalas nga talaga ang buhay, tila ito bagyo na puno nang kamalasan ang dala sa kanya….”
Nakaupo si Krisha sa sofa at sambakol ang mukha. Ngayon sana ang plano nyang magbyahe papuntang Bicol pero mabigat ang katawan niya, masakit rin ang likod niya dahil sa nangyari kahapon. Tiningnan niya ang orasan na nakasabit sa may taas nang bintana. Alas diyes iksakto na nang umaga.
“Gosh nang dahil sa asungot na yon nagiging makakalimutin na ako.” Tumayo siya at dali-daling binuksan ang television, Inilagay ang chanel sa paboritong show na anime.
“Ay tapos na! naku kasalanan talaga ito nang hambog na iyon.” Nang walang ibang masisi ibinilang niya sa listahan nang galit niya sa lalaking hambog ang hindi pagkapanood sa Inaabangang palabas.
Naupo uli siya sa sofa at hindi malaman kung ano ang gagawin sa araw na iyon, nabobore siyang hindi niya malaman. Kinuha niya ang celphone na bagong bili niya, Idinial ang numero nang kaibigan, Iistorbohin na lamang niya ito. Nakakatatlong ring na bago sinagot nang kaibigan ang tawag niya.
“Hello! Krish? Sorry I’m in the Hospital right now-----
“Ha teka bakit napano ka?” Tarantang tanong niya rito
“Relax! I’am alright, nandito po ako kasi nagvolunteer ako rito sa Medical mission nila.”
“Ah akala ko naman kasi kung napano ka! Kung makapagsalita ka kasi nakakapanic.”
“Madaming tao kasi po rito kaya nilakasan ko ang boses ko, teka nga asan ka ba? Diba ngayon ang uwi mo sa probinsya nyo?”
“Oo nga sana kaya lang wala kasi ako sa mood at masakit talaga ang likod.”
Bakit anong nangyari diyan s likod mo?”
“Nakasalubong ko kasi kahapon uli yong hambog na lalaki sa mall at hari rin pala nang kamalasan at pati ako minamalas.” Idinitalye niya rito ang buong nagyari.
“Grabe pala! Teka pumunta ka na lang Kaya rito para makapagpacheck-up ka kung may bali iyang likod mo, hindi rin kasi tayo pwede magkwentohan nang matagal rito sa phone.
“Mabuti pa nga, tutulongan na lang rin kita dyan.”
CHAPTER 2
“OKAY hintay kita rito sa friend.”
“Bye!” aniya at ibinaba na ang phone, pumasok siya sa kwarto niya at nagpalit nang damit pang-alis.
On the way na siya papasok sa parking lot nang Hospital nasa likod iyon nang building. Hindi pa man siya nakakababa nang kanyang sasakyan nang mahagip nang mata niya ang isang matandang babae na tila hirap na hirap sa paglalakad. Wala siyang nakitang kasama na pwedeng umalalay sa matanda.
“Asan kaya ang mga anak nito?” napabilis ang labas niya sa kotse nang makitang hinawakan nang matanda ang dibdib nito at natumba.
“Lola-lola okay lang po ba kayo?” tanong niya.
“Hindi ako makahinga!” sambit nitong hirap na hirap sa pagsasalita.
“Teka po sandali, asan ba mga guards dito, bakit wala ni isang tao man lang dito?” nang tingnan uli niya ang matanda ay wala na itong malay.
“Lola teka wag ka po munang mamatay! Mamaya na pag nasa hospital na tayo.” Maiiyak nang sabi niya rito. What if isisi sa kanya ang pagkamatay nito..goshy wow! Nagulat pa siya nang may humambalos sa likod niya.
“Aray ko po! Bakit ang likod ko pa?”
“Aba’t sira ulo kang bata ka, mamaya mo pa pala ako gustong mamatay ha?”
“Lola okay lang kayo?”
“Hindi! Ano ba sa tingin mo? Dalhin mo na ako sa Hospital bago pa ako tuloyang matigok.”
“Teka! Sandali bubuhatin ko po kayo.” Dahil sa masakit pa ang likod niya at nang tila may narinig siyang tumunog sa likod niya nang binuhat niya ang matanda ibinababa uli niya ito.
“Oh bakit?” tanong nitong makulit na lola.
“Sandali lang po! Hindi ko po kasi kayo kayang buhatin.”
“Hala tumalikod ka?”
Ha! bakit po?” Bago pa man siya makapag-react pa ay nasa likod na niya ito at tila tukong kumapit roon.
“Aray ko po!” sambit niya nang tila may kidlat siyang nakita sa sakit nang kanyang likod.
“Lola-lola masakit po ang----- lola?” pinakiramdaman niya ang matanda sa likod niya at tila nawalan na ito nang ulirat, dahil sa taranta nakalimutan niya ang sakit nang kanyang likod. Nagmamadali niyang dinala ito sa Hospital.
“Tulong-tulong!” sigaw niya sa mga taong nakita sa labas nang hospital kung saan ang bukana nang ER.
“Krisha! What happen to that old lady? Who is she?” si Jashley.
“Please help me first, maybe my back bone is broke.” Aniya
Guy’s help?” tawag nito sa mga kasama.
Nang makuha na ang matanda sa likod niya, hindi pa rin niya maituwid nang maayos ang likuran.
“Friend are you alright?”
“Mukhang hindi yata, Jash! Parang magiging kampanerang kuba na yata ako eh!” Bago pa nakasagot ang kaibigan ay may lalaking tumawag rito at lumapit sa kanila.
“Jash?... what’s her name? she’s so cute!”
“Ah Jacob meet my bestfriend she is Krisha.”
“Teka-teka pwede bang tulongan ninyo muna ako bago kayo mag-tsikahan diyan.”
“Come?” ani Jacob, at pinaupo siya nito sa isang silya at minasahe ang likod niya. Ewan niya kung ano ang tila inayos nito sa buto sa likod niya at okay na ang pakiramdam niya pagkatapos.
“Physical therapist siya.” Paliwanag ni Jashley sa kanya.
“Ah ganun ba kaya pala ang galing niya, medjo okay na ang pakiramdam ko…Thank you Jacob ha?” baling niya rito.
Nang umayos na ang pakiramdam at nasigurong wala namang nabali sa likod. Pinuntahan niya ang matanda sa room na pinagdalhan rito.
“Doc. How is she?”
“Okay naman siya Miss, malakas naman siya at nang sinuri namin ay wala naman problema sa kanya.”.
“Ha? eh kanina nawalan siya nang malay tao at saka mukang inataki siya sa puso Doc.”
“Hindi Miss actually kilala ko siya, Family Doctor nila ako, at kaibigan ko ang apo niya. Nadamay ka lang nang pangungulit ni lola.”
“Ho? Ganoon ho ba!” naku ang matandang ito, ang sarap rin batokan, halos mabalian ako nang likod ha. Hindi na lamang niya iyon isinatinig sa Doctor.
“Oo kaya wag ka nang mag-alala sa kanya. Tinawagan ko na rin ang kaibigan kong sundoin na siya.
“Ah sige Doc. Salamat!”
“Okay, maiwan na kita may patient pa kasi ako.” Tinanguan na lamang niya ang Doctor. Sinilip pa rin niya ang matanda, para malaman kung talagang okay naman ito. Totoo naman dahil nakita niyang nakaupo ito sa kama at may kung anong kinakalikot. Tatalikod na sana siya pero huli na dahil nakita na pala siya nang makulit na matanda.
“Hoy!” Tawag nito sa kanya. Aba! Ang matandang ito talaga. Napilitan na rin siyang humarap rito.
“Bakit lola?”
“Oh bakit hindi ka pumasok ha?” Krisha matanda iyan, pasensyahan mo na lang, saway niya sa sarili.
“Bakit ninyo ginawa yon ha?” Tanong niya sa makulit na matanda. Nang makapasok at tumayo sa harap nito.
“Ang alin?” Tanong nang nagmamaang-maangang matanda.
“Bakit ninyo ako niloko?”
“Hindi kita niloko ha!”
“Hindi eh nagpanggap kayong inaataki sa puso.Alam nyo bang halos mabalian ako nang buto sa likod sa ginawa ninyo.”
“Ganun na ba ako kabigat kaya halos kamo mabalian ka nang likod?”
“Hidi ho sa ganun, may problema na po kasi ang likod ko bago ko kayo nakita kanina.” Naalala na naman niya ang lalaking hambog na iyon. Naku! Kung hindi talaga dahil rito hindi mangyayari sa kanya ang lahat nang ito. Nakakarami na ang lalaking yon. Nang tingnan niya ang matanda, titig na titig ito sa kanya at tila malalim ang iniisip.
“Lola? Mukhang okay na naman kayo, aalis na po ako.” Paalam niya sa makulit na gurang.
“Teka sandali lang.” Tawag nito sa kanya. Bakit na naman kaya! Isa pa itong matandang ito na gustong-gusto na niyang batukan. Nagtimpi na lamang siya at bumalik sa loob.
“WHAT?” Sigaw na tanong niya rito pagkatapos marinig ang mga sinabi nang Imposibleng matanda.
“Wag mo akong sigawan, hindi pa ako binge!”
“Kayo ho kasi kung anu-ano ang sinasabi ninyo.”
“Ano naman masama doon, aba gwapo ang mga apo ko.”
“Ipagpalagay na po natin, pero ni hindi ko nga po alam ang pangalan nang apo ninyo, pati na nga rin kayo.
“Eh yon lang naman pala! Ang pangalan nang apo ko Rocky at Hardy, kambal sila at parehong gwapo, at ako naman tawagin mo na lang na lola Fatty.”
Imposible talaga ang matandang ito, hamak mong isipin na ipain siya sa kambal kunong apo nito at pag di siya pumayag ay sasabihin raw nitong siya ang dahilan kung bakit ito nahospital at muntk nang masagasaan. At panu na nga siya kung sakaling gawin nga iyon nang matanda pag umayaw siya at ipakulong siya nang mga apo nito, kahit hindi naman namatay ang matanda pwede nga naman siyang e-frame up raw nang mga ito dahil maimpluwensiya daw ang matandang ito at ang mga apo.
“Mama, Papa please help me? O kaya kunin na din lang ninyo ako…” aniya at umaktong nagdarasal na nakatingin sa taas. Nang may biglang pumasok sa pintuan at humahangos na lumapit sa matanda.
“Lola Fatty are you alright?” tanong nang lalaking matankad. Pamilyar na ang bulto nito sa kanya
“Rocky hijo? Kung hindi mo pa malamang nasa Hospital ako hindi ka pa uuwi, si Hardy lage din wala dahil sa trabaho. Aba hindi pa ba sapat ang yaman na Iiwan ko sa inyo ha?”
“Lola don’t talk like that!”
“Ang alin na yong Iiwan kong yaman?”
“Lola talaga” ani nang lalaking nakatalikod pa rin at tila hindi nito naramdaman na may ibang tao pa na naroon sa loob nang silid na iyon. Pupuslit na sana soya nang marinig na naman ang matanda.
“Hindi ka pwedeng umalis.” Sabi nito sa kanya.
“Lola who is she?” tanong nang lalaki
“Siya ang naka----ahm”
“Ah Lola okay na po ako.” Singit niya para hindi nito ituloy kung ano man ang sasabihin nito sa apo. Nagulat siya nang pagharap niya sa dalawa, namukhaan agad niya ang lalaki.
“Ikaw?” Turo niya rito
“Ako?” Ulit rin nito sa sinabi at ginaya pa ang ginawa niya, itinuro rin nito ang sarili.
“Oo ikaw!”
“Sandali! Magkakilala na ba kayo nitong si-----Ano nga ba ang pangalan mo hija?” Tanong ni Lola Fatty.
“Krisha po.”
“Rocky magkakilala na kayo nitong si Krisha?”
“Hindi po lola! Ngayon ko lang siya nakita.” Tiningnan siya nang dalawa na tila nagtataka.
“Eh kasi Lola siya yong dahilan kung bakit ako muntikan nang mabalian nang likod at siya rin ang nagdala nang lahat nang kamalasan sa akin ngayon.”
“Teka sandali lang miss anong pinagsasabi mo diyan, hindi pa kita nakikita ngayon lang! as in now lang.” anito
Aba’t ang lalaking ito magpapalusot pa! “Hindi-hindi ko makakalimutan ang mukhang iyan.” At itinuro ang mukha nito, ilang beses na nga niyang nakita ang lalaki kaya hindi siya pwedeng magkamali.
“Bago pa kung anu-ano ang ibintang mo sakin. I have a twin brother.. at talagang magkamukha kami, His name is Hardy.” Anito na nakataas pa ang mga kamay nito na tila nangangako.
“Oo hija.” Sigunda nang matanda, Baka siya ang nakilala mo at saka sadyang pilyo iyon at kabaliktaran nitong si Rocky.” Dagdag pa nito, nagpalipat-lipat ang tingin niya sa dalawa at tila iisa ang ulo nang mga itong sabay pang tumango.
“Talaga? Naku pasensya na napagkamalan kita.” Paumanhin niya rito.
HINDI pa rin talaga makapaniwala si Krisha nang malamang kamukha lang nang hambog na yon ang Rocky dahil nga kambal ang mga ito. At Hardy pala ang pangalan nang lalaking iyon ha….pero ang pakiramdam talaga niya ay iisa ang taong kanyang tinutukoy, ang lalaking ilang beses na niyang nakadaupang palad.
“No mali ang term ko!” aniya sa sarili. Ilang beses na niyang naka-away iyon ang tamang salita. Minsan kasi pag hindi nakatingin ang lola nito may kung anong nababasa siya sa mukha nang Rocky na iyon at ang mata nitong tila nagbabadya nang kapilyohan o ewan ba niya but saglit lamang iyon at babalik uli sa tila napakaseryosong tao at mabait na anyo.
“Grabe naman friend, para talagang pinagtatagpo kayo nang lalaking iyon at pati pamilya ha?”
“Oo nga eh! At akalain mong doon pala kay lola Fatty nagman nang kakulitan at kasungitan ang lalaking iyon.”
“At kamo kabaliktaran nito ang kakambal…”
“Oo, hindi nga rin ako makapaniwala eh! At saka walang dahilan para pagtakpan nang matanda ang apo dahil hindi naman niya ako kilala.”
“You are right friend…so tutuloy ka pa ba sa pag-uwi mo sa probinsya ninyo?”
“Baka bukas na lang para kung sakali matakasan ko rin iyong matanda, baka totohanin ang banta sakin eh! Mahirap na.”
“Kamo sa matanda, kung gustong ipaasawa ang mga apo niya, sakin na lang.” at tumawa ito.
“Ay naku Jash pwede wag na lang kasi baka masira ang friendship natin kung sa tuwing magkikita tayo makikita ko rin ang mukhang yon.”
“Kaw talaga killjoy!”
“Ano naman ang killjoy ko doon ha?”
“Basta!” ani Jash na ngumuso pa!. Hay excited na rin siyang umuwi sa bahay nang mga magulang ang tagal na rin nang huling uwi niya roon.
“Apo bakit ba tila bihirang umuwi dito si Rocky ha?” tanong ni lola Fatty kay Hardy.
“Marami ho kasing inaasikaso si Rocky lola!”
“Ano bang pinagkakaabalahan ninyo? Trabaho, pera? Bakit hindi ninyo naman iyan madadala sa langit at hindi ako mabibigyan nang apo sa tuhod niyan!”
“Aba lola pwede na ngayon iyan, dahil sa yaman at pera maraming magkakandarapa para mag-paanak lang samin ni Rocky.” Tumatawang biro ni Hardy sa matanda but totoo iyon nang dahil sa pera marami ngang naghahabol sa kanilang magkapatid kahit na hindi nga sigurado kung sino sa kanilang dalawa ang talagang gusto, dahil magkamukha sila. maraming nagkakamali kung sino ang isa’t-isa kahit ngayon na dapat wala nang pwedeng magkamali hindi pa rin pala siya makaalis sa anino nang kakambal kahit ang sariling niyang lola ay nagkamali sa kanilang dalawa ngayon o baka dahil sa matanda na ito.
He remember when they was young dahil sa naiinis na siyang laging nagkakamali ang mga nakapaligid sa kanilang magkapatid mas pinili niyang ibahin ang pagkatao o ang pagkilos at ugali sa kakambal nang sa gayon hindi na siya mapagkamalang si Rocky. Mula noon silang dalawa ay itinuring na magkasalungat. Siya pilyo si Rocky ay mabait, matino, matalino lahat nang positive nasakakambal at negative ang sa kanya kahit sa pananamit mas advance ang sense of fashion niya kaysa sa kapatid. Well hindi namna pangit manumit ito dahil sa magandang tindig at tangkad madaling madala ang lahat nang isuot nito but more on simply and bossy ang dating nito at sa kanya madami ang naiinis dahil paeasy-easy lang daw siya. Naiinis talaga siya pag naiisip ang mga iyon but still mahal niya ang kakambal at namimiss na niya ito.
ON THE WAY na si Hardy papuntang region IV, may kailangan lang kasing e-follow up tungkol sa pagkakawala nang kakambal, mabuti na lang at pinayagan siyang umalis ni lola Fatty, medyo matagal din ang ginawa niyang pangungumbinsi rito na payagan siyang mawala nang ilang araw. Itinigil muna niya ang sasakyan sa gilid nang kalsada, medyo napapagod na rin kasi siya sa ilang oras na pagmamaneho. Nasa bandang kakalampas pa lang siya nang Quezon province, medyo natrapik kasi pagkagaling at pagpasok niya nang express way. Kinuha niya ang kanyang Cellphone at dinial ang numero nang isang kaibigan.
“Hello Andrew? Si Hardy ito.”
“Hardy? Ikaw ba tlaga yan?”
“Oo nga! Pwede ba ako makituloy sa bahay mo?.”
“Ha? dito sa bahay ka tutuloy?”
“Oo nga! Bakit parang ayaw mo? At may hihingin din sana kasi akong tulong sayo pare!”
“Okay pare..hihintayin kita rito, kailan ang dating mo?”
“Siguro mamayang madaling araw, nasa byahe na ako, sige na bye na at ipagluto mo ako ha?”
“Oo ba basta ikaw.” Ani Andrew. Napailing-iling na lang siya nang maibaba ang cellphone at paandarin uli ang manibela. Naging kaibigan niya ito nang minsang umuwi rin siya doon at nang tulongan siya nito sa mga luko-lukong lasing sa kalsada. Well he know’s how to fight naman dahil may pinag-aralan din siya sa martial arts at iyon talaga ang hobby niya, nagkataon lang na madami yong nakabanga niya at nakita nga siya ni Andrew. Simula noon sa bahay na nito siya tumutuloy, mali sa bahay nang mga tiyahin nito but namatay na raw ang mga iyon, ang pinsan naman raw nito ay hindi na umuuwi roon at nang huling umuwi nga siya ay ito naman ang naabutan niyang nasangkot sa gulo. May grupo nang kalalakihan ang kausap nito at mukhang sasaktan ang kaibigan, mabuti at naabutan niya at natulongan ito. May involve na malaking pera ang sinisingil rito at dahil wala naman itong maibigay, nagalit ang leader nang grupo. Inako niya ang pagbabayad, nangako naman itong balang araw maibabalik rin ang ginawa niyang tulong rito.
CHAPTER 3
ALAS ONSE pasado nang gabi na nakarating si Krisha sa Legazpi. Sa bahay nang mga magulang niya, plano niyang mag-stay roon nang kahit isang buwan man lang. Kinatok niya ang pintoan at sumilip siya sa bintana, bukas naman ang ilaw kaya siguradong gising pa ang pinsan niya. Kumatok uli siya at naghintay, ilang sandali pa lumabas na ang pinsan niya.
“Krisha! Insan bunso?” iyon ang endearment nito sa kanya, pero bakit parang gulat na gulat ito pagkakita sa kanya.
“Oo bakit parang nagulat ka kuya?”
“Ah eh Oo, ay hindi sa ganun… wala ka man lang kasing pasabi na uuwi ka pala.” Kinuha na nito ang traveling bag niya.
“Bakit may ibang tao ka bang hinihintay ngayon ha?”
“Kumain ka muna Insan bunso, mabuti at nagluluto ako gayon.”
“Asus siguro may date ka sana ngayon gabi ano?” tukso niya sa pinsan.
“Hindi wala at saka wala naman akong idididate eh!” parang nahihiya pang sagot nang pinsan niya. Napatingin siya rito..Himala! wala daw eh tsikboy ito noong college.
Natapos na siyang kumain pero ang pinsan niya tila hindi mapaanak na pusa, alam niyang may gusto itong sabihin sa kanya.
“Kuya ano ba’t parang pusa ka riyang hindi mapaanak ha?”
“Hindi ka kasi nag pasabi na uuwi ka pala ngayon----
“Oh bakit anong problema mo? Hindi na ba ako pwede umuwi rito?” putol niya sa sasabihin nito.
“hindi sa ganun Bunso, kaya lang may kaibigan akong darating mamayang madaling araw din, nakapangako na kasi akong dito siya tutuloy kasi ang akala ko ako lang naman rito mag-isa ngayon.”
“Okay lang naman yon sakin, saka kuya you don’t hav ask my permission dahil bahay mo na rin ito. at siguro naman hindi masamang tao ang kaibigan mo?”
“Naku hindi mabait si Hardy, at gwapo yon Bunso”
“Ano kamo ang pangalan?”
“Hardy, bakit?”
“Wala, may naalala lang akong kapangalan niya.”
“Boyfriend mo?” tanong nito, nanunukso.
“Hindi at hindi ko pangarap ang ganun kahambog na lalaki.” Pati ba naman rito napakalayo na niya, nakasingit pa ang asungot na yon para masira ang mood niya. Inilabas na lang niya ang mga pinamili at pasalubong na rin sa pinsan.
“Thank you ha? ang ganda nitong polo-shirt.” Ngumiti lang siya rito, mabuti at nagustohan naman nito ang binili niya.
“Magpapahinga na muna ako, medyo napagod kasi ako sa byahe.” Aniya sa pinsan.
“Sige bunso..salamat! magpahinga kana muna, ako nang bahala rito.
“Apat naman ang kwarto rito diba? Doon na lang ako sa kwarto nina mama at papa, bahala kana sa kaibigan mo kung saan ninyo gusto matulog ha.”
“Oo bunso…siguro ako na lang doon sa dati mong room.” Tinanguan na lang niya ito.
Nangingiti na lang siya habang naglalakad papasok sa dating kwarto nang mga magulang. Tama nga ang disisyon niyang umuwi muna rito, medyo gumaan nga ang pakiramdam niya ngayon. Nang pagpasok niya sa loob inilibot niya ang paningin, parang walang nagbago, malinis ito at ang pagkakaayos ay walang pinag-iba sa dati. Inilapag niya ang dalang handbag at naupo sa gilid nang kama.
Nagising siya sa sikat nang araw na tumatama sa mukha niya dala nang pagsabay nang kurtina sa ihip nang hangin.
“Nine o’clock na pala nang umaga, napasarap ang tulog ko ah!”
Bumangon na siya at inayos ang kama, pagkatapos nagtungo siya sa banyo para makaligo at nang mapreskohan. Nang lumabas siya nang kanyang silid nagtaka siya nang hindi Makita ang pinsan sa sala’s at kusina pati na rin sa garden.
Siguro natutulog pa ito, napuyat siguro dahil sa paghihintay sa kaibigan. Nakaramdaman siya nang panunubig kay nagtungo siya sa washroom sa kusina upang hindi na umakyat pa sa taas. Pipihitin na niya ang siradora nang bigla itong bumukas bago pa man siya ang mauna. Sa sobrang pagkabigla sa tumambad na di kilalang lalaki ay nagsisigaw siya.
“Kuya, kuya?” tawag niya sa pinsan.
“May magnanakaw!”
“Hey, hey!” narinig niyang sabi nang kung sinong lalaki, pero hindi na niya ito pinansin at nagtatkbo siya palabas nang bahay, but bago pa man siya makalabas nang tuloyan napigilan na siya nito.
“Hey take it easy lady.”
“Huh.” Tila pamilyar na ang boses nito sa kanya. At kusang humarap rito ang katawan niya.
“IKAW?” Gulat na saad niya nang makilala ito. Ang lalaking bangungot niya.
“Oo ako nga!”
“Oh may goshy, binabangungot pa siguro ako.” Aniya na tila hindi makapaniwala rito.
“I’am afraid but you are over in your wetty and sweet dreams lady, And Im sorry for that.”
“Hoy lalaki hindi kita pinagnanasaan at saka ang sabi ko nightmares not sweet and dirty wetty dreams.”
“Malay ko ba kung ano talaga ang nasa utak mo.”
“Ang kapal talaga nang pagmumukha mo! At saka ano ang ginagawa mo rito ha? sinusundan mo ba ako?”
“Hey, hey! And why would I do that huh? Not even in your dreams!”
Bago pa man siya nakasagot sa hambog na lalaki sumolpot na ang pinsan niya.
“Bunso?, nakilala mo na pala ang sinasabi ko sayong kaibigan ko.”
“Ano! Siya ang kaibigan mo? Pag minamalas ka nga naman!”
“Bakit bunso magkakilala na ba kayo?” at nagpalipat-lipat ang tingin nito sa kanilang dalawa. Nang hindi niya sagotin ito, ang lalaki ang sumagot.
“Oo Drew pinagtatagpo yata kasi kami nitong Bunso mo!”
“Talaga pare?”
“O baka lang crush niya ako kaya lage kaming nagkikita.” At kumindat pa ito sa kanya. Sa sobrang inis niya tinalikuran na lamang niya ang dalawa at pumasok sa dating kwarto niya.
Pero nagkamali yata siya nang ginawa dahil ang dating kwartong sa kanya ay obvious naman na ang lalaki ang gumagamit noon kagabi dahil sa nagkalat na damit at ang bag nito.
“See” Narinig niyang sabi nito sa pinsan niya, sinundan pala siya nang dalawa.
“Bunso, siya na ang pinagamit ko sa kwartong ito kasi hindi ko pa pala nalinisan yong isang kwarto.”
Hindi na lamang siya umimik dahil alam niyang un-ethical ang ginawa niya kahit pa sabihing sa kanila iyong bahay. Oo nga teka ano nga naman? Talaga naman sa kanilang bahay iyon at hindi naman niya alam na doon ito natulog… Walang kaabog-abog na lumabas siya nang kwartong iyon but bago siya tuloyang makalabas nang tumapat siya sa lalaki tila walang anuman na tinapakan niya ang paa nito, wala siyang pakialam kung mamatay man ang kuko nito sa mga paa.
“Aww! Sigaw nito.”
“Bakit Hardy?” tanong nang pinsan niya.
“Wala may langgam kasi kinagat ako sa paa.’
Ngingisi-ngising dumiritso na lamang siya sa kusina at isa-isang niyang kinumusta ang mga gamit roon. Nagpanggap na lamang siya na tila walang nakikita sa tuwing magkakasalubong sila nang lalaki.
Nang magsawa sa kusina, sa garden naman siya nagpunta, tulad nang dati buhay na buhay pa rin ang mga halaman na inalagaan nang kanyang ina nang ito ay nabubuhay pa. Napahinto siya sa kanyang ginagawang pagsamyo sa mga Rosas when she hear someone coughing at her back.
“What do you want?”
“Baka kako malanta na ang rose sa pagsinghot mo riyan.’
“Ano naman ang pakialam mo?” singhal niya rito.
“Aba sayang naman ang ganda nitong rose kung malalanta lang sa kasisinghot mo.”
Umingos lang siya rito at binitiwan na nga ang rose nang marinig uli niyang may sinasabi ito.
“Ano kamo?” tanong niya
“Binge ka rin pala!” anito
“Hoy-----
“I said masama rin ang sobrang pag-amoy sa bulaklak lalo na at may proper sa pagamoy nang bango niyan, hindi tulad nang ginagawa mong pagsinghot.”
“Ano naman ang masama roon, aber?”
“Don’t you know pwede kang makakuha nang sakit sa ginagawa mo, tulad nang asthma or allergy, dahil sa pagsinghot mo hindi mo alam kong may maliit na insikto riyan at pumasok sa ilong mo.” Hindi siya nakasagot sa tinuran nito dahil may point ito, at ang ikinagulat pa niya ang tila concern sa tono nito. Napatitig tuloy siya sa mga mata nito at ganoon rin ang lalaki, nakatingin rin ito sa kanya at may kung anong lamig ang naramdaman niya nang mga sandaling iyon, hindi niya maipaliwanag lalo’t tila nagwawalang reaction na kanyang puso.
Nagulat silang pareho nang sumigaw ang pinsan niya para tawagin sila, sabay pang napatalikod sila sa isa’t-isa…
“Oh anong nangyari?” tanong ni Andrew.
“B-bakit?” aniya
“Ah para kayong------ ah wala! kain na tayo.”
Nauna na siyang tumalima para maiiwas rito ang nararamdaman nang mga oras na iyon, ayaw kasi niyang marinig nito ang malakas na pagtibok nang puso niya. Naupo na siya at kumuha nang pagkain, Naiinis naman siya dahil ang puso niya hindi pa rin bumabalik sa normal na pagtibok nito. Panay tuloy ang subo niya nang pagkain sa bibig.
“Bunso dahan-dahan lang, baka mabulonan ka niyan.”
“Okay lang masarap kasi itong luto mo.”
“Hindi ako ang nagluto niyan, si Hardy.”
Sa narinig nakatatlong subo siya nang sunod-sunod at sabay na nilunok but sa malas talaga tila bumara sa lalamunan niya ang kinain.
“Tu—big?” Hirap na sabi niya sa dalawa. Agad naman siyang dinaluhan nang dalawa, Si Andrew ang nagsalin nang tubig sa baso at si Hardy ang lumapit at minasahe ang likod niya, at ito na rin ang nagpainum nang tubig sa kanya.
“How do you feel now?” Tanong nito, kung hindi lang dahil sa sakit na nararamdaman sa lalamunan niya at kung hindi lang ito ang nagtatanong baka kinilig siya sa concern na pinapakita nito.
“Im fine, thank’s.”
“Dahan-dahan kasi nang subo, parang ka kasing patay gutom kung sumiba ka.” She hear Andrew chuckled, uminit na naman tuloy ang ulo niya, akala pa naman niya sweet ito iyon pala ibabaksak din… Hindi tuloy niya alam kung kakain pa or hindi na but bago pa man siya makapag decide nilagyan na uli nito nang pagkain ang plato niya. . Ang gulo talaga nang lalaking ito o baka naman nagkukunwari lang itong sweet dahil may binabalak itong iba, para makaganti sa kanya. ‘Huh..subukan mo lang Mr. Hambog.’
THE NEXT DAY, Hardy wasn’t on the house ang sabi nang pinsan niya may inasikaso lang daw at baka gabi na makauwi..”mabuti naman kung ganun para walang mangugulo sakin” aniya sa sarili. Nagpaalam rin si Andrew na may pupuntahan at baka gabihin na rin.
“Talaga, diyan tumutuloy sa bahay nyo ang man of your destiny?” Kasalukuyang kausap niya sa phone ang kaibigang matalik.
“Anong sinasabi mo diyan, stop it okay? Nagkataon lang na kaibigan pala siya nang pinsan ko.”
“Yon na nga sobrang coincidence naman diba? Hindi kaya siya talaga ang nakatadhana sayo friend?”
“Please lang friend, super yaman non at saka nga diba galit yon sakin.”
“So you mean you liked him already?”
“I didn’t say that.” Kontra niya
“But it’s almost like that at saka wala naman problema kung mayaman siya, diba nga gusto ka naman nang lola niya?” Natahimik na naman siya, Di nga kaya may gusto na siya sa hambog na yon. Ilang sandali pang kwentohan ay nagpaalam na siya sa kaibigan.
Nagluluto siya for dinner, dahil wala pa ang pinsan niya pati na si Hardy. Wala rin siyang ibang magawa kaya napagdiskitahan niyang magluto nang sinigang na baboy, pakantan-kanta pa siya habang hinahalo ang niluluto.
“Marunong ka rin palang magluto?” ani Hardy na nasa may pintoan nang kusina at nakasandig roon.
“Andyan kana pala, kanina ka pa ba?” tanong niya imbes patulan ang pang-aasar nito.
“Hindi naman.”
“Ah okay! Si Kuya wala pa….” aniya nang walng ibang maisip sabihin, Naiilang tuloy siya sa sitwasyon na hindi sila nagtatalo, hidi siya sanay lalo’t sinasabayan pa iyon nang pagrigodon nang dibdib.
“Tumawag sakin si Drew kanina, baka raw bukas na siya makauwi.”
“Ha bakit? Asan ba siya ngayon?” pero imbes na sagotin ang tanong niya nagkibit balikat lang ito. Kung ganun silang dalawa lang pala roon ngayong gabi sa bahay.
“Luto na ba yan?”
“Ah yeah, Gusto mo nang kumain?”
“Oo, gutom na ako eh!”
Magkatulong silang nagayos nang lamesa, magaan pala sa pakiramdam kapag ganito lang sila at hindi nagtatalo.
“Be aware of locking the door when you are alone.”
CHAPTER 4
“HA?” Nagtatakang tanong niya… Hindi nga pala niya na lock ang pintoan kanina.
“Kahit na dito ka lumaki sa panahon ngayon mahirap ang magtiwala kahit kanino.”
“I’m sorry, Nakalimutan ko kasi.” Natutuwa siya sa palaging pag-alala nito sa kanya, malaki na ang nagbago sa sitwasyon nilang dalawa, hindi niya sukat akalain na magkakakilala sila nang ganto at magkakasundo. Kahit na minsan lage pa rin itong nang-aasar maya-maya babawi rin ito, hindi rin naman pala talaga ito tulad nang akala niya nang una na sarili lang ang pinapahalagahan.
Nang matapos silang maghaponan, pilit na tinutulongan siya nitong maghugas nang pinagkainan kahit na kaunti lang naman ang mga iyon. Pagkatapos napagkasundoan nilang manood nang movie pang palipas oras.
“Ano ba ang gusto mog panoorin?” tanong nito sa kanya.
“Ano ba ang bago diyan sa mga DVD movie ni Kuya?”
“Here” Inabot nito sa kanya ang mga pagpipilian.
“Eh puro napanood ko na ito.”
“Talaga, ang dami niyan kahit isa ba walang hindi mo napanood?”
“Teka, itong horror movie, The Grudge 6 hindi ko pa ito napapanood.”
“Ayaw ko niyan.”
“Ha, bakit? …natatakot ka ano?” tudyo niya rito.
“Hindi ah, baka kasi pag natakot ka eh pagsamantalahan mo pa ako, kunwari yumakap ka pa sakin.”
“At ang kapal rin talaga nito!” tumawa lang ito…tila naman naengkanto siya sa ginawa nito, para itong isang anghel na bumaba sa langit, ang ganda nang tawa nito na parang musika sa kanyang pandinig.. .tumigil ito nang mahalatang nakatitig lamang siya rito.
“Hey I’am just kidding.”
“Ahm sige if ayaw mo nang horror ito na lang na bagong movie.”
“Ano naman?” lumapit ito sa kanya at naupo sa tabi niya, tiningnan rin nito ang hawak niyang DVD movie…..’Naku naman tinamaan nang sipa nang kabayo at elepante ang puso na naman niya, ito at nagwawala na naman, pakiramdam niya hindi siya makahinga nang mga sandaling iyon.’
“Alin dito ang sinasabi mong movie?”
“Ah—itong ano---
“Ano?” Anak nang tipaklong tinamaan na, nakatingin ito sa kanya at hindi niya maintindihan, basta ito na yon….
“Alin?” tanong uli nito… nang tumingin siya rito upang sagotin ito… nakangiti ang mga mata nito at tila nanunudyo.
“Ano---itong New moon nga, maganda ito.” Aniya na pinilit kalmahin ang sarili.
“Maganda nga raw talaga iyan.” Anito na sa kanya nakatingin, para naman siyang nahipnotismong hindi mabawi rito ang mga mata.
“G-gusto mo na bang panoorin ito?” tanong niya upang maibaling ang usapan at ang atensyon nito, but parang nanadya naman itong lalo pang inilapit ang mukha sa kanya.
“Ahmm—mamaya na.”
“Ha bakit?” tarantang tanong niya dahil gahibla na lamang ang layo nang mukha nila…napapikit siya nang mainuhang hahalikan siya nito. Basta bahala na si superman..Go go go. Pero naimulat niya ang mga mata nang biglang magsalita ito at nasa harap na nang television.
“How does this work?”
Naku kabagan ka sanang lalaki ka…. “Basta i-play mo na lang diyan.” Aniya na inayos na ang sarili, lihim na pinagalitan ang sarili sa ginawi, ‘ayan kasi akala mo naman hahalikan ka talaga, nangarap ka naman’, Padaskol na sunod-sunod na isinubo na lamang niya ang junkfood na nakita sa table, siguro dinala iyon nang lalaki kanina.
Nang mae-play na ang movie naupo uli ito sa tabi niya at nginitian pa siya nang tila nakakaluko….Naku itong bruhong ito nakakarami na talaga..Please stop smiling at me like that at baka ako na ang humalik sayo, ‘makita mo’…bubulong-bulong na sabi niya.
“What?”
“Wala…naalala ko panget pala ang movie na yan.”
“Ha? akala ko ba maganda?”
“Hindi, corny pala…puro kagatan.”
“Ha? bakit?” painosenting tanong nito.
Pero hindi na niya ito sinagot dahil nagsimula na ang mgovie, ang totoo favorate niya ang palabas na yon, kahit yong first part nang story, at crush din niya yong bidang lalaki.
“Oh akala ko ba, panget ang movie? Bakit para kang teen-ager na kinikilig diyan.”
“Sa crush ko ang bidang lalaki eh.”
“Type mo pala ang mga tipong nangangagat.”
“Oo at kung totoo iyon, willing akong magpakagat sa kanya.”
Hindi na siya nito pinansin…Nang sulyapan niya ito, abala ito sa pagtingin sa mga dvd movie at nang tila may napili na itong isa ay tumayo at pinalitan ang kasalukoyan niyang pinapanood.
“Hey what are you doing? I’m watching it!”
“You said you already watch it and it’s not nice…”
Ang mokong na ito sinisira ang pagpapantasya niya sa crush niyang bida nang movie, Hindi na nga siya hinalikan pati ba naman panonood niya sisirain pa…Teka---teka, bakit nasali ang naudlot na halikan ha? kastigo niya sa sarili. Pinabayaan na lamang niya ito sa gustong panoorin total nga naman napanood na niya iyon at saka iba na lang din ang panonoorin niya, ‘ang magandang mukha nito’. Na tila seryosong-seryoso sa pinanonood.
Ay, ano bang nangyayari sa kanya ngayon? Dati halos sumpain niya ito but now she know something change. Nagulat siya when Hardy’s phone ringing, Kinuha iyon nang lalaki sa bulsa nito at dahil halos magkatabi lang sila nasulyapang niya ang address nang tumawag, ‘JENNY’ at ewan ba niya ang lakas nang radar niya narinig pa niyang tinawag ito nang babaeng ‘Dear’. “ ha para kayong mga bear sa africa, bagay nga kayo kung sino mang malanding babae yan.” Bubulong-bulong na naman na saad ni Krisha.
“Excuse me!” ani Hardy, tumayo ito at lumabas nang garden.
“Huh, excuse mong mukha mo” aniya sabay tayo at umakyat nang hagdan papuntang kwarto niya, Hinayaan na lamang niya ang pinapanood sana nila.
“Sandali nga bakit nga ba ako nagagalit…ano naman kung magtawagan sila nang dear o bear pa man, wala na akong pakialam doon.” Aniya sa sarili.
“Krish? Akala ko ba manonood tayo nang movie?” Narinig niyang tawag ni Hardy sa kanya. Hindi muna niya sinagot ito, hinintay muna niyang makailang katok ito bago binuksan ang pintoan.
“Oh tapos ka na bang makipag usap sa tumawag sayo?” tila walang anumang tanong niya rito. But tumango lang ito.
“Let’s go sa baba, Lets continue the movie…”
“Ah yeah.. m-may tiningnan lang din kasi ako dito sa things ko.” Aniya.
Hindi na ito sumagot but nakatitig lang ito sa kanya na tila may kung anong iniisip pero wala naman itong binangit, Magkaagapay na silang bumaba uli at nanood nang movie.
NANG SUMUNOD NA ARAW umalis uli si Hardy at kasama na nito ang pinsan niya. Ganoon rin nang mga sumunod pang araw laging wala ang dalawang lalaki at halos hatinggabi na kung umuwi ang mga ito. Inabala na lamang niya ang sarili sa novelang hindi niya matapos-tapos. Bigla kasi siyang ginanahan magsulat at bumuo nang kwento.
Halos matatapos na niya ang huling chapter nang mapansin niyang mag-aalas otso na inpunto nang gabi. At wala pa rin ang dalawang lalaki. “Hay pano ako pag hindi umuwi ang mga yon?” Hindi naman talaga siya dating matatakotin, nito lang nang mawala ang mga magulang. Nahihirapan na siyang mag-isa. Pero nagagawa pa rin niyang paglabanan ang nararamdamang iyon, wag lang magbrown-out. But para naman nanadya ang pagkakataon, pababa na siya sa hagdan nang biglang mamatay ang ilaw sa buong bahay.
“Naku nalintikan na, Brownout pa yata…Bakit ngayon ka pa nagbrown-out.” Sinilip niya sa labas nang bintana ang mga kapitbahay nila. “Madilim din.” Nangangapang nagtungo siya sa kusina upang maghanap nang kandila at pansindi. Halos nakapa na yata niya ang kabuoan nang kusina nila ay wala pa ring siyang mahanap. Nagsisimula na rin siyang magpanic. Umiiral na naman kasi ang wide imagination niya…iyon kasi ang problema sa kanya madali siyang makapag-isip nang katatakotan sa ganoong sitwasyon.
Bumalik siya sa living room at doon naghanap but wala pa ring nangyari. Nanglulumong naupo siya sa sofa at doon isiniksik ang sarili, itinaas pa niya ang paa at niyakap ang tuhod niya. “Asan na ba kayo?” sana naman umuwi na ang mga ito, Naguumpisa na kasi talaga siyang matakot. Marahil almost two years din siyang hindi nakauwi rito at hindi siya sanay na walang kasama roon. Maya-maya nakarinig siya nang malakas na hangin at sumunod ang biglaang malakas na ulan.
“Mukhang may bagyo pa!” Lalo siyang nag-alala..”Okay don’t be afraid girl magkakailaw rin maya-maya.” Kinakausap na niya ang sarili, minsan iyon talaga ang way niya upang maibsan ang takot na nararamdaman. “Ayy kabayo.” Napasigaw siya nang biglang gumihit sa langit ang kulog at kidlat. Lalo siyang nakaramdam nang takot nang makarinig din kaluskos sa labas nang bahay. Parang may tao sa paligid, sinilip niya sa labas nang bintana kung ano iyon. Pilit niyang nilalabanan ang takot…idinikit niya sa salamin nang bintana ang mukha, madilim kaya wala siyang makita, maya-maya gumuhit uli ang kidlat sa langit at naaninag niya ang isang bulto nang lalaki sa labas..sumalsal ang kanyang puso at naramdaman niyang nanginginig na sa takot ang kanyang tuhod.. Medyo nahimasmasan siya nang makitang nawala ang aninong. Isiniksik niya ang katawan sa likod nang sofa at dahan-dahang umupo sa sahig but bago pa man siya tuloyang makaupo.
Muntik na siyang mapasigaw nang biglang bumukas ang pintuan. Mabuti na lamang at maagap na natakpan niya ang kanyang bibig but na out balance naman ang kanyang katawan nang mapaupo at mapasandig sa gilid nang sofa at medyo umatras iyon pero sapat na iyon upang maramdaman nang taong pumasok..nakita niyang napalingon sa diriksyon niya ang isang bulto nang lalaki, dahil sa madilim ang paligid hindi niya makita ang mukha nito. Inihanda niya ang sarili nang makitang papalapit ito sa kanyang kinaroroonan.
“Don’t please?” Sigaw niya nang malapit na ito sa kanya at handa na sana siyang manlaban oras na kantiin siya nito.
“shh..it’s me, what happen? Nag-aalala tanong nito. Nang makita niya ang gwapong mukha nito sa malapitan at maaninag iyon sa kabila nang dilim.
“H-Hardy?” Lumapit ito sa kanya at hinawakan siya sa magkabilang balikat. Dahil sa tuwa naiiyak siyang yumakap rito, kinalimutan na muna niya ang hiya sa katawan. Hinayaan naman siya nito bagkus niyakap rin siya nito nang mahigpit na para bang sinasabing hindi siya nito pababayaan.
“Shh stop crying, nandito na ako.” Bulong nito sa kanya. Hindi niya alam kung ilang minuto rin sila sa ganoong sitwasyon at hindi na iyon importante sa kanya basta ang alam niya na kung pwedeng hilingin sa mga kulog at kidlat na sana habang buhay na silang ganoon. Magpo-protesta sana siya nang maramdamang dahan-dahan nitong inalis ang kamay sa pagkakayakap sa kanya at lumayo nang konti but still hawak ito ang kanyang kamay.
“Kailan pa nagbrown-out?” anito
“Kanina pa.” Medyo kalmado na siya pero nagsimula na naman ang puso niya sa abnormal na pagtibok but alam niyang hindi iyon dahil sa takot. Tumayo na sila at dahil siguro dala nang takot na naramdaman kanina medyo nanghihina pa rin ang kanyang tuhod kaya bigla siyang napahawak sa braso nang lalaki.
“What happen, sobra ka bang natakot kanina? Hinila siyang muli nito sa kanyang mga bisig.
“Para kasing may tao kanina sa labas nang bahay but nawala rin bago ka dumating.”
“Saan mo nakita?” mahina ang boses nito nang muling magsalita. Itinuro niya kung saan nakita ang bulto nang lalaki.
“Dito ka lang, wag kang aalis diyan.” Anito at dahan-dahang naglakad patungong kusina. Siguro upang masiguro kung may nakapasok nga sa bahay. Ilang saglit lang at bumalik rin agad ito at inilock nang maayos ang pintuan roon.
“Come” sa mahinang boses. Hinawakan siya nito sa kamay at inalalayan maglakad papuntang kwartong ginagamit nito. Hindi na sila nahirapang mangapa sa dilim dahil nasa baba lamang ang kwartong iyon.
“Dito na lang muna tayo, mabuti na yong magkasama tayo para mabantayan kita.” Pinaupo siya nito sa kama.
“Sige na.. matulog kana muna, dito lang ako babantayan kita.”
“Wag mo akong iiwan ha?”
“Oo.”
“Promise?”
“Promise!”
Nahiga na nga siya sa kama at ito na ang nagkumot sa kanya nang blangket..Kahit na alam niyang nagpapakamabuting tao lang ito at dahil sa kaibigan nito ang pinsan niya, hindi pa rin niya maiwasang kiligin sa mga ikinikilos nito sa kanya.
“Hard?”
“Hmm?”
“Pwede bang dito kana lang sa tabi ko?” sabi niya kapagkuwan..hindi kasi ito tumitinag sa pagkakaupo sa gilid nang kama. Tumalima naman ito at nakishare na rin sa blangket but hindi pa rin ito nahiga. Hindi niya maipaliwanag kung bakit but alam at nararamdaman niyang tensyonado ito. Siguro dala lamang kanina at sa pag-aalala nito sa kanya.
Naupo uli siya at sumandig sa headboard nang kama. Alam niyang mahihirapan naman siyang makatulog kung alam niyang narito lang sa tabi niya ang binata. Pero ayaw rin naman niyang lumayo ito sa kanyang tabi.
“Hmm` hindi ka pa ba inaantok?”
“Naiisip ko kasi kanina yong nakita ko.” Palusot niya.
“Forget about it…siguro napadaan lang iyon kanina.” Anitong halatang iniiwasang mag-alala lang siya.
“Oo salamat at dumating ka agad.”
“Yeah! Mabuti nga at nakauwi ako agad…k-kung may nangyari sayo kanina baka hindi ko alam ang gagawin.” Tila may langkap nang hindi niya maipaliwanag na damdamin ang pag-aalala nito..”pero bakit?” tanong niya sa sarili.. siguro nag-aalala lang talaga ito sa kanya kanina.
“H-Hardy?”
“Hmm?”
“Pwede ko bang malaman kung pano kayo nagkakilala ni Kuya?”
“Bakit? Nagtaka ka ba kung bakit at paano ako naging kaibigan nang pinsan mo?”
“Hindi naman ganon ang ibig kong sabihin.” Tumawa lang ito bilang tugon.”
“Bakit ba ang dali mong mapikon ha?”
“No! I’m not.”
“You do.”
“Hindi nga noh.”
“See that?” anito. Imbes na sagutin pa ito hindi na lang siya umumik. Nang mahalata nitong hindi na siya nakipagtalo pa nagumpisa na rin itong magkwento kung paano nito nakilala ang pinsan niya, kweninto rin nito sa kanya ang tungkol sa kakambal nitong nawawala.
“Teka! You mean ---kung ganon ikaw yong nakilala ko sa Hospital at Hindi ang kapatid mo? Kung ganon niloko mo lang ako?” Hay naisahan na naman siya nito.
“Hey let me explain first okay.” Itinaas pa nito ang dalawang kamay. “Hindi alam ni lola na nawawla si Rocky. Hindi ko masabi ang totoo dahil natatakot akong masaktan siya at nag-aalala rin ako sa kalusugan niya…nakita mo naman siya ang paborito saming dalawa.”
“I’m sorry.”
“For what?”
“Pinagbibintangan kitang mangloloko.”
“Okay lang yon, hindi mo rin naman kasi alam ang totoo.” Grabe pala ang pinagdaanan nito, kung totoosin napakabuti pala nitong kapatid at apo. Hindi na nila namalayan ang oras sa pagkwekwentohan. Narealize na lang niyang magaan na ang loob niya sa lalaki, mabait pala talaga ito at makwento.. iyon nga lang parang natural na dito ang medyo may pagkamasuplado at pilosopo.
CHAPTER 5
HINDI na rin nila namalayan kung anong oras na sila nakatulog..Nagising na lang si Krisha na nakaunan sa dibdib nang Binata..Hindi muna siya bumangon sa pag-aalalang magising ito sa pagkakatulog, mukhang himbing na himbing pa naman ito..Napatitig siya sa mukha nito, napakagwapo pa rin nito kahit na tulog at tila isa itong anghel na bumaba sa langit, medyo pasingkit ang mata nito kahit nakapikit at napakatangos nang ilong..hindi rin niya maiwasang macurious kung pano mahalikan nang mga labi nitong mapupula na daig pa ang sa babae na tila kay sarap halikan.
Hindi niya napigilang ilapit ang mukha rito..wala naman sigurong makakakita kong halikan niya ang binata total tulog na tulog pa naman ito. Itatago na lang niyang lihim sa baol ang gagawin niya. Ga-hibla na lang ang layo sana nang mukha niya rito nang bigla itong magmulat nang mga mata…
“Morning.” Anito, sumilay ang nanunudyong ngiti nito sa mga labi…Anak nang pating hindi man lang siya pinagbigyan kahit na madampian lamang niya ang mga labi nito.
“G-good morning, gigisingin na sana talaga kita.” Palusot niya, nakita niya sa mata nito ang tila pagkislap roon kasabay nang nanunudyong ngiti.
“Hahalikan mo ba ako?”
“H-hindi noh..bakit ko naman gagawin yon.”
“Okay lang naman sakin yon eh, good morning kiss kung baga.”
Lalo pa nitong ginandahan ang ngiti na parang inaanyayahan siyang gawin nga ang sinasabi nito…para naman siyang nahipnotismo. Sabay pa silang napabalikwas nang bangon nang biglang bumukas ang pintoan nang kwarto.
“H-Hardy--- pare? Anong nagyayari? Nabiglang tanong nang kangyang pinsan
“Kuya---?”
“Pare? Wala kaming ginagawang masama ha…sinamahan ko lang siya dahil brown-out kagabi pa.” Paliwanag nito sa kuya niya..
“Hardy bumangon kana muna diyan, may importante tayong kailangan pag-usapan.” Pagkatapos tumalikod na ito but bago pa man sila makuma ay bumalik uli ito at binalingan siya.
“Krisha bumalik ka na sa kwarto sa taas kung gusto mo pang matulog.” At tumalikod na uli ito.
“Sige na, Get up?, ako nang bahalang magpaliwanag sa kuya mo.” Ngumiti ito sa kanya bago lumabas nang kwarto.
“Goshy-goshy…Teka nga bakit ba ako mahihiya eh talaga namang wala kaming ginawang masama.” Kausap niya sa sarili. Pero ang ipinagtataka niya hindi iyon ang totoong nararamdaman niya kundi panghihinayang…At kanina habang tinitigan niya ang mukha nito habang natutulog may kung anong binubulong ang puso niya, Hindi niya maintindihan ang nangyayari sa kanya… “Hindi magtigil ka wala kang gusto sa lalaking iyon.” Subalit tila hindi sumasang-ayon ang kanyang puso at may kung anong kirot siyang naramdaman nang… “Hindi rin naman niya ako gusto eh.” Bulong niya. Maya-maya nang may kung anong marealize sa sarili.. “Okay puso panalo kana…maari ngang gusto ko na siya.”
“PARE may gusto ka ba sa pinsan ko?”
“Andrew…Nagbrown-out lang talaga kagabi at natatakot siya kaya minabuti kong samahan na lang siya.”
“Samahan sa kwarto mo?” Nanunudyong tanong nito.
“Oo madilim kasi kaya mas madali lang kung sa kwarto rito sa baba kami magpalipas nang oras, pero nakatulog na kami sa paghihintay na magka-ilaw uli.”
“Pero may gusto ka nga kay Krisha?”
“Anong bang klaseng tanong iyan?” pero walang sinabi ang lalaki..matiim lang nitong tinitigan ang mukha nang kaibigan.
“Okay..matitigil kana ba kung sabihin kong wala at hindi ko type ang pinsan mo…no offensement pare.” Tumawa lang ito but hindi niya masuri kung ano ang nasa isipan nang kaibigan. “Hardy oo Kaibigan kita pero hindi ko na saklaw kung magkagusto ka sa Pinsan Bunso ko…as far as hindi mo siya ginogood-time.”
“Andrew stop it okay? Stop this nonesense.” Pero hindi bukal sa loob niya ang mga sinabi, hindi niya maintindihan at nalilito rin siya sa nararamdaman…dahil bago sa kanya ang lahat nang iyon at hindi rin siya familiar sa salitang Love.
“Okay, okay..OA naman nang reaction mo. Napaghahalata ka tuloy.” Tumawa na naman ito. “ Anyway pare maiba tayo, nakausap ko na pala yong mga tao sa islang iyon, walang makapagsabi kung saan pwedeng nagpunta ang kapatid mo. Basta ang nalaman ko pa may kasama raw babae si Rocky nang magpunta sa ressort na yon.”
Walang sinabi si Hardy sa mga inireport sa kanya nang kaibigan…tila nawawalan na ito nang pag-asa.
“A-anong plano mo ngayon?
“Baka umuwi muna ako sa manila..baka kasi nag-aalala na rin si lola.” Tumango-tango lang si Andrew.
“Kailan ang uwi mo?” kapagkuwan na tanong ni Andrew.
“May be tomorrow at afternoon.”
Mukhang seryoso ang pinag-uusapan nang dalawa ah. “Ano kaya ang pinag-uusapan nila?” hindi naman siguro ang tungkol pa rin sa nangyari nang Umaga. Lumapit siya sa mga ito.
“Oh nandiyan pala kayo..seryosong usapan?” aniya. “Kuya sinabi ko nang wala naman yong nakita mo..mabait ang kaibigan mo hindi naman niya ako tini-take advantage.”
“Oo alam ko bunso.”
“Anyway yayain ko sana kayong lumabas.”
“Lumabas?” ani Hardy
“Yup! As in mamasyal.”
“Senya na Bunso..medyo pagod pa kasi ako ngayon eh.”
“Ay sayang naman, ang panget naman kasi kung ako lang mag-isa.”
“Kayo na lang kaya Bunso ni Hardy.”
“Huh?” Nang sulyapan niya ang binata tila may kung anong sinsabi ito sa pinsan niya sa mga tingin nito. Pero hindi lang iyon pinansin nang kaibigan
“Pare okay lang sayong samahan muna si Bunso diba?” Nang muli niyang tingnan ang lalaki ay tumango lamang ito. Hay ano kaya ang iniisip nang lalaking ito.
Namasyal lang sila sa kung saan-saan, nagwindow shopping sa mga mall na naroon at nang magsawa sa kakalibot napagpasyahan nilang pumunta sa Lignon hill. Naninibago siya dahil kumibo dili ito but mukhang hindi naman galit ito sa kanya. Hindi nga ito nagsasalita kung hindi niya tanongin but madalas naman niyang mahuling nakatitig ito sa mukha niya at pag nahuli niya ito ay ibabaling ang paningin sa ibang diriksyon.
“Alam mo nang huli kong punta rito hindi pa masydong full cemented ang road paakyat dito.” Hindi ito nagkomento.. kaya hinayaan na lamang niya ito. Nakatayo sila sa gilid nang gulod kung saan matatanaw ang buong bayan. “ I miss you place.” aniya na nilahad pa ang mga kamay sa hangin. Nang malingonan niya ang isang grupo nang magkakaibigan na nagkakasayahan sa pagsakay sa Zip climb. “Hey Hard let’s try that?” Turo niya roon.
“No way!” Tila nakakita nang multo ang reaction nito.
“Huh? B-bakit? Mukha pa naman masarap sumakay roon.”
“Basta hindi mo ako mapasasakay riyan.” Tiningnan niya ito at nakita niya sa mukha nito ang tila pagkahindik. Napangiti siya.
“Anong ngingiti-ngiti mo dyan?”
“I know the reason..” tiningnan lang siya nito. “You are afraid of heights.” Aniya
“That’s not true.” Anito na hindi makatingin sa mata niya. Lalo tuloy hindi niya napigilang magbunghalit nang tawa.
“What’s funny with that huh?”
“Ang supladong si Hardy at ubod nang Sungit, takot sa heights…ang laki-laking tao.” At tumawa siya nang tumawa, wala siyang pakialam kung pinagtitinginan man siya nang mga taong nandoon rin, tumawa siya hanggan sa halos sumakit na ang kanyang tiyan. Parang hindi man lang ito napikon..nakita niyang nakangiti lang ito habang titig na titig sa mukha niya…napahinto siya sa pagtawa.
“Hmm….Sorry? nagbibiro lang ako.” Wala pa rin itong sinabi bagkos lumapit lang ito sa kanya. Medyo napaatras tuloy siya but wala na naman siyang mai-aatras pa, kung wala nga lang nakaharang eh baka mahulog na sila. Napatikhim tuloy siya.
Hardy’s hand move toward’s her face then He gently brush her hair ang pick some strands of it that blocking her face and tucked them behind her ear. “Sweet rin pala ang kolokoy na to.” Aniya sa sarili. Nataranta na siya nang lalo pa itong lumapit sa kanya at lalo na nang humaplos rin ang hituturo nito sa kanyang mukha. Napakalapit nang mukha nila sa isa’t-isa. She know he was about to kiss her when someone call her name. Bigla tuloy napaatras ang lalaki From her. At nakakunot ang noong nilingon nito ang tumawag sa kanya.
Lumapit ang lalaki sa kanya. “Krisha Villarin?” Hmm mahangin ang isang ito. Parang hindi man lang nakita nito ang kasama niya.
“Don’t you Remember me? I’am Christ Daniel Emperial, we were high school batch.” Anito. Naalala na nga niya ito pagkarinig sa pangalan nito, ito yong mayaman kunong mayabang na high school batch nga niya but never na naging maging classmate sila. Wala pa rin pala itong pinagbago, mayabang pa rin.
“Ah yeah Christ Daniel.” Pilit na nginitian niya ito at sinulyapan ang lalaking kasama. Madilim ang mukha nito na tila gustong manuntok.
“Kailan ka pa nakauwi?” narinig niyang tanong nang bagong dating.
“Ah—two weeks ago.”
“I’am with may friends and we’re about to leave when I saw you nga. So nilapitan kita para maconfirm.”
“Ah—yeah.’
“So who’s with you?” Hay why is this earth full of idiot people.
“Ahm----- Bago pa man siya nakasagot ay lumapit na si Hardy na hindi itinago ang madilim na mukha.
“Ah yeah, This is Hardy….Hard he is Christ daniel my high school batch.” Pakilala niya sa dalawa, Nagtangoan lang ang mga ito na tila parehong hindi interesado na makilala ang isa’t-isa.
“Krish, here’s may calling Card, baka sakaling may free time ka at pag wala kang bodyguard tawagan mo ako.” Kinindatan pa siya nito. Nginitian na lamang niya ito. Pagkatapos nagpaalam na rin ito sa kanya without bothering to Hardy. Para na naman tuloy siyang magbunghalit nang tawa but pinigilan niya nang makitang lalong dumilim ang mukha nang lalaki.
“Let’s go home!” At nauna na itong naglakad papuntang sasakyan nila. Nagmamamdali naman niyang hinabol ito.
“Hey? Wait for me.”
NASA daan na sila pauwi at hindi pa rin siya kinikibo nang lalaki. “H-Hard may problema ba?”
“Nothing.”
“Er… para kasing galit ka?”
“Why whould I?”
“Kanina ka pa kasi hindi kumikibo riyan.”
“Will you please just shut up your mouth?” Nasaktan siya sa tono nang pagsasalita nito sa kanya but hindi na lang niya pinansin iyon at inintindi na lang ito..”kung sabagay kahit ako nga medyo nairita sa Christ daniel na yon eh.” Aniya sa sarili.
“Hard?”
“Hmm?”
“Oyyy…okay nang magsalita ako.” Biro niya.
“What?”
“Are you jealous?”
“At bakit naman? Doon sa mayabang na yon na mukhang Isda? No way!”
“Talaga?”
“Oo at hindi yon mangyayari dahil hindi kita type!”
Oh girl…’sakit naman non’ ayan kasi ang lakas nang loob mong magtanong.. napahiya ka tuloy.” Hindi na lamang siya umimik para hindi na rin tuloyang mainis sa kanya ang katabi..para kasing lalong kumonot ang noo nito at sumama ang timpla nang mukha.
Pagkarating nila sa bahay diridiritso lang ito at hindi na siya hinintay na makaibis nang sasakyan.
“Oh anong nangyari don?” tanong nang nakasalubong na si Andrew.
“Ewan ko..nagselos yata kanina kay Christ daniel Emperial.” Sinadya niyang iparinig iyon sa binata na hindi pa naman tuloyang nakakapasok nang pintoan.
“Nagselos?” Hindi na niya ito sinagot pa at pumasok na rin sa loob nang bahay. Narinig na lamang niyang tinawag nito ang kaibigan at sumigaw.
“Pare akala ko ba hindi mo type si Bunso?” Naabutan pa niya itong papasok na sa kwarto nito. Gusto sana niya itong tawagin at sabihing nagbibiro lamang siya subalit isinara na nito ang pintuan.
“Hay Mr. Sungit na nga at Suplado…ngayon Mr. Pikon pa..” aniya at umakyat na rin sa kanyang kwarto.
Nagising si Krisha sa sobrang pagkatuyo nang kanyang lalamunan at pag-kauhaw. Tiningnan nya ang orasan sa katabi nang kanyang higaan. “ Alas tres na pala nang madaling araw” aniya “ Kung bakit naman kasi nakalimutan kung magdala nang tubig rito sa kwarto.” Naasar sa sariling bumangon at iinot-inot na naglakad. Naghihikab pa siya habang pababa na nang hagdanan.
Halos nakapikit pa rin siya habang kinakapa ang switch nang ilaw roon sa komedor nang napapitlag siya sa biglang pagliwanag nang paligid bago pa man niya ma-on iyon. Hardy standing at the wall bseside the refrigerator and leaning against it and watching her. He was so gorgious and mouth watering in his white sando and jersey shorts.
“Ahm…gising ka rin pala.” Aniya at lumapit sa refrigerator at binuksan iyon, hindi naman tuminag sa kinatatayoan nito ang lalaki. “Nauuhaw kasi ako.” Paliwanag niya kahit wala naman tinatanong ang lalaki.. Nakamata lang ito sa bawat kilos niya, Naiilang na medyo dumistansya siya rito pagkakuha nang tubig…kung anu-ano tuloy ang lumabas sa bibig niya.
“Naiinitan ka rin ba?” aniya but nang tingnan niya ang lalaki may kung anong kumislap sa mga mata nito, na lalong nagpatibok nang malakas sa puso niyang sutil. “ I mean---b-bakit gising ka pa rin?” Sinagot naman siya nitong may nakaguhit na ngiti sa mga labing may kung anong tila kapilyohan.
“Hindi kasi ako makatulog nang maayos…madami kasi akong iniisip.”
“Iniisip?.....ako ba?” nakangiting tanong niya but ang puso niya naghihintay sa isasagot nito.
“Don’t push it lady!”
“Array naman!” Magsasalita pa sana siya nang kumilos ito sa kinatatayoan at lumapit sa kanya. Nagwala na naman tuloy ang kanyang puso, para siyang hindi makahinga….awtomatikong kumilos ang kamay niyang may hawak na baso at wala sa loob na uminum. Nagkandasamid-samid tuloy siya sa ginawa.
Agad naman siyang dinalohan nang lalaki. “I’m sorry.” Aniya sa pagitan nang pag-ubo.
“Bakit ba napakapabaya mo, iinum ka na lang nang tubig hindi ka pa marunong.!”
“Sorry.”
“Stop mentioning that.”
“Eh bakit ka ba kasi nagagalit?”
“Because you always get yourself---” Hindi nito naituloy ang sasabihin. “ you’r stupid, that’s why you always get into trouble.”
CHAPTER 6
ABA’T ang lalaking ito…para yon lang sobra-sobra na naman ang tinamo niyang masasakit na salita, nakakasakit na talaga ito nang loob. “Hoy teka nga?” tawag niya rito, Huminto ito. Lumapit siya at hinarap ito.
“Bakit ka ba kasi nagagalit? Hindi porke’t gwapo ka may karapatan ka nang saktan ako…oo na tanggap ko nang hindi mo ako gusto..It’s fine with me, from now on hindi na rin kita gusto.” Aniya but nang marealize ang sinabi na na maaring inamin na rin naman niyang gusto niya ito. Patakbong umakyat nang hagdan at muling humarap sa lalaki. “I hate you and never rin kitang magugustohan na, kahit tumalon ka pa sa building.” At tumalikod na uli at nagmamadaling pumasok sa kanyang kwarto.
“That guy really get into my nerve.” Aniya habang pasalampak na bumalik sa higaan. “Mahal ko na pa mandin siya sana.…no, no, no..magtigil ka! Diba nga hindi ka niya type so huwag ka nang umasa pang magbabago iyon.” Saway niya sa sarili. Ngunit kahit ano yatang gawin niyang pagsaway sa makulit na puso ayaw pa rin nitong tumigil sa pag-asam na balang araw baka nga magbago iyon at magustohan rin siya nang lalaki. Dahil sa kabila nang kanyang galit, ay ito nagdurusa ang kanyang puso at patuloy na tumitibok para sa lalaki. Kailan nga ba nagsimula iyon? Basta hindi niya alam, nagising na lang siya isang umaga na tanggap na ang katotohanang inlove siya rito.
“Oo na tumigil kana, Naiintindihan naman kita eh, kaya lang wala na tayong magagawa pa.” parang tangang kausap niya sa kanyang puso.
Nang mga sumunod pang araw pinilit ni Krisha na maging kaswal sa lalaki subalit tila ito laging umiiwas sa kanya…kahit na ganoon ito, hindi pa rin niya maiwasang patuloy na mahalin ito sa kabila nang pagiwas na ginagawa nito sa kanya na para bang siya’y may kung anong nakakahawang sakit. Umasa siya na baka dumating ang sandaling hindi na mainit ang ulo nito sa kanya ay kausapin na rin siya nito uli kahit na lagi silang nagkakabangga. Subalit lumipas ang tatlong araw patuloy na hindi siya nito pinapansin at alam niyang nakakahalata na ang kanyang pinsan…syempre nga naman nasa bahay nila ito, ito pa ang malakas ang loob na tila walang nakikita pag nakakasalubong niya ito sa loob nang bahay.
Kinuha niya ang kanyang traveling bag at isinaksak na lang nang basta ang lahat nang mga dalang gamit at damit nang umuwi roon. “Dapat nang itigil niya ang kalokohang ito habang maaga pa…habang hind pa siya tuloyang nababaliw sa lalaking yon.” Nagpasya siyang umalis na at bumalik na lang nang maynila, baka pag-umuwi siya roon mawala na rin itong nararamdaman niya.
Lumabas si Krisha nang bihis na at ready nang umalis, bitbit na rin niya ang maliit na traveling bag nang eksaktong palabas rin nang kwarto ang pinsan niya.
“Oh bunso aalis kana rin ba?”
“Oo kuya, kailangan ko raw kasing magreport sa publication.” Palusot lang niya iyon upang hindi na ito magtanong nang magtanong pa..”Teka kuya, anong rin? Bakit umalis na rin ba ang kaibigan mo?”
“Oo kagabi pa biglaan kasi umuwi na ang kapatid niya kaya kahit madaling araw yon nagbyahe…tulog na tulog ka kaya hindi kana namin ginising pa.” anito na mataman na nakatingin sa kanya.
“Bunso m-may nangyari ba?”
“May kailangan e-revise sa sinulat ko.”
“It’s not what I mean bunso?”
“Kuya patulong naman noong isa ko pang bag oh?” Pag-iiba niya nang usapan…laking pasasalamat niya nang hindi na ito nagtanong pa, Kinuha na lang nito ang bag sa kwarto at isinunod sa kanya.
Paalis na sana siya nang balingan niya ang pinsan sa labas nang bintana, nakayuko ito roon. “Kuya salamat ha? pasyalan mo naman ako roon nang hindi ka nagbuburo rito.”
“Okay bunso.” Anito na titig na titig sa kanya na parang may kung anong gustong sabihin.
“Kuya paano alis na ako?”
“Ahm bunso…magtapat ka nga muna, may namamagitan ba sainyo nang kaibigan ko?”
“Kuya ano bang tanong iyan? Hindi nga ba’t sayo ko na rin narinig na hindi niya ako type?”
“So ikaw…ganoon ka rin ba?”
“Oo.”
“Are you sure bunso?”
“Kuya?”
“Wala naman masama kung sabihin mo sakin bunso.”
“Kuya stop it okay?”
“Alam mo pareho na pareho na kayo kung magsalita ni Hardy.” Natatawang saad nito. Napailing-iling na lamang siya rito, napakalakas nang pakiramdam nito. Ayaw man sana niyang maglihim rito pero mas makakabuti kung wala itong alam dahil ayaw niyang kaawaan siya nito.
NASA RESTAURANT siya hinihintay ang kaibigan. Almost one week na nakakalipas simula nang bumalik siya rito sa manila but kahit anong gawin niya tila may kung anong kulang sa kanyang pagkatao. At alam niyang iyon ay dahil sa isang tao. She sigh.
“Ang tagal naman nang babaeng yon.” Reklamo niya.
“Excuse ma’am, may oorderin na po ba kayo?”
“Ah pakidalhan muna ako nang Ice tea please..may hinihintay pa kasi ako.”
“Yes ma’am.” At tumalima na ito. Wala pang ilang segundo naroon na ang inorder niya. Habang sinisimsim ang Ice tea may namataan siyang lalaking pumasok roon…Kahawig na kahawig nang lalaking hindi na niya yata magagawa pang kalimutan. Medyo moreno nga lamang ito kesa sa isa at medyo humpak ang mga pisnge at pangangatawan nito but walang dudang ang gwapong mukha nito ay ang mukha rin nang lalaking lihim na minamahal na ngayon. “No mali pala, kinakalimutan na.” aniyang napalakas pala ang boses na siyang kinalingon naman nang lalaking umupo sa katapat nang kanyang table.
“Excuse me miss? Nakangiting baling nito sa kanya.. Oo tama nga siya, ito ang kakambal ni Hardy na si Rocky Montenegro dahil pati ang boses nang mga ito ay may pagkakahawig, ang kaibahan nga lang tila hindi ito kilala nang kanyang puso. At palangiti ito hindi tulad nang kapatid.
“Miss are you alright?” tanong nitong hindi nawawala ang ngiti sa mga labi…nagtaka siguro ito nang tila siya natulala nang makita ito.
“Ahm…you must be Rocky?” huli na dahil naibulalas na niya ang kanina pa iniisip.
“how did you know me? Have we meet before?” nakangiting tanong pa rin nito. Bigla tuloy siyang nahiya sa kaharap.
“Ahm kay lola Fatty at sa Kapatid mo.”
“Kilala mo rin sila?” Tila naamaze na sambit nito..Tumango-tango lamang siya.
“Are you waiting for someone? Pwede bang lumipat muna ako diyan sa table mo habang wala pa ang hinihintay mo?”
“Yeah sure.” Lumipat naman agad ito sa kanyang table at naupo sa harap niya.
“So paano mo sila nakilala?” Interesadong tanong nito…Ikwenito nga niya rito kung paano niya nakilala ang pamilya nito. Hindi na nga lang niya idinitalye pa ang ibang pagkikita nila nang kakambal nito.
“ahh.” Tatango-tangong saad nito. “Thank you pala Miss ha? at pasensya kana kay lola…ganoon talaga iyon pag gusto niyang magpapansin, ganoon yata talaga pag tumatanda na.” nakangiting sabi nito na tila nakaplaster na roon ang ngiti sa mga labi.. ‘Hay mabuti pa ito laging nakangiti at hindi tulad nang kapatid nitong tila laging galit sa mundo.’ “Buti na lang at gwapo siya…hmm”
“Miss?” narinig nyang tawag sa kanya nang kaharap.
“Naku sorry ano nga uli iyon?”
“What’s your name?”
“I’am Krisha Villarin.” At inilahad ang kamay rito..tinanggap naman iyon nang lalaki.
“Hindi ko na siguro kailangan magpakilala kasi kilala mo na ako.” Hindi pa nito binibitawan ang kanyang kamay nang biglang may magsalita.
“I’am glad hijo, you meet her already.” Si lola Fatty, Lumapit ito sa table nila.
“Lola Pretty..You look fabulous.” At humalik ito sa pisnge nang matanda.
“Hay Bolero ka talaga.” Ani sa apo…at siya naman ang binalingan nito.
“Mabuti naman pala at hindi na kita kailangan ipahanap pa.’ nakangiting sabi nang matanda sa kanya.
“Lolo naman, para namang ang laki nang kasalanan ko at ipapahanap mo pa talaga ako.”
“Aba..oo kasi alam kung balak mo akong pagtagoan, akala mo rin siguro nagbibiro ako sa sinabi ko ha?”
“Lola?”
“Oh hindi nga ba?”
“Teka, teka?” nagtatakang awat sa kanila ni Rocky. ‘Ano bang pinag-uusapan nyo?”
“Hijo, maari mo ba muna akong paupoin at i-order nang makakain, nagugutom na kasi ako.” Tumalima naman agad ito pagkatapos ipaghila nang silya ang matanda at sumenyas sa waiter.
“Lola Fatty dito po tayo sa table ko…may hinihintay ho kasi si Krisha.”
“No…I want to set here, with her gusto ko rin kasi siyang makausap at para hindi na siya makatakas pa.”
“Lola ha! sumosobra kana, baka kung ano ang isipin nang mga nakakarinig sayo lola.” Maktol niya sa matanda
“Aba’t ang batang ito pinagsasalitaan mo ako nang ganyan?”
“Lola hindi sa ganon, kayo po kasi eh!”
“Bakit ayaw mo ba sa apo ko? Gwapo naman si Rocky diba?” Napapahiya na talaga siya sa mga taong naroon din sa loob nang kainan. Pero hindi siya nito pinansin at binalingan lang nito ang apo.
“Hijo, Rocky… Ano ang masabi mo sa kanya?”
“Maganda siya lola at unique.” Anitong nakangiti subalit ang ngiti nito ay may halong panunudyo na rin.
“Hay paano na ako, pagminamalas nga naman.” Hindi na niya itinago ang pagngingitngit nang kalooban.
“Anong malas, eh swerte ka nga sa mga apo ko kung sakali kahit sino pa ang mapili mo.” Ani matanda sa pagitan nang pagsubo. “Hijo Okay lang sayo yon? May the best man win kung baga?” Nginitian lang nito ang lola na parang wala man lang kahit na anong pagtutol.
“Nakilala mo na naman yong isa kung apo diba? Si Hardy?” baling nito sa kanya.
“Hindi ho ako type non.” Nakalabing saad niya at isinubo na lang nang isinubo ang pagkaing nasa harapan nang sumusukong makipagtalo pa sa matanda. Siguro makakalimutan rin nito ang tila obsession nitong maging asawa siya nang isa sa mga apo nito.
“Oo tama hindi ko nga siya type.” Sabi nang biglang sumulpot na lalaki, Napalingon tuloy siya roon, at naramdaman na niya ang biglang pagbilis nang tibok nang kanyang puso nang makita ito. Mataman lang rin itong nakatingin sa kanya bago sumensya sa waiter.
“Please paki-extend nang table.” Anito “at o-order na rin ako.” Agad naman na-extend ang table na kanina lamang ay pangdalawahan lamang. Nang magring ang cellphone niya.. si Jashley anne. Nag excuse siya sa tatlo but sininysan siya nang matanda na wag nang lumayo pa.
“Hello Jash asan kana ba?”
“Friend sorry talaga…nasiraan ako sa gitna nang traffic.” Narinig niyang paliwanag nito..pagkakataon nga naman, nawala na ang tanging pag-asa upang makatakas sana sa tatlo.
“Gusto mo bang sundoin kita?
“Don’t bothered friend I’m okay naman may susundo na sakin at saka malayo ito….sige na friend maglolobat na rin kasi ako eh.” At bago pa man nga siya makareklamo ay namatay na ang linya nito.
“Hindi na ba makakapunta yong hinihintay mo?” si Rocky.
“Ah oo nga eh…masiraan daw kasi sa daan.” Binalingan niya ang matanda…”Lola pwede na ho ba akong umalis?”
“Taposin mo na muna ang kinakain mo.” Anitong Hindi man lang tumitingin sa kanya… “At saka may-paguusapan muna tayo.”
“Lola, narinig nyo naman kanina hindi ako type nang mga apo ninyo.”
“Hey I didn’t say anything, it’s only my brother opinion.” Ani Rocky na nakangiti sa kanya. ‘Naku ang pamilyang ito…ano kaya kung pag-uuntugin ko ang mga ito eh.’
“Ano naman ang nagustohan mo sa babaeng yan?” Baling ni Hardy sa kapatid. ‘abat ito na naman ang mokong na ito…kailangan pa bang ipagsigawan nitong hindi siya nito gusto.
“Hindi rin kita gusto noh…masyado kang mayabang at makasarili, masungit at--” Hindi niya na naituloy ang gusto pa sanang sabihin nang magsalita ito at dumukwang na inilapit pa talaga ang mukha sa kanya.
“Mas lalo ka na, wala ka man lang kaclass-class, you are so simple and ignorant…at---at cheap.”
“Hoy anong cheap, hindi ako cheap…baka ikaw riyan.”
“Hey tol if ayaw mo sa kanya take it easy with her…” ani Rocky sa kapatid, siguro naman hindi ka magagalit kung ako gusto ko siya.”
“Hijo…tama nga naman si Rocky, walang dahilan para magalit ka nang ganyan kay Krsha lalot type siya nang kapatid mo…or else ayaw mo lang aminin na type mong talaga siya?”
“Bahala na nga kayo.” Anitong madilim ang mukha dahil tila pinagkakaisahan ito nang dalawa. Natutuwa naman siya sa nangyayari dahil alam niyang kakampi niya ang pamilya nito..Hindi naman siya nag-aalala kay Rocky dahil alam niyang impossibleng magustohan siya nito sa ganoon kabilis.
CHAPTER 7
HUMINTO sa pagkain ang matanda at mataman na tinitigan siya.. “Okay, I’m sorry kung sa tingin mo over na ako sa pagpipilit ko sayong magustohan ang isa sa mga apo ko.” Anitong sa kanya nakatingin, “alam ko kasing mabuti kang tao nang walang pagdadalawang isip na tinulongan nang makita mo ako..at sa kabila nang ginawa kong pangluluko…Hindi ka pa rin nagalit bagkos alam kung nag-aalala ka pa rin kahit na sinabi nang doctor na wala naman talaga akong sakit…At kahit na sinabi kong mayayaman ang mga apo ko…hindi pa rin kita kinakitaan nang interest…at nawala ka pa na alam kung sinadya mo para kung sakaling hanapin nga naman kita at totohanin ang banta ko…kung ibang babae lang ang sinabihan ko nang ganoon siguro walang kahirap-hirap at ito na mismo ang pipikot sa isa sa mga apo ko.” Huminga ito nang malalim bago muling nagsalita.
“Matanda na ako…at alam kung hindi na magtatagal pa ang buhay ko rito sa mundo, kahit na wala akong sakit at malakas ako hindi natin alam kung ano ang pwedeng manyari.”
“Lola?” sabay na sambit nang kambal na tila hindi nagustohan ang sinabi nito. Tila nawala naman ang lahat nang nararamdamang niyang inis kanina at napalitan iyon nang simpatya sa matanda siguro dahil noon masyado rin siyang malapit sa kanyang lola.
“Gusto kong makita kayo na maayos at may pamilya na bago man lang ako lumisan.” Sabi nito sa mga apo.
“Lola don’t talk to us like that.” Ani Hardy na nakita niyang nasasaktan sa mga naririnig mula sa matanda…Kanina nang marinig dito na hindi siya ang gusto nito ay labis siyang nasaktan. Pero hindi pa rin niya magawang magalit nang husto rito sa tuwing makikita ang gwapong mukha nito…Hindi niya maiwasang magbuntong-hininga, Nang masulyapan naman niya si Rocky ay tila may kung anong kislap siyang nakita sa mga mata nito, Napasinghap tuloy siya nang ngumiti ito at kindatan siya. Naramdaman rin niya ang paglipat-lipat nang tingin sa kanila ni Hardy. Na lalo yatang nagpabusangot sa gwapong mukha nito.
“Ah lola.. Wag na po kayong mag-alala dahil sinisigurado ko sainyong matutupad ang lahat nang gusto niyong mangyari…lalot nakilala ko na si Krisha.” Pagkatapos nang sinabi binalingan naman siya nang binata.
“You know what, lola is right you are different among those women I’ve meet. And tanga lang ang lalaking hindi magkakagusto sayo.” Napangiti siya nang makitang sinulyapan nito ang katabing kahit hindi tumitingin sa kanya ay alam niyang nakikinig ito sa kanila.
“Naku bolero ka talaga.” Aniyang kung todo ang ngiti sa narinig…”Mabuti ka pa marunong mag-appreciate nang maganda.” Narinig niyang tumikhim si Hardy.
“Wala siyang sinabing maganda ka, ang sinabi ni Rocky ay you are different kasi nga naman---”
“Tol?’ putol nito sa Kapatid. “She’s Beautiful and very nice, and totoong gusto ko siya.” And Rocky Winked at her on the second time.
“Ay thank you Rocky ha.” aniyang inirapan ang kapatd nito. “ You know what mabait ka rin at gwapo…hindi ka mahirap magustohan at mahalin.” She commented genuinely totoong gusto niya ito dahil mabait ito pero alam niyang hindi na niya maibibigay pa ang puso rito dahil naibigay na niya iyon sa kapatid nito. Nagulat pa siya nang biglang ibagsak ni Hardy ang hawak na kobyertos.
“Excuse me.” Anito at humalik sa matanda. “Lola sorry ha si Rocky na lang ang maghahatid sainyo. May meeting pa kasi ako.”
Okay hijo..anyway I have may own car at kasama ko si Carding…si Krisha na lang ang ihahatid ni Rocky.” Hindi niya maintindihan subalit parang may kung anong unawaan ang matanda at ang apo nitong si Rocky dahil sa sabay na kumindat sa isat’-isa at tumawa. Na lalo yatang ikinainis nang binata.
“Bahala kayo.” Bago ito umalis tiningnan siya nito but wala naman sinabi. Tila may kung ano siyang nabasa sa mga mata nito pero hindi niya matukoy kung ano. Sinundan na lamang niya nang tingin ang lalaking papalayo. ‘Siguro galit na naman ito sa kanya dahil sa gusto siya nang pamilya nito.’ Bulong niya sa sarili.
“Krish…?” tumingin lamang siya sa lalaki. Nagtataka pa rin kasi siya sa mga ikinikilos nang mga ito.
“Punta ka sa party ni lola ha?”
“Party?”
“Yeah Birthday niya by Next month on the first date.”
“Talaga?” ‘ang mga mayayaman nga naman advance nang isang buwan ang preparation.’ Palatak niya. Binalingan niya ang matanda…Binati niya ito kahit na medyo matagal pa naman iyon. “Happy Birthday lola.”
“Next month pa ang birthday ko.” ‘hay ang makulit na matandang ito talaga. Now she know kung saan nagmana ang mga apo nito.
“Oo na nga po..Advance happy Birthday po.” Nakangiti pa rin siya. Actaully nagugustahan na niya ang pagiging suplada at pilosopo pero malambing nang matanda, gaya ni Hardy….’teka nga bakit ba laging sumasali ang lalaking yo?’
“Anyway mauna na ako sainyo hijo..Ikaw nang bahalang maghatid kay Krisha okay?”
“Yes lola Hindi ko pababayaan ang magiging ina nang apo ninyo sa tuhod.” Nakangiting wika nito at sumaludo pa. Hindi naman niya maiwasang mamula ang mga pisnge sa sinabi nang binata.
“Paano hihintayin kita sa party ko ha?”
“Naku lola kasi---”
“Basta kailangang dumating ka..dapat pa ngang magpasalamat ka dahil inimbetahan kita riyan.”
“Sige na nga po…may choice paba ako?” Ngumiti na lang ito sa kanya saka nagpaalam sa kanila.
“So paano? Ihahatid na ba kita o baka may gusto ka pang puntahan? Ako ang driver mo ngayon.” Anito
“Sobra naman yon at saka nakakahiya rin kahit nga wag mo na akong hatid kasi dala ko rin naman yong sasakyan ko.” Tumango-tango na naman ito na tila may gusto pang sabihin sa kanya.
“Krish? If gusto mo lang naman, Change tayo nang venue…like sa cafĂ©? Kasi kanina pa tayo rito diba para maiba naman ang paligid oh kaya kung gusto mong maglakad-lakad muna tayo?”
“Huh? Eh okay lang naman yon dito diba? At saka may order pa rin naman tayo eh!”
“Oo nga noh?” at humalakhak ito nang malakas na parang walang paki-alam sa paligid kahit na kanina pa sila pinagtitinginan nang mga waiter roon.
“You know what tama si lola, You are cute and different.” Anito nang mahimasmasan sa pagtawa.
“Hay ewan ko nga ba sa inyo kung bakit ako ang napili ninyong pagtripan. Si Hardy naman walang ginawa kundi sungitan ako.” Aniyang hindi na itinago ang sama nang loob.
“Do you like him?”
“Hindi naman niya ako type.”
“So gusto mo nga ang kakambal ko?” magsasalita sana siya upang magdeny but pinigilan siya nito.
“Don’t worry, I wont tell him beside kahit kapatid ko siya, I wont tolerate him….specially sayo kasi I like you at pati si lola Fatty gusto ka.” Hindi na siya kumontra dahil alam niyang kahit gawin niya iyon ay hindi ito maniniwala.
“Anyway, Can I ask you something personal?” aniya.
“Hmm?”
“Bakit ka nga pala nawala? Pero kung ayaw mong sagotin okay lang.” Huminga muna ito nang malalim at saka malungkot na ngumiti bago nagsalita.
“Dahil pinagkatiwalaan mo akong malaman ang tunay na nararamdaman mo eh for being fair sasagotin ko ang tanong mo.” At saka malungkot na ngumit ito bago uli nagpatuloy sa pagsasalita. “ It’s all because of love…may girlfriend cheated on me..at ito akong tanga naisipang magpakalayo-layo nang walang nakakaalam, kahit na sino…Dahil ayaw kong mag-alala sila sakin then I realize na mas pinag-alala ko pala sila sa ginawa ko nang malaman kong halos kung saan-saan nagpupunta ang kapatid ko para hanapin ako. So that’s why I decided to came back home.” Then the gorgeous face of the man that the same with the man she love dimed, and he sigh once again.
“I’am sorry to hear that.” Aniyang nakikisimpatya rito. “ Ang laking tanga naman nang babaeng iyon dahil hindi niya alam kung gaano sana siya kaswerte sa tulad mong mabait na at gwapo pa.”
“At tanga rin ang kaptid ko kung papakawalan ka pa niya nang dahil lamang sa pride at katorpehan.” Napatitig na lamang siya sa tinuran nito kahit na nalilito siya sa lalaki.
Nakauwi na si Krisha, hindi na rin siya nagpahatid pa sa lalaki dahil nga may dala naman siyang sasakyan. Hanggang doon hindi maalis sa isip niya ang sinabi nito.
Nanghihinang naupo siya sa kama, Nagsisimula na naman siyang atakihin nang lungkot mas malalim nga lang ngayon ang dahilan. “Kung bakit naman kasi nakilala ko pa ang lalaking yon! Di sana hindi ako nagkakaganito.” Ibinagsak niya ang likod sa higaan at iniunan ang dalawang braso sa ulo.
Pakiramdam niya nang mga sandaling iyon napakabigat nang kanyang dibdib, gusto niyang umiyak pero tila wala naman luhang lumalabas sa kanyang mga mata. Pakiramdam niya nag-iisa siya at walang kakampi. Tumagilid siya at niiyakap ang tuhod na tila isang sanggol sa loob nang sinapupunan.
Ipinikit niya ang mga mata. ‘Kung sana nadito kayo sa tabi ko mama.’ Hindi sana ako nagkakaganito at may yayakap sakin..umiiyak niyang turan na tila nasa tabi lamang ang kanyang ina. Hidi niya alam kung gaano na siya katagal sa posisyong iyon hanggang sa siya ay makatulog nang may luha sa mga mata.
MALUNGKOT na nakatanaw si Hardy sa labas nang bahay ni Krisha, bukas pa ang ilaw sa right side nang bahay na alam niyang silid nang dalaga. Sinundan niya ito nang lumabas na ito at ang kapatid sa Restaurant. Hindi niya alam kung bakit tila nag-aalala siya na tuloyang magkalapit ito at ang kapatid. Ayaw man niyang aminin subalit nakakaramdam siya nang galit at inggit sa tuwing makikita niyang tumatawa ito habang kausap si Rocky. Pinaandar na niya ang sasakyan palayo sa bahay nang babae. Gusto lang niyang masigurong maayos itong nakauwi…ang nakakapagtakang katotohanang na-miss niya si Krisha.
Pagpasok nang sasakyan sa kanilang mansion, agad na sumalubong sa kanya si nanay Me-ann. Hindi na niya kinailangan na may magbukas pa nang gate nila sa malaking bahay na iyon dahil sa remote control na may security code na para lamang sa kanilang pamilya.
“Sir, Goodevening po.”
“Nanay, tulog na po ba si lola?”
“Oho sir, Si sir Rocky po hinihintay kayo sa may swimming pool.”
“Sige po, pakisabi magpapalit lang ako.”
“Opo sir.” Pagkatapos tumalikod nang kasambahay ay dumiritso na siya sa taas kung nasaan ang kanyang silid. Pagkatapos magpalit nang pangbahay bumaba uli siya at tinungo ang kinaroroonan nang kapatid. Naaabutan niyang nakaupo ito sa gilid nang pool at nagtatampisaw sa tubig at umiinum nang beer. Naupo rin siya sa tabi nito at kinuha ang isa pang can beer sa tabi nito at binuksan iyon. Nakakatatlong tunga na siya noon nang magsalita ang kapatid.
“How’s bussiness?”
“Quiet well.”
“Hmm parang pagod na pagod ka tol? Sensya na ha?”
“For what?”
“For not helping you for the past few months, and thanks hindi mo pinabayaan ang sakin…. my business too.” Tahimik lang na tumunga siya nang iniinum. Maya-maya tumayo na si Rocky at tinapik sa balikat ang kapatid.
“Oh san ka pupunta?”
“I know that you need time alone to think something.”
“Huh at ano naman? Papupuntahin mo ako rito tapos iiwan mo lang ako.”
Tumawa lang ito. “Tol, hindi lahat nang babae ay katulad nang babaeng nakilala ko. Meron pa rin naman na ang talagang hinahanap ay ang love at hindi ang yaman mo.”
“He only sigh. “What do you mean by that?”
“Be true to yourself tol, wag mo nang hintayin na magsisi ka pag nawala na ang isang bagay na importante sayo.” Bago pa man makapagsalita si Hardy ay tumalikod na ang kapatid.
“Sige tol, Inaantok na kasi ako sa kahihintay sayo kanina. Pag-isipan mo ang sinabi ko…kung hindi aagawin ko siya sayo.” Anito at tuloyan nang pumasok sa loob nang bahay. Alam niya kung sino ang tinutukoy nito, wala sa loob na tinunga niya ang hawak na bote. Kanina nang makita niya ang babae ay gustong-gusto na niya itong yakapin at huminge nang paumanhin sa lahat nang kanyang sinabi rito na alam niyang ikinagalit nito…but nawalan siya nang lakas nang loob nang sabihin rin nitong hindi siya ang gusto nito at ang kapatid niya ang gusto nang babae.
MASAKIT ang ulo nang magising si Krisha para iyong may nakadagan na malamig na bagay. Iinot-inot pa siyang bumangon. Hay kulang siya sa tulog “at sa kakaiyak ko ang panget ko yata tuloy.” Aniya habang pinagmamasdan ang sariling repliksyon sa salamin na nasa kanyang banyo.
Kailangan na niyang mag-ayos para makapagreport sa publication niya. Isasubmit niya ang kwentong matagal nang hinihintay nang kanyang mga readers.
“Hi Krish…long time no see ha?” ani nang isang co-writers sa naturang publication.
“Oo eh, umuwi muna ako sa probinsya namin eh, hinagilap ko pa ang gana.”
“Oh that’s good…Condolence nga pala ha…ngayon ko lang nalaman kung hindi ko pa nakasalubong minsan sa mall yong bestfriend mong si jashley.
Nginitian lang niya ang mabait na babae. Ilang kwentohan pa at nagpaalam na sila sa isa’t-isa. Siya naman pagkagaling sa publication dumiritso siya sa department store, wala na kasi siyang stock’s sa bahay kung minsan pa naman tamad siyang lumabas upang bumili nang makakain kung inabot rin nang katamaran na magluto para sa sarili. Papasok na siya sa department store na malapit lamang sa pinangalingan upang mamili nang biglang may makabangga sa Entrance.
“Oops! I’am really sorry Miss?”
“Would you please be carefull next time.” Singhal niya sa lalaking nagpainit nang ulo dahil sa nangyari.
“I’am really sorry talaga---Krisha?” Napatitig tuloy siya sa lalaking nakabunggo at laking gulat niya na kilala siya nito. ‘infairness ha may itsura ito.’
“Jacob…remember? Yong don sa hospital, yong friend din ni Jashley, diba bestfriend ka pa nga niya?”
“Okay, okay I recognize you.” Aniyang natatawa sa itsura nito habang pinaalala ang sarili.
“Sorry din kung nasigawan kita, masakit lang kasi ang ulo ko, at alam mo naman mahirap makanti ang taong may karamdaman.” Nakangiti niyang paliwanag rito.
“It’s okay, kasalanan ko naman talaga eh hindi kasi ako tumitingin sa dinaraanan ko.” Nginitian na lang niya ang lalaking halatang nagpapacute. “Hmm.. mag-grogrocery ka ba?” tanong nito.
“Oo, ikaw pauwi kana ba?”
“Hmm pwede kitang samahan kung okay lang sayo, at yayain na rin kita mag-coffee para naman makabawi ako sayo sa pagkakabungo ko.”
“Yeah I like that…sure.” Pagpayag niya dahil mukha naman itong mabait at friendly ang dating nito. Pagkatapos mag-grocery nagtuloy sila sa CafĂ© Blended na malapit lamang sa Department store.
Kakaupo lamang nila nang may mamataan siyang isang pares na pumasok sa cafĂ©. Si Hardy may kasama itong mestisahing babae at kung todo nakaabresiete pa ito sa lalaki. Parang gusto tuloy niyang sugurin ang babae at ihiwalay sa lalaki. “Ano nga ba ang karapatan mo?”
“Krish, May sinasabi ka?” tanong nang lalaking kasama. Medyo napalakas pala ang kanyang sinabi at iyon tuloy ang naging dahilan upang mapalingon sa kanilang table si Hardy.Bahagyang kumonot ang noo nito nang makita siya at nang lingonin nito ang kanyang kasama. ‘ah akala mo ha ikaw lang ang may kasama.’ Nakita niyang lumingon rin si Jacob sa diriksyon nang kanyang mata nang hindi siya umimik.
Ang lalaki naman na tila walang pakialam sa kanyang presensya. Ipinaghila pa nito nang upoan ang kasaman babae. “Huh gentleman rin pala ang kolokoy.” Aniya sa sarili at umismid. Lihim na pinagalitan ang puso sa tila pagwawala niyon sa loob nang kanyang dibdib.
“Did you know him?”
“Ah no…wala akong kilalang ganyan.” Na sinadyang medyo lakasan ang boses upang iparinig sa kabilang table.
“Anyway kumusta na pala yong likod mo?”
“Okay na…thank you nga pala ha, ang galing mo kasing magmasahe.” Aniya na tulad nang una sinasadyang medyo ilakas ang boses.
“Wala yon basta ikaw.” Anito at narinig niya ang pag-ingay sa kabilang table at galit na tinawag nito ang waiter roon.
“Pwede bang pakipalitan ang kape, malamig na at ang sama nang lasa…ganyang ba kayo rito magsreve sa customer? Asan ang manager ninyo?” ani nang galit na galit na lalaki. Napapangiti tuloy siya sa inaasal nito kung hindi lang niya alam na wala naman itong gusto sa kanya ay iisipin niyang nag-seselos ito kaya ito ganon.
“Sorry talaga sir..papalitan ko na lang po, wag nyo lang ipatawag ang manager namin baka mawalan po ako nang trabaho.” Pagmamakaawa nang pobreng waiter roon.
“Honey hayaan mo na siya.” Narinig niyang saway nang babaeng kasama nito.
“Grabe naman!, kawawa naman yong waiter.” Palatak ni jacob
“Oo nga, minsan talaga may mga taong walang puso.” Aniya at nginisihan ang lalaking nasa kabilang table nang bumaling ito sa kanya. At para namang gusto niyang kumaripas nang takbo sa klase nang tinging ipinukol nito sa kanya… ‘Hindi siya patatalo rito’ taas noong sinalubong niya ang mga titig nito. Kahit siya ay hindi niya nagustohan ang ginawa nito sa kawawang waiter.
Ngingisi-ngising nag-excuse siya kay jacob…nagawa niyang manalo sa labanan nang titigan sa lalaki kanina. “Huh akala niya siya lang ang gwapo.” Nagtungo siya sa washroom…Nagreretouch na siya nang laking gulat niya nang biglang pumasok roon si Hardy pagkatapos palabasin ang babaeng crew rin mismo nang cafĂ©.
“Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo ha?”
“Ikaw, what did you think your doing ha?”
“Ang alin?” painosenting tanong niya.
“You are flirting with the guy inside the cafĂ©…huh napakacheap mo naman.” Anitong umismid pa.
“Hoy lalaki ano naman ang paki-alam mo kung makipag-flirt man ako kahit sa loob nang kapehan kahit pa sa turo-turo ha?”
“Oo nga naman bakit pa nga pala kita pinakikialaman, wala na nga naman akong paki-alam kahit na makipag-halikan ka pa sa kalye total iyon naman pala talaga ang tunay mong pagkatao.” Dahil sa narinig hindi niya napigilang umigkas ang palad sa mukha nito. Lalong kumunot ang noo nito at dumilim ang mukha, Hindi siya nakahuma nang siilin siya nang halik nita sa mga labi. Nang una tila pinaparusahan siya nito sa paraan nang paghalik nito sa kanya but nang naglaon gumaan at naging mahinahon ang halik nito sa kanya. Pakiramdam niya mawawalan siya nang ulirat at malulunod sa sarap nang halik nito pero naitulak niya ito nang maalalang hinalikan lamang siya nito dahil sa sampal na tinamo nito mula sa kanya. At isipin pang mababang uri nang babae ang tingin nito sa kanya. Walang pagsidlan ang sakit na nadarama nang mga sandaling iyon, idagdag pa ang nalamang may nobya na pala ito. Umiiyak siyang nagsalita nang bitiwan siya nito.
“You don’t have rights to do this to me, Hindi ako tulad nang iniisip mong kaladkaring babae….pero bahala ka kung yan ang gusto mong isipin.” At tumalikod na siya rito, pabukas na siya nang pintuan nang marinig niyang tinawag siya nito sa tonong tila hirap na hirap ang kalooban.
Krish….” Tumigil siya subalit hindi lumingon. “I’am sorry, I didn’t mean--------”
“Damage is already done.” Aniya at umiiyak nang lumayo roon. Diridiritso siya hanggan sa labas nang cafĂ© hindi na niya kaya pang magtagal roon kahit na isang minuto. Nag-aalala naman agad na humabol sa kanya si Jacob.
“What happen?”
“Gusto ko nang umuwi, I don’t have my car, p-pwede mo ba akong ihatid?” aniya rito habang pinapahid ang luhang ayaw na yatang maampat pa sa kanyang mga mata.
“Sure.”
Pasakay na siya sa loob nang sasakyan nang may pumigil sa kanyang braso. “Ako nang maghahatid sayo.” Ani Hardy na hindi niya alam kung ano ba talaga ang nakain nito.. ‘ay may gut’s pa ang hambog na itong utosan siya.
“Ano ba talaga ang problema mo ha? nakadrugs ka ba o ano ha?” aniyang sumisigok na sumbat niya sa lalaki.. “pwede ba hayaan mo na lang ako.”
“Hindi ko gustong sabihin—”
“Wala na akong paki-alam pa, Bitiwan mo ako.”
“No halika na ako nang maghaha---”
“Let me go.” Sigaw na niya dahil sa sobrang sakit na nararamdaman. Hindi sa pagkakahawak nito kundi sa kaalamang wala na talagang pag-asa pa ang pag-ibig niya rito lalo’t may mahal na itong iba. Lumabas na nang sasakyan si jacob at inawat nito si Hardy.
“Hey pare..take it easy with her.”
“Wag kang maki-alam rito, problema namin ito.” Singhal nito sa lalaki.
CHAPTER 8
MAHINAHON pa rin nang magsalita si Jacob “Nasasaktan mo na siya pare…pwede naman pagusapan nang maayos ang problema.” At hinila siya nito mula sa mga kamay ni Hardy. But napasigaw siya nang bitawan siya nang lalaki at sunggaban nito si Jacob…Tila ito isang tigreng inagawan nang pagkain nang suntoking nito ang kawawang lalaki.
“Stop it, stop it…” pumagitna siya at agad na dinalohan si jacob. Na lalong ikinadilim nang mukha ni Hardy. Galit na binalingan niya ito pagkatapos tulongang makatayo si Jacob.
“Masaya kana ba ha?....Pwede bang bumalik ka na lang sa nobya mo, at wag ka nang magpapakita pa sakin kahit kailan. Hindi mo naman ako gusto diba? Kaya wala kang dahilan gawin ito.” Aniya at inalalayan si jacob na makapasok sa loob nang sasakyan.
Nasulyapan niya sa side view mirror ang tulalang lalaki na nakatanaw lamang sa kanila habang papalayo roon. Hindi rin nakalampas sa mga mata niya nang pagsusuntokin nito ang gilid nang pader nang kung anong gusali. Parang may kung anong nauudyok sa kanyang bumaba at alohin ito. “stop the car.” Aniya kay jacob na mataman lang na nakamasid sa kanya. Bubuksan na sana niya ang pintoan nang kotse nang makita uli sa side view mirror na nadoon na ang babaeng kasama nito at dinalohan ang lalaki. Lalong kumirot ang kanyang puso sa nasaksihan.
“Let’s go.” Aniya sa nanghihinang boses, walang imik na pinaardar na lamang nito ang sasakyan. Sinalubong sila ni Jashley sa kanyang bahay.
“Jacob, what happen to her?” nag-aalalang tanong nito sa lalaking kaibigan na hanggan doon ay hindi pa rin siya iniiwan. Nang makapasok sa loob nang bahay hindi na niya napigilan ang damdamin. Humahagulgol na niyakap niya si Jashley, hinayaan lamang siya nito hanggan sa makalma siya. At nang mahimasmasan, Inabot niya ang tubig na hawak ni Jacob.
“Tinawagan ko siya.” Anito “you know naman mahina talaga kaming mga lalaki sa mga ganyang problema.” Paliwanag nito, Pilit na nginitian na lamang niya ito. “Pasensya na ha? pati tuloy ikaw nadamay sa topak nang hambog na yon.
“Wala yon…naiintindihan ko, ganyan talaga pag nagmamahal.”
“At para namang may alam ka sa pagmamahal.” Sabat nang kaibigan niya. Patungkol sa lalaki.
“Aba oo expert yata ako roon…ikaw lang naman ang manhid at tila tuod…siguro tibo ka ano?” Kumuha si jashley nang throw pillow at pinaghahampas iyon sa lalaki…tumatawa lamang na sinasangga nito iyon.
Napatitig siya sa dalawang tila mga batang nag-aaway, pero makikita ang mga kislap sa mga mata, Hindi pa man niya alam ang namamagitan sa mga ito but masaya siya para sa kaibigan. May kung anong humaplos na inggit sa kanyang puso, Hindi niya tuloy napigilang lalong magbunghalit nang iyak na ikinagulat nang dalawa at agad na napahinto sa pagbabatohan at lumapit sa kanya.
“Friend sorry…ito kasing si Jacob eh.”
“Heh magsitigil nga kayo, nakita nyo nang sawi ako, sa harap ko pa kayo maghaharotan.”
“Friend ha…hindi kami naghaharotan noh.” Hay ang kaibigan niya tila may pagkakapareho nang kanyang sitwasyon, padeny-deny pa ang totoo naman eh nagmamahal.
“Anyway maiwan ko na muna kayo…alam ko namang kailangan nyo mag girl bonding.” Paalam ni jacob.
“Thanks uli ha?”aniya
“Wala yon.” At binalingan nito ang kanyang kaibigan…nakita niya kung paano kumislap ang mga mata nito habang tinitingnan ang babae. “Jash ikaw na maghatid kay Jacob.” Aniya na itinulak pa ito upang tumayo sa kinauupoan.
“ANG DRAMA naman pala nang lalaking yon ha…pero friend diba tama ako na baka siya nga ang lalaking nakatadhana saiyo.”
“Hindi ko alam….kasi ang sabi niya hindi naman niya ako type.”
“Friend believe me, front lamang niya iyon, upang mapansin mo.”
“Huh eh…bakit pa niya kailangan gawin iyon, sobra-sobra naman yata ang pang-iisultong tinamo ko.”
“Kung sabagay nga…so anong plano mo?”
Tumayo siya at itinaas pa ang isang kamay. “Itatayo ang aking bandera at kakalimutan ang lalaking hambog na yon.” But wala pang isang minuto nang nanghihinang naupo uli siya.. “Friend hindi ko na yata siya kayang kalimutan pa eh.”
“Friend problema nga yan…”
“Anong gagawin ko? Paano kung hindi ko na siya ma-over come?”
“Akong bahala, mag-iisip tayo nang paraan, diba nga kamo gusto ka ni Lola Fatty…pipikotin natin siya,” napahinto ito nang marealize ang sinabi. “Hindi pala, ikaw lang pipikotin mo siya.”
“Puro ka naman kalokohan eh.”
“Hindi friend seryoso ako…ipaglaban mo ang pag-ibig mo, diba nga ikaw ang nagturo sakin na gawin ang lahat bago sumuko nang sa ganon ay masabi mong ginawa mo na ang lahat at wala ka nang pwede pang pag-sisihan diba?”
“Paano naman?”
“Ganito, diba sabi mo..halos magwala siya kanina? Friend kung talagang wala siyang gusto sayo hindi siya magkakaganon…baka kailangan lang nang ‘PUSH’ ang bruho…para effective pagselosin mo siya friend, ewan ko na lang kung hindi yon lalong magwala at baka pumatay pa nang tao.”
‘Huh, wag ganon paano na pag nakulong siya.”
“Tange! Joke lang yon noh….Diba may kapatid kamo itong Si Hardy, ano na nga uli ang pangalan non?”
“Rocky.”
“So why don’t you talk to him? Kakuntsabahin mo siya…kamo para rin iyon sa pangarap nang kanyang lola.”
“Hindi ba nakakahiya naman yon?”
“Ano ba friend…anong taon na ba ngayon? Aba malapit nang magunaw ang mundo, gusto mo bang mamatay nang hindi man lang natitikman ang pagmamahal nang irog mo?”
“Jash?”
“Hmm?”
“Pwede bawasan mo na ang panonood nang kung anu-ano…naapektohan na yata ang utak mo eh.” Nginisihan lamang niya ang kaibigan nang bigyan siya nito nang pamatay na tingin. Natigil sila sa pagbibiroan nang may nagdoorbell sa pintuan. Si Jashley na ang tumayo.
Natigalgal na naman siya nang mapagsino ang taong nakatayo sa labas nang kanyang bahay. “Pwede bang makausap si Krisha?” anito sa kanyang kaibigan ngunit ang mata ay nakatutok naman sa kanya.
Napangiwi siya nang walang pakundangang magsalita ang kaibigan. “Oh you must the sailor savor love of my Friend…Rocky?”
Nakakunot tuloy ang noong nagsalita ito. “I’am not my Brother.”
“Oh…asan siya kasama mo ba? Gusto ko pa naman sana siyang makilala, nai-kwento kasi sakin nang kaibigan ko na mabait, gwapo,gentleman,sweet…sugar, chocolate---” Hinila na niya ang kaibigang madaldal bago pa kung anu-anong lumabas sa bibig nito.
“Jash may binili akong Ice cream kanina, baka gusto mo munang kumain?”
“Talaga? Wow…sige maiwan ko na muna kayo…ano nga uli ang pangalan mo?”
“Hardy.”
“Ah---” itinulak na niya ang kaibigan, Nang makapasok na sa Komedor si Jashley saka niya hinarap ang lalaking nanatiling nakatayo sa labas nang pintoan. “So what do you want?”
“I-I just want to apologize about what happen kanina.”
“Para saan pa…tapos na yon..kinalimutan ko na..kaya kalimutan mo na rin yon.” Tila gusto niyang bawiin ang sinabi nang gumihit sa gwapong mukha nito ang Hindi niya maipaliwanag na lungkot.
“Siguro nga sumobra na ako…Hindi kita masisisi kung labis kitang nasaktan sa mga sinabi ko…Nabigla lamang ako..at nagugulohan sa nararamdaman ko tuwing makikita kita parang laging umiinit ang ulo ko…nagugulohan at hindi ko na alam kung ano talaga ang gusto ko..” anitong tila hirap na hirap ang kalooban…Lumambot naman ang kanyang puso nang makitang nahihirapan ito… ‘no magtigil ka..kailangan iparamdam mo muna sa kanya ang sakit na ibinigay niya sayo’ Hindi siya nagsalita…ayaw niyang ibuka ang bibig dahil baka ipagkanulo siya niyon at ipahamak ang sariling damdamin.
Hindi niya alam kung gaano na katagal silang nagtitigan…alam niyang naghihintay itong magsalita siya. But this time hindi niya pagbibigyan ito…tama si Jashley kailangan ipaglaban niya ang kanyang pag-ibig at sisimulan niya iyon sa pagpasuko rito upang aminin nito ang totoong nararamdaman, Dahil hindi sapat ang paghingi nito nang paumanhin. Hindi sapat ang mga sinabi nito. Nanlumo siyang napakapit sa hamba nang pintoan nang dahan-dahang tumalikod ang lalaki at naglakad palabas nang munting gate nang kanyang tahanan.
Lumapit sa kanya ang kaibigang dala-dala ang isang galon nang Ice cream “Friend okay ka lang? kain tayo nang Ice cream…gagaan ang pakiramdam mo nito.”
Nanghihinang naupo siya sa sofa at inabot ang tasang ibinibigay nang kaibigan…doon na laman niya ibinunton ang lahat nang inis… “Mahirap bang sabihin kung ano ang nararamdaman friend?” aniya sa pagitan nang pagsubo nang Ice cream.
“Minsan.. Oo, lalo na kung hindi ka siguradong ganoon rin ang nararamdaman nang taong iyon.” Napatitig siya sa kaibigan dahil sa tinuran nito…tila naman malayo rin ang isipan nito habang panay ang subo… “Friend tinamaan ka rin ba nang pana ni Kupido ha?” malungkot na tumango-tango lamang ito.
Malungkot rin na ngumiti siya sa kaibigan..alam niyang halos magkapareho rin sila nang pinagdadaanan base sa itsura nito.
“Ubosin na lang natin ito friend…at pagkatapos maghahanap tayo nang mangkukulam.”
“Huh? Bakit?” anitong tila nalito sa kanyang sinabi…
“Friend, diba ang mangkukulam alam ang mga gayuma? Oh bakit hindi na lang natin kayumahin ang mga lalaking yon? Nang sa ganon maging parang aso silang maulol sating kagandahan diba?” aniya
“Friend meron ba talaga nyan?”
“Oo..madaming nun nagtitinda sa may baclaran…o kaya sa devisoria.”
Excited ito nang magtanong “Sige kailan tayo pupunta ron?”
“Bukas?”
“Hmm…that’s good....ipapakulam natin ang mga lalaking yon, hintayin lang nila..hahahaha.” tumawa itong ginaya pa ang halakhak nang mga kontrabida sa pelikula. Napailing-iling na lamang siya rito. At least hindi pala siya nag-iisang nababaliw dahil sa pag-ibig.
Ano nga kaya kung ipakulam na lang niya ang lalaki, at gayumahin? Totoo kaya yon? But ayaw naman niyang mahalin siya nito nang hindi nito alam kung talagang mahal siya nito. ‘teka ang gulo nun ha?’ basta yon na yon. That’s the first option sana but alisin na lang niya iyon hindi maganda at saka kasalanan yon “Kay Bro” yon na lang kayang sinabi ni Jashley kanina pagselosin ko siya? Effective naman kaya yon? At saka hindi naman niya sigurado kung nagselos nga ito kanina, malay ba niyang uminit lang talaga ang ulo nito pagkakita sa kanya…yon nga ang sinabi niya kanina sakin eh.
“Krish?”
“Hmm?”
“Pupunta ka ba don sa Party nang future lola mo?”
“Hmm Hindi ko alam…bakit pa hindi naman siguro mapapansin nang mga iyon na wala ako.”
“Kung ako sayo pumunta ka...ipakita mo sa kanya kung gano ka kaganda at madami ang magkakandarapa sayong kagandahan sa party na iyon.”
“Why not coconut nga naman…you are so genius sometimes.”aniya rito
SINAGOT NI KRISHA ang nag-iingay na cellphone niya. Hindi niya kilala ang nakarehistrong numero nang tumatawag. “Sino kayo ito?”
“Yes Hello---”
“Krisha?” sabi agad nang nasa kabilang linya, nabosesan agad niya ito kahit na hindi pa nagpapakilala.
“Lola? B-bakit po kayo napatawag?”
“Pwede mo akong puntahan rito sa bahay?”
Ano na naman ang pakulo nang matanda. “B-bakit po?”
“Kung sasabihin ko bang masama ang pakiramdam ko pupuntahan mo ako?” at may narinig siyang eksaheradong pag-ubo.
“Hindi ko po alam kong saan nga kayo nakatira kaya pano ako pupunta Diyan? at saka wala po ba diyan ang dalawa ninyong apo?”
“May seminar sila out of town at ayaw ko namang tawagan sila sa gitna nang meeting para lang mag-alala.”
“Sige po…ano pong address nyo?” Ibinigay nito sa kanya ang address nito at napamulagat siya nang marealize kung saan iyon, sa Tagaytay. “ah bahala na nga mahirap nang makonsensya kung totoong masama nga ang pakiramdam nito.” At nag-aalala rin talaga siya kasi kahit paano ay napalapit na sa kanya ang makulit na matanda.
Agad naman niyang nakuha ang address na ibinigay nito, nasa isang sikat at pangmayamang subdivision iyon sa tagaytay. Bago siya pinapasok sa main gate ay hiningian muna siya nang mga security guard nang I.D at saka narinig niyang tumawag ito sa residence nang mga Montenegro.
Namangha siya nang sobra nang tumambad sa kanya ang labas nang gate nang bahay nang mga ito, napakataas kahit ang magnanakaw ay magdadawan gisip na akyatin lalo na’t sa pinakadulo ay may mga patulis. Pinindot niya ang botton sa labas nito. Agad din naman na may nagbukas na nakaunipormadong security guard. “sosyal.” Mahinang usal niya..”Ahm dito ba nakatira si Mrs Montenegro? Si lola Fatty? Pakisabi nandito na ako si Krisha.”
“Opo ma’am hinihintay na po kayo ni ma’am sa loob.” Anito ibinukas ang tarangkahan. “ah ma’am maari nyo naman pong ipasok ang dala ninyong sasakyan.”.
“Ah okay, salamat.” Pumasok uli siya sa loob nang sasakyang dala niya, Pero nang maipasok niya ito sa loob nang gate ay tila nang liit siya sa kanyang sarili pati na rin sa kanyang lumang kotse, sa parents niya pa kasi iyon nang nabubuhay pa. Tumambad kasi sa kanyan harapan ang isang napakalaking tahanan nang matanda at nang kambal..”Kung ganoon totoong mayaman nga ang mga ito, nang una akala niya kasi mayayabang lang ang mga ito idagdag pang hindi naman masyadong pangmamahaling CafĂ© at Restaurant ang pinapasokan nang mga ito. At ang lalaking iniibig niya buong akala niya ay talagang ganoon lamang ito kasungit at mayabang iyon pala ay may karapatan naman ang mga ito, kung totoosin dapat pa nga siyang humanga dahil ang totoo hindi ito mga matapobre at mga simple lamang ang mga ito kung makitungo sa mga tao.
“Hindi, hindi sapat na tawaging mansyon iyon dahil tila iyon kasinglaki nang isang palasyo.” Alam niyang ang angkan nang mga Montenegro ay mayayaman but hindi talaga niya inaasahan ang sorang katotohan niyon. “Kaya pala ganoon na lang kahigpit ang mga nagbabatay sa lugar na yon.” Aniya. Itigil niya sa harap nang mansyon ang kanyang sasakyan, paglabas niya nang sasakyan ay tinanaw uli ang dinaanang malawak na garden na maraming iba’t-ibang halaman at bulaklak, napakanga niyon hindi niya lubos maisip na makakakita nang ganoon kalawak at kagandang kapaligiran, dahil hindi kasi naman mayaman ang kanyang pamilya at hindi rin ganoon kalawak ang lupa nila kung meron man sila sa Bicol.
Napalingon siya nang may marinig na tumawag sa kanya. Namataan niyang may nagmamadaling lumapit sa kanyang babae, napangiwi siya nang tila hirap na hirap ito sa pagtakbo. “Magandang tanghali po ma’am. Hinihintay na po kayo ni Donya Fatima ay ni Ma’am Fatty.” Ngumiti siya sa babae, halata ang sense of humor nito dahil habang binabagtas nila ang pagpasok sa loob nang bahay ay walang preno ito sa pagki-kwento.
“Alam nyo po kasi ma’am nang nabubuhay pa ang asaw ni ma’am fatty eh Donya ang tawag sa kanya nitong huli na lang ayaw nangmagpatawag niya nang ganoon.”
“Ah ganoon po pala, teka kumusta na siya?”
“Okay lang naman po.”
“Teka ang sabi niya sakin may sakit raw siya?”
“Ah eh hindi ko po alam baka po ngayon meron na.” Hay naku ang matnadang iyon naisahan na naman ako ang layo pa naman nang biniyahe ko, oo nga naman pala madami itong kasama sa bahay na mag a katulong at may mga security guards pa, impossibleng pabayaan nang mga iyon ito, gusto lang siguro talaga nito nang makukulit ang makakausap.
Dinala siya nito sa loob pero wala roon ang matanda, dahil lumabas lang sila nang bahay at dumiritso la likod para lang silang nakidaan kung baga. Napabungtong hininga siya nang makita ang mga kagamitan roon na mahahalatang mamahalin. “Hay parang mas mahal pa ang presyo nito sa buhay niya ah? Joke, joke aba hindi naman yata tama na ikumpara niya ang sarili sa gamit lang, mas mahalaga pa rin ang buhay niya noh idagdag pang marami yata siyang talento.” Nagdiridirtso sila hanggang may nakita siyang malaking swimming pool at nasa gilid niyon ang matanda na nakaupo at nagbabasa nang diyaryo, kinuha nito ang basong nasa beach table under a beach umbrella na tila relax na relax at wala man lang ginawang kasalanan, tama kasalanan ang mgasinunghaling noh.
CHAPTER 9
“MA’AM Fatty? Nandito na po ang bisita ninyo.” Nakangiti itong lumingon sa kanya. “I’ am glad you came here hija.”
Pero imbes na salubungin ang ngiti nito nakasimangot na umupo siya sa harap nito. “Bakit ba hilig nyong paglaroan ang mga tao ha lola? Pinag-alala nyo talaga ako. Yon pala sitting pretty ka rito.” Aniyang hindi man lang itinago ang pagtatampo.
“Hindi kita niloloko, talagang masama ang pakiramdam ko sa tuwing mag-iisa ako at wala ang dalawang apo ko. Kaya nga tinawagan kita, kahit na alam kong dalawang beses pa lang tayong nagkita alam kong mabuting tao ka.” Agad namang nawala ang kanyang pagtatampo nang marinig ang sinabi nito. Kahit ganoon pala ito kayaman hindi sapat rito iyon upang hndi malungkot. Dahil sa kabila nang yaman nito ay naghahanap ito nang kasama at atensyon.
“Beth pakidalhan naman kami nang pagkain please.”
“Yes ma’am.” At binalingan siya nang matanda at natouch siya sa sinabi nito.
“Alam ko hindi ka pa naglulunch kaya sabay na tayong kumain. Talagang hinintay kita.” The old lady grinned. “Wala pa naman yong dalawa. Gusto ko lang sanang may makakwentohan at kasama.” Tumango lang siya, tila naman batang sumigla ito nang pangakoan nang candy.
Pagkatapos managhalian niyaya siya nang matandang magshopping at dinala siya sa isang sikat na modesta para pasukatan nang gown para sa party nito. Dahil hindi lang daw iyon importante dahil may iba pang dahilan kaya kailangan raw na magandang-maganda siya sa araw na iyon. Napapabungtong-hininga na lang siya sa tuwing akala niya ay magyaya na itong umuwi but sa pagkamangha niya para itong nagdadalaga na hindi na naubosan nang items na nagugustohan. At nagyaya pa ito sa World of fun mga pangbatang games. But she enjoy it naman matagal-tagal na nga naman nang huling pasok niya roon siguro bata pa siya noon at high school student. Gabi na nang umuwi sila sa bahay nang mga ito.
“Hija ipapahanda ko lang ang kwarto mo.” May tinawag itong kasambahay na sa tingin niya ay kaidad niya lamang pero malaking tao ito katulad nang unang taong sumalubong sa kanya ay medyo malusog ito.
“Kung may kailangan ka magsabi ka lang sa kanila hija okay or puntahan mo ako sa kwarto ko ha?”
“Okay lang po ako lola..Dont bother.”
“Hindi maari yon. Ikaw ang magiging future wife at ina nang magiging apo ko. Kaya dapat maayos ang kalagyan mo rito.”
“Hay naku kayo talaga!” She grinned But with little bit sigh. “Hanggan ngayon umaasa pa ba kayo sa kalokohan nyong iyan?” pagbibiro niyang may halong katotohanan.
“Bakit masama ba? May batas na ba ngayon nyan sito sa pilipinas ha?” Se heared someone chuckled at her back. Ang kaninang babaeng inutosan ni Lola Fatty.
“Ma’am, Okay na po ang room.”
“Okay salamat beth.” Pakihatid na ang future ma’am ninyo okay at alamin ninyo ang lahat nang kanyang kailangan at ibigay. Iyan ang utos nang mahal na reyna.”
“Yes ma’am.” Nakangiting sagot nito sa amo at bahagya pang yumukod. Hay ang gulo naman pala nang palasyong ito. Aniya sa sarili sayang nga lamang at wala ang mga gwapong prensepe nang palsyong ito.
“Hija pasensya kana… Gusto ko nang munang magpahinga napagod ako sa kakalakad natin kanina. Ganito pala ang matanda na.” Binalingan uli nito si Beth. “ Oh ikaw nang bahala sa prinsesa natin okay?”
“Opo mahal na Reyna.” At bahagyang yumukod na naman ito sa mahal na reyna este kay lola Fatty. Napangiti na lamang siya sa mga ito. ‘ang gugulo.’
“Ma’am? Gusto nyo na pong pumasok sa inyong kwarto?”
“Wag mo na akong tawaging ma’am. Krisha na lang sa tingin ko naman magkaidad lang tayo.”
“Okay pero sekreto lang iyon. he-he-he.” Ani Beth. Nang ngumiti ito parang kamukha nito ang isang foreing black american host nang isang talk show. ‘Black Beauty’ lalo na pag nakangiti ito. “Okay tayo na Krish?” Dinala siya nito sa second floor nang mansyon. Kung saan ang kwartong ipapagamit sa kanya ang guest room. Nang makapasok siya ay parang lumuwa ang kanyang mga mata sa laki niyon na halos triple yata ang laki sa kwarto niya sa kanyang bahay, wag nang isama pa roon ang banyo.
“Ma’am ay Krisha, Pwede hong magtanong?
“Ano?...tanggalin mo na rin ang ho pakiramdam ko kasi ang tanda ko na.”aniya
“Sino po sa kambal ang nobyo ninyo? Alam nyo po…mo pala gusto kita sa lahat nang babaeng nakapunta rito, Hindi tulad nang naging nobya noon nina sir Rocky at Hardy.”
“Hardy?, I-I mean yong naging girlfriend ni Hardy?”
“Opo, mga feeling magaganda puno lang naman ang mukha nang make-up at parang manikin ang itsura. Yong kay Sir Rocky ganon rin ang aarte kala mo kung sino mag-aasta rito sa bahay na akala mo asawa na sila. Ikaw nga lang ang tanging Inasikaso nang mahal na reyna eh.”
“Ganoon ba…but wala sa kanila ang boyfriend ko.”
“Huh sabi nang mahal na ryna ikaw ang susunod sa kanyang trono?”
“Hay wag nyo na ngang pansinin ang mahal na reyna nyo.”
“Hindi yon maari dahil pag ginawa namin yon baka mawalan kami nang trabaho.” She sigh again.
Hay bakit ba hindi nauubosan nang mga makukulit na tao sa mundo. “Okay wala kasi namang may type sakin sa kanila.” Naupo siya sa malaking kama. Halos lumobog siya roon sa sobrang lambot.
“Who said that huh?” Tanong nang bagong sulpot na si Rocky at naupo rin ito sa tabi niya. But hindi iyon ang nakakuha nang kanyang atensyon Instead the guy whi leaning against the wooden door. At mataman rin itong nakatingin sa kanya, Nagulat sya nang may mga kamay na umakbay sa kanyang balikat. “Hey Krish mamaya kana matulog. Maaga pa naman ang gabi, magkwentohan muna tayo ha?” ani Rocky
“Teka akala ko ba out of town kayo? Kaya nga pumayag akong pumunta rito.
“Oo but napauwi kami nang maaga eh.”Anitong nakangiti at hindi pa rin inaalis ang kamay sa kanyang balikat.” Tila naman siya naengkanto sa sitwasyon, napasinghap pa siya nang magsalita ang lalaking akala niya ay hindi na maririnig ang boses.
“Take your hand off Rocky boy or I’ll wreck your neck.” Patay galit na naman siya. Hay kailan kaya mangyayari na maging mabait ito sa harap niya. Tumatawang tumayo naman ang kapatid na tila nasukol nang batas at nakataas pa ang dalawang kamay.
“Okay-okay, take it easy bro. Nagselos ka naman agad, don’t worry my Dear brother I will be fair to you till hindi pa naman ako ang pinipili nitong magandang binibini..” Binalingan nito si Beth na bahagyang itinago ang pagngiti sa dalawang lalaki. “Bethy would you please make a coffe for the beautiful lady and for me?” nakangiti nitong sabi sa babae na agad naman tumalima. “Okay lang naman diba Krish?”
“Ah-eh----”
“Leave her alone Rocky. Baka pagod na siya.” Teka nga bakit ba ito umaakot nang parang pag-aari siya nito diba ito na mismo ang nagsabing hindi siya nito gusto. Naiinis na talaga siya sa hambog na ito. “S-sure Rocky.” Aniyang sinalubong pa ang tingin ipinukol sa kanya nang binata. Maya-maya walang pasabing tumalikod na ito.
“Bakit ba ang labo nang kapatid mong iyon ha?”
“ think he is jealous…” tatawa-tawang saad nito. “Anyway magpapalit lang ako at hihintayin kita sa baba pretty lady and be ready fo a war.” Ay kumindat pa ito sa kanya bago lumabas nang kwarto. Napapangiti na lamang siya rito dahil alam niyang sinasadya lamang iyon upang inisin ang kapatid.
SINADYA kaya ni Lolang papuntahin ako rito at hindi totoong hindi uuwi ang mga apo nito, kung ganoon sinit-up lang siya nito sa mga apo. Hay ano ba ang gagawin niya sa tatlong ito at tila gustong-gustong gulohin ang tahimik niyang mundo. Nagpalinga-linga soya sa paligid at nagtaka nang walang Rocky na makita sa May garden at pati sa may pool area.
Naupo siya sa hammock chair at maya-maya dumating si Beth na may dalang kape na inilapag nito sa wood table na parang kahoy na pinutol ang design sa tabi nang hammocks. “ Ah Beth asan na daw si Rocky?”
“B-baka po---- nasa kwarto pa niya.” Nauutal pang sabi nito sa kanya, nang lingonin ito sa kanynang likod ay dali-dalng tumalikod. Nagtataka naman siya sa Inakto nito, nang may magsalita sa likuran niya na kahit hindi pa niya nakikita ay kinilala na nang puso niya.
“Tulog na si Rocky.” Ani Obvious na si Hardy. Nakamasid na laman siya rito habang umuupo sa kanyang tabi, well malaki iyon para sa kanilang dalawa but pakiramdam niya sikip na sikip siya sa kanyang paghinga. May kung anong malamig na hangin ang humaplos sa kanyang puso nang makita ang mga mata nitong puno nang lungkot at hindi niya maipaliwanag na damdamin. Para tuloy gusto niyang yakapin ito at alisin ang anomang dinadala nito na mabigat sa dibdib. May hawak itong bote nang beer at walang hapas na tinutunga iyon. Napabungtonghininga tuloy siya. Napabaling tuloy ang tingin nito sa kanya.
“Masarap ba iyang beer?” aiya nang waang ibang makuhang sabihin. Dahil roon tila gusto niyang uminum at magpakalsing.
“Nope at bawal ito sayo.” Nagtatakang tiningnan ito, aba kailan pa ba iyon binawal sa kanya nang presidente?
“May ipinatupad na ba ang senado na ipagbawal sakin iyan?”
“Oo.”
Aba’t kailan pa? parang tangang tanog niya sa sarili. “Kailan naman?”
“Kanina lang.” anitong nawala na ang makulimlim na replesyon sa mata nito at napalitan iyon nang amusement. Para namang gumaan ang kanyang pakiramdam dahil roon. At hindi niya napiogilang mapangiti. Namiss niya ang ganitong mag-kausap sila kahit na palaging nagtatalo. Natakot tuloy siyang magsalita pa at baka ikagalit na naman nito ang sabihin niya. Yumoko siya at pinagsalikop ang mga palad. Gosh nasa mudo pa ba siya? Pakiramdam kasi niya nang mga oras na iyon nasa ibang dememsyon siya. Lumolutang ang kanayang katawan sa gravity. “Pasensya kana pala kay lola. Mukhang inistorbo ka na naman niya.” Anitong ikinagulat ang pagsasalita nito at tila naman siya nag teletransportation pabalik sa tunay na mundo at ano kamo nagsosorry ito? ‘Himala.’
“W-wala iyon… kesa naman pabayaan ko siya, malay ko bang pinagtripan na naman ako ni lola. But totoong nga-alala ako nang tumawag siya at sabihing wala siyang kasama.” Marahang tango lang ang sinagot nito sa kanya.
“Ayaw mo bang nandito ako?” Lakas loob na tanong niya sa lalaki. Subalit hindi ito sumagot. Mataman lamang itong nakatingin sa kanya. Hay bakit ba ang hilig nitong tumitig sa kanya at hindi na lang magsalita. At hanggang kailan ka ba kasi Krisha matototo? Ayan nasaktan ka na naman, di nga ba silence mean yes. Tumayo na siya upang maiiwas ang damdamin, hindi kasi niya alam kung hanggang saan niya kayangng panghawakan ang tapang nang mga oras na iyon.
“I have to go, Inaantok na rin kasi ako Hard…Good night.” Aniya at tumalikod na siya but nakakailang hakbang pa lang nang maramdaman ang paghila sa braso niya nang lalaki at wala na rin siyang nagawa pa nang yakapin siya nito mula sa kanyang likuran. “A-ano bang ginagawa mo?”
“Please just let ourselves to be free, just for this moment Krish.” He whispered to her ear. Ayon na naman ang pakiramdam niya na mabibinge na siya sa sobrang lakas nang tibok nang puso niyang tanga.
“Let me go, Hardy” aniyang pilit na kumakawala sa mga bisig nito. Hindi kasi niya dapat pang hayaan na patuloy na umasa ang tanga niyang puso. At baka tuloyan na siyang bumigay rito. Pero lalo lang humigpit ang pagkakayakap nito sa kanya. Ano ba ang nangyayari rito? Baka nababaliw na rin yata. “Bitiwan mo na ako hard, baka makita tayo nina Rocky nakakahi---” Napatigil naman siya sa pagsasalita nang bigla naman nitong inalis ang pagkakayakap sa kanya. Hay baliw na nga talaga siya dahil ngayon naman parang naghihinayang siyang hindi na siya yakap nito. “Baliw-baliw.”
“Why do you care if he saw us?”
“huh? Eh baka kasi kung ano ang isipin nila.” Aniyang nalilito sa sinasabi nito. Wala pa nga yata siiya sa Huwesyo kaya hindi pumapasok sa utak niiya ang sinasabi nang lalaki. Para pa siyang tangang medyo nakanganga pa ang bibig sa lalaki.
Napakurap-kurap pa soya nang makitang palapit na naman ito sa kanya. Para naman napako na ang kanyang mga paa sa kinatatyoan niya. At nakamata na lamang na pinanood ang ginawa nang lalaki. Ang bilis nang mga pangyayari nang makalapit ito at ikulong ag kanyang mukha nang dalawang kamay nito at siilin siya nang halik sa mga labi. Sa sobrang gulat ay nanlaki ang kanyang mga mata sa ginawa nito pati yata ang kanyang ulo pakiramdam niya siya si kalahi siya ni kokey.
Then she felt that her eyes slowly closing uncontroled. Nang hindi mapaglabanan ang sensation na bumalot sa kanya dahil sa mga halik nang lalaki. It wasn’t her first kiss but ngayon niya lang naramdaman ang kakaibang sensasyong iyon na para bang nalulunod siya sa sa kaligayahan at tila may paru-parong nagkakagulo sa kanyang tiyan. Saka lang siya pinakawalan nito nang halos kapusin sila nang paghinga. “Woow it’s was great. He was a great kisser.” Darn this man for that dahil pakiramdam niya nawala na naman ang sana ay inuumpisahan niyang pag get-over rito. Kahit pa nga wala naman silang naging relasyon at ang puso nyang sutil nagdiriwang dahil sa nangyari. Naramdaman uli niyang hinila siya nito palapit sa mga bisig nito at ikulong doon. “Patay na tuloyan nang nawala ang lahat nang kanyang katinoan sa isip.”
“I’am sorry for all I’ve done mylove. Will you give me a chance? I promise babawi ako.” Bulong nito sa kanyang tainga.
“W-what do you mean?” Nagugulat talaga soya sa mga nangyayari, parang napakabilis kung baga, sa ginagawa niyang storya parang nilaktawan ang ibang pages nang kwento. Teka nga eh sa ganito ang tunay na buhay no. Wag ka na ngang kumontra pa. Parang tanga na naman siyang kinakausap ang sariling isip. Ang dami nang nangyari samin sapat na yon para naman makamtam ang happily ever after nang sarili niyang kwento.
“Krish? Narinig niyang tawag nito sa pangalan niya na para bang wala siya sa mga bisig nito.
“Ha?”
“Sabi ko kung bibigyan mo ako nang chance para makabawi sayo sa lahat nang kasalanan ko. Liligawan kita?” Nge!.. mangliligaw pa pala ito akala naman niya yon na yon, ganoon pala ito mangligaw nakahalik na’t nakayakap pa.
“Hah liligawan mo ako?”
“Oo.” Nakangti ito nang medyo ilayo soya sa mga bisig nito upang makita ang mukha niya. “Ganito ka ba manligaw sa mga babae, nagki-kiss agad?” wala sa loob na tanong niya.
“Bakit ayaw mo ba? Sige pipigilan ko muna ang sarili kong halikan ka.” No-no-no mylove, sige lang okay na halikan mo ako kahit oras-oras pa. “Pero baka mahirapan akong gawin iyon eh, Kahit nga nang nasainyo pa tayo sa probinsya. Ilang beses nang muntik na kitang halikan, ayaw ko lang na magalit sakin ang kuya mo at sabihang bantay salakay.” Oo naalala niya ang mga sandaling iyon na ang buong akala niya hahalikan na siya nito. “Hindi mo pa ako sinasagot?”
“Hah akala ko ba manliligaw ka muna?”
“Yeah it was I asking for?” Nakangiti nitong saad at hinila na naman soya nito para yakapin. Hinayaan na lang muna niya ito at ninamnam na lamang niya ang moment nila. “wew moment daw,he-he-he.”
Nabiglang napahiwalay sila sa isat’-isa nang may biglang sumulpot sa likuran nila and it was hardy’s twin. But napansin niyang nakatingin ang lalaking bagong dating sa kanilang kamay na magkasalikop pa rin.
“Nandito ka pa pala Krish, pasensya na medyo naka tulog pala ako eh.”
“O-okay lang iyon.” Nakangiti nitong sinulyapang uli ang kamay niyang hawak ni Hardy at sinasadyang kukunin nito ang isa pa niyang kamay pero maagap na hinawi iyon nang kapatid.
“Back off Rocky.”
“Bakit tol, kami naman dapat ang mag-uusap eh.” Nakangising pa rin turan nito sa kakambal na tila hindi man lang tinalaban nang warning tone ni Hardy.
“I said back off. She’s mine kaya maghanap ka na lang ibang kakausapin.” Napatingin siya sa gwapong mukha nito dahil nakita niyang seryoso ito sa sinasabi. Pero lumambot ang facial expression nito nang balingan siya. “Halika na ihahatid na kita sa kwarto mo, wag kang makikipag usap sa mga kakalat-kalat na sira-ulo rito.”
“Asan tol ang mga sira-ulo nang maupakan ha?” ani Rocky. Napangiti tuloy siya sa lalaki. Hay minsan talaga hindi alam nang magkapatid na ito na sila mismo ang sira-ulo. Hinila na siya ni Hardy papasok sa loob nang bahay nang marinig nilang bahagyang sumigaw ang sira-ulong kapatid nito. “Krish, kayo na ba ha? kug hindi pa date tayo bukas ha?” anitong tatawa-tawa. Alam naman niyang inaasar lamang nito ang kapatid.
“Wala kaming narinig.” Ani Hardy sa kapatid at tinakpan pa ang kanyang tainga habag inaalalayan siya sa paglalakad. Hindi na soya nito binitawan hanggan sa labas nang kwarto.
“Sige na, Magpahinga kana. Alam kung maghapon kang kinulit n lola kaya siguradong pagod ka.” At masuyong hinplos nito ang buhok niya.
“Okay. G-goodnight.”
“Good night.” At muling binigyan siya nito nang mabilis na halik sa mga labi. “Pumasok ka na.” anito but napatingin soya sa mga kamay ilang magkahawak pa rin. Paano ba siya makakapasok kung ganito sila. Kaloka talaga. “Ahhhh.” Anitong nang mahalata ang kanyang tinitingnan. Nangingiting tumalikod siya at muling lumingon sa pintoan na ang buong akala niya ay wala na ang lalaki but laking gulat niya nang pumasok ang lalaki at diriditso sa kanya at walang sirisirimonyas na muli siyang siniil nang halik at bago pa man siya makahuma wala na sa kanyang harapan ang lalaki at nakapinid na rin ang pintoan.
Nakahiga na siya sa kama. Pero kanina pa siya tulalang nakatingin sa kulay putting kesami. Hindi siya makapaniwala sa nangyayari wala pa ngan dalawang araw, kanina pa lamang siya nagpunta rito. “Baka naman nakatulog na siya kanina at nanaginip lamang.” Kinurot pa ang sariling braso. “Aray!” aba oo nga gising siya. Hindi iyon panaginip…pero hindi pa sila dahil mangliligaw pa ito. Hay bakit pa kasi kailangang mangligaw pa ito.
NAGISING siya nang marinig na tila may tumatawag sa kanyang pangalan. Muntik pa siyang mapasigaw nang mamulatan ang gwapong mukha nang isang nilalang diyos nakangiti itong ipinakita ang isang pulang-pulang rosas.
“H-Hardy?”
“Yeah. Good morning my love.”
“Anong ginagawa mo rito?”
“Gigisingin ka. Pinapatawag ka na kasi ni lola para sabay-sabay na raw tayong magbreakfast.”
“Oo nga pla nandito ako sa inyo.” mahinang usal niya at nang tingnan niyang muli ang rosas na inaabot nito sa. Kung ganooon mukhang tinototoo nga nito ang sinaning pangliligaw.
“Slamat.” Aniyang kinuha ito at inamoy-amoy. Kung sana ganito ba lagi ang umaga niya kahit hindi na siya matulog hihintayin na lang niya ang umaga. Napangiti siya sa kalokohang naisip.
“Okay get up! Kanina pa tayo hinihintay ni Lola sa baba.” Nagmamadali naman siyang bumaba sa kama at nakalimutan muna niyang hawiin ang kumot na nakabalot sa kanyang katawan kaya sa paghakbang niya nawalan siya nang balanse mabuti na lamang at may maagap na mga kamay ang sumalo sa kanya. “Hey magdahan-dahan ka nga.” Anitong kahit na parang pinapagalitan siya ay may halong pag-aalala.
“Hard mauna kana sa baba, susunod na lamang ako maghihilamos lang muna ako.” Aniyang dali-dali nang pumasok sa banyo. Wala siyang nakitang tabo sa banyo kaya nagshower na lamang siya roon. “ganito ba talaga ang mga mayayaman walang tabo sa banyo?” bubulong-bulong niya sa sarili. Ilang minuto lang ang itinagal niya sa paliligo at lumabas na nang banyong nakatapi lang nang Bath towel. Muntik na naman siyang mapasigaw at magtatakbo pabalik sa loob nang banyo nang makita ang lalaking naroon pa rin at buong paghangang pinasadahan nito nang tingin ang katawan niya. “Woo.” Bulalas nito. Naningkit naman ang kanyang mga mata para mapagtakpan ang kahihiyan.
“Get out Hardy!”
“Hah bakit?”
“Anong bakit? Hindi mo ba nakikitang kailangan kong magbihis?”
“Okay lang naman kahit magbihis ka sa harap ko.” Aba’t ang damuhong ito, hindi pa nga niya sinasagot gusto nang makabuso.
“Basted kana pag hindi ka lumabas sige ka?”
“Hah unfair naman yata yo mylove, para magbibihis kang nandito ako.” Anitong hindi pa rin tumitinag sa kinauupoan. Nagiinit na tuloy ang kanyang mukha.
“Get out!” sigaw na niya sa lalaki at aktong babatohin ito nang nakuhang botilya nang body lotion sa harap nang tokador nang biglang bumukas ang pintoan.
“Lumabas kana Hardy.” Ani Lola Fatty
“Lola, Hinihintay ko lang naman siya eh.” Anitong tila batang nagmamaktol.
“Wow.” Ani pa nang bagong sulpot na si Rocky at eksaheradong lumuwa ang mga mata nito. Akto naman haharangan siya ni Hardy upang itago sa kapatid nang Hilahin na nang matanda sa tainga ang lalaki.
“Tol, ako na lang ang maghihintay kay Krish----” pero bago pa muling makapagsalita ito ay nahila na rin ito ni Hardy sa tainga tulad nang ginawa rito nang matanda.
“Magbihis kana’t sa baba ka na namin hihintayin.” Ani matanda sa kanya at saka tuloyang hinila ang dalawang apo palabas nang kwarto. Napailing-iling na lamang siya sa tatlo. “Ang kukulit nang pamilyang ito.”
CHAPTER 10
“LOLA bakit hindi tayo magpicnic ngayon? Matagal na nating hindi nagagawa iyon ah?” ani rocky na naupo sa tabi niya nasa may pool area sila matapos mag-agahan.
“Oo nga Lola.” Sabat nang bagong dating rin na si Hardy bagong ligo ito at mukhang ang bango-bango. Binitbit nito sa kwelyo nang polo shirts ang kapatid at pinalayo sa katabi niya.
“Tol, bakit ba?”
“Lumayo sa kay Krisha baka mahawa siya nang amoy mo. Hindi ka pa naliligo.”
“Mabango ako noh kahit amoyin mo pa ang kiliki ko.” Itinaas nga nito ang braso para ipaamoy sa kapatid pero agad na naupo si Hardy sa kanyang tabi.
“Tol madaya ka gusto mo lang pala akong salisihan eh.” Wika nitong kakamot-kamot pa sa ulo.
“Maligo ka muna.”
“Boy’s stop that, wala ba kayong trabaho ngayon?” ani lola Fatty.
“Hindi na muna ako papasok lola sa office. Diba nga yayain ko kayo ni Krish na mamasyal?” ani Rocky at kumindat pa ito sa kanya. Nakangising binalingan ang kapatid. “Tol ikaw na lang muna ang bahala sa office ha?”
“Bakit ako?” tumingin ito sa matanda na tila nagpapasaklolo. “Lola diba ikaw naman ang Presidente?”
“Oh ako ang papasok ganoon ba?”
“Hindi sa ganoon lola. I mean pwede mo naman ipaasekaso ngayong araw ang kompanya sa assistant mo diba?” anitong tumayo at niyakap pa ang matanda.
“Kayong dalwa kung hindi pa dahil kay Krisha hindi pa kayo magkakaganyan.”
“That’s not true lola ikaw nga ang reason kung bakit tayo mamasyal eh.”Ani Hardy.
“Okay tol ikaw ang partner ni lola kami naman ni Krisha.” Anitong lumapit at inakbayan na naman siya. Napapangiti na lag siya sa tatlo. Ang laki na nang pinagbago nang buhay niya simula nang makilal ang mga ito. Pakiramdam niya nagkaroon siya nang Instant family.
“Hoy sinabi nang wag kang alapit kay Krisha.” Narinig niyang sigaw ni Hardy. Painosenting tiningnan lang ito nang kapatid. “Hah bakit tol?” at hinawakan nito ang kamay niya at itinaas iyon na sinasadyang ipakita sa kapatid. “Krish ang ganda pala nang mga daliri mo.” Anito. Hindi na lang siya umimik at nakamata lang soya sa mga ito nang biglang lumapit si Hardy . Binitbit nito ang kapatid at Itinulak sa pool.
“Bro. maligo kana muna.” Tatawa-tawang wika nito.
“If I know hindi ka naman talaga naligo siguro binasa mo lang ang ulo mo kaya halika rito tol, sabay tayong maligo.” Umahon ito at dahan-dahang nilalapitan si Hardy. Parang mga batang naghabulan ang dalawa.
Napahinto ang mga ito nang lumapit si aling Me-ann at sinabing may bisita raw si Hardy.
“S-sir Hardy may bisita po kayo.” Tumingin muna ito sa kanya bago mahinang nagsalita na tila ayaw iparinig sa kanya.
“Sino?” nakakunot ang noong tanong nito. But bago pa sila makahumang lahat ay May babaeng nagmamadaling lumapit rito at yumakap pa sa lalaki.
“Honey why you didn’t visit me na?” ani nang babaeng pamilyar sa kanya ito ang babaeng nakita niyang minsan kasama nito sa isang Restaurant. Napanganga pa siya nang biglang halikan nito sa labi ang lalaki. At tila binagsakan siya nang malalaking bato sa sobrang sakit na naramdaman nang mga sandaling iyon. Nakita niyang inilayo ni Hardy sa sarili ang babae pero hindi na niya naiintindihan kung ano ang sinasabi nito. Nawawala na siya sa kanyang sarili. “She kiss him.” Mahinang usal niya at naramdaman niyang may dumadaloy na mainit na likido sa kanyang mukha. “she kiss him.” Ulit pa niya sa sinabi. Narinig na lang niya ang pag-aalala nang matanda sa kanya.
“Krish hija are you okay?” ani Lola Fatty but tila wala na talaga siyang naiintindihan sa mga nasa paligid, parang gusto na niyang lumobog sa kinatatayoan nang mga oras na iyon. Inalalayan na siya nang maglolang Fatty at rocky para iaalis sa lugar na iyon. Narinig pa niyang sa galit na tono nang pagsabihan nito ang apong si Hardy.
“Clean up this messy Hardy.”
“Sige na tol ayosin mo na muna iyan ako nang bahala kay Krish.” Nang sulyapan niyang muli si Hardy at ang babaeng tila manhid sa paligid nakita niyang madilim na madilim ang itsura nang lalaki. Bago tumango sa kapatid.
Dinala siya nang dalawa sa Guest room.Tila naman wala pa rin siya sa sariling naupo roon at ininum ang tubig na inaabot ni Rocky.
“Hija are you okay?” ani Lola fatty. “I’ve never thought this could be possible, You are inlove with one of my Grandchild. Dapat maging masaya ako but hindi ko magawa kung ganyang nasasaktan ka hija. Kung sana hindi na lang ako nakialam sa inyo. Hindi ko alam na may Girlfriend pa pala Si Hardy ngayon.” Mahabang paliwanag nito na tila habag na habag sa kanyang kalagayan. Nahismasan siya nang marealise ang kanyang sitwasyon. Wala nga pala siyang karapatang magalit at masaktan dahil hindi naman opisyal ang relasyon nilang dalawa. Ayaw niyang kaawaa siya nang mga ito nang dahil sa kanyang katangahan kung nang umpisa pa lang ay hindi na niya dapat hinayaang mapalapit ang lalaki sa kanya di sana’y hindi siya nagkakaganito.
“Don’t worry lola, I’am okay..nabigla lang ako sa nakita ko” mahinahon na siya nang muling magsalita. “wala naman talaga akong karapatang masaktan o kahit ang magalit dahil wala pa kaming opisyal na relasyon.” Aniya at bumontong-hininga muna. “Hindi ko lang po maiwasan ang katotohanang sa simula’t simula pa lang nang pagkikita namin ni Hardy nainlove na ako sa kanya kahit pa lagi kaming nag-aaway. Lalo pa nang makilala ko kayo at nagpanggap siyang si Rocky upang wag lang kayong mag-alala.”
“Hay ang swerte naman nang tanga kong kapatid.” Ani Rocky na naupo sa tabi niya at marahang tinapik-tapik siya sa balikat. “Ako na lang kaya ang mahalin mo?” anito. But napaaray ito nang biglang kutosan nang matanda. “Aray lola naman…nagbibiro lang ako baka lang kako makalusot.”
“Wag ka nang makigulo pa kung ayaw mong itakwil kita.”
“Ahmm Lola” she sigh first before she talk. “Uuwi na po muna ako sa bahay ko. Wag po kayong mag-alala sakin ayos lang po ako. At Don’t worry po pupunta ako sa party ninyo.” Aniyang nakangiti upang hindi na mag-alala pa ang matanda. Tumango-tanog na lamang ito.
“Sige pero mag-pahatid ka kay Rocky okay? Ipapasunod ko na lamang ang kotse mo. Wag kana munang mag-drive.” Ganoon na nga ang nagyari Hindi na siya tumutol pang magpahatid sa kapatid nang lalaking dahilan nang kanyang kasawian.
Pagkatapos nang dalawang gabi na walang tigil na pag-iyak nangako siyang kakalimutan na ang lalaki pati na rin ang pamilya nito, kung hindi na na niya matupad ang pangako sa matandang dadalo sa kaarawan nito alam niyang maiintindihan naman iyon nang matanda. Muli niyang aayosin ang kanyang buhay total nasanay na naman siyang nag-iisa. Nope nangdiyan pala ang kaibigang hindi siya iniwan sa oras na gusto niyang magkulong at mag-iiyak magdamag sa kanyang bahay. Kung minsan halos hilahin siya nito palabas upang lumabas siya sa kanyang lungga at nang makakita naman raw siya nang tao nang hindi puro butiki sa bahay niya ang kasama niya.
HALOS hindi na niya namamalayang lumipas ang mga linggo na ganoon ang nangyari sa kanya. Kung totoosin hindi naman talaga siya nakarecover, para lang siyang nagluksa pagkatapos nang kasawian.
“Friend natutulala ka na naman?” ani jashley
“Hah bakit?” tanong niya sa kaibigan nasa isang CafĂ© bar sila nang araw na iyon. Tila nanariwa sa kanya ang mga nangyari nang makita ang magkasintahan sa kabilang table na napakasweet sa isa’t-isa.
“Kako malapit na ang party nang matanda..sa makalawa na iyon diba?”
“Oh?”aniyang walang ganang pag-usapan pa iyon.
“Dadalo ka ba?”
“Hindi na siguro, maiintindihan na man siguro iyon ni Lola Fatty.” Hindi na ito sumagot pa..alam niyang naiintindihan rin siya nang kaibigan na ayaw muna niyang pag-usapan iyon.
Nauna na nang Umuwi ang kaibigan dahil may ka meeting pa raw ito. Pagkatapos rin abalahin ang sarili sa pag-w-window shopping at namili na rin nang groceries. Umuwi na siya sa kanyang bahay. Habang inaayos ang mga pinamili sa kangyang grocery kabinet Narinig niyang tumunog ang door bell. “Baka si Jash, may nakalimutan siguro.” Aniya habang nagmamadaling lumapit sa pintoan.
“Jash ikaw ba yan? May nakalimu---” napahinto siya sa pagsasalita nang tumambad sa kanya ang kanyang bisita.
“What are you doing here?” aniya sa lalaking nakatayo sa kanyang pintoan. Nang pagmasdan ito nang maigi tila gusto pa niyang isiping hindi iyon ang lalaking mahal kundi ang kapatid nito but hindi maikakaila ang pagwawala nang kanyang puso. Medyo nangayayat ito at tila hindi man lan nag-aahit but still naroon pa rin ang kagwapohang umakit sa kanyang puso.
“Hindi mo man lang ba ako papasokin?”
“Hah eh…” Ngunit bago pa man niya maibukas nang maluwang ang pintoan ay walang pasabing pumasok na ito roon at naupo sa kanyang sofa. Aba’t ang lalaking ito ang kapal talaga nang pagmumukha.
“What do you want?” diritsong tanong niya sa lalaking hindi tuminag sa pagkakatayo sa harap nang pintoan.
“Maiinum, kanina pa ako nauuhaw sa byahe galing pa akong Tagaytay at ipinasusundo ka ni Lola.”
“Ano pa ba ang gusto ninyo sakin?”
“Ewan ko kay lola.” Anitong tumayo at tumuloy sa kanyang kusina. Napasunod tuloy siya sa lalaki.
“Hey trespassing ka.” Aniya rito na tila wala namang pakialam sa kanya at ito na mismo ang kumuha nang tubig sa refrigerator niya. Nakailang baso nga ito nang tubig na tila uhaw na uhaw. Habang pinagmamasdan niya ang lalaki hindi na naman niya napigilan ang damdaming maawa sa itsura nito. Totoong uhaw nga ito dahil halos naubos nito ang laman nag maliit niyang pitsel. Nanghihinang naupo siya sa upoan nang hapagkainan niya.
“O-Okay pakisabi na lang kay Lola na pasensya na at baka hindi na ako maka-atend nang party niya” aniyang nakayuko ang ulo upang hindi makita ang gwapong mukha nang minamahal pa rin dahil baka ipagkanulo siya noon.
“Bakit? Dahil ba sakin?” anito. “Ang kapal rin talaga nang lalaking ito, hindi pa rin nagbabago hambog pa rin ito.”
“Hindi at bakit naman aber?”
“Oh c’mon mylove.” Napasinghap siya nang muling marinig ang ginamit nitong endearment sa kanya. “ Pwede bang wag mo nang idamay ang kawawang matanda. Umaasa iyon na dadalo ka. Wag mo naman sanang paghintayin sa wala si lola.”
“Kaya nga ipinapasabi ko na sayo diba? Para hindi na siya maghintay pa.”
“Bakit nga hindi ka makakapunta? Give me a valid reason.”
“May importanting kameeting ako at pupuntahan.” Aniyang sinabi lamang niya iyon upang maging alibi.
“Sino at saan?” aba’t ang damuhong ito akala mo kung sino
“Wala ka nangpaki-alam kung sino at saan man akong lupalop magpunta.” Aniyang binigyan nang matalim na tingin ang lalaki na tila baliwala naman rito. Humakbang ito palapit sa kanya kaya napatayo siya sa kanyang kinauupoan pero patuloy lang ito sa paglapit sa kanya hanggang wala na siyang mapuntahan kundi ang mapasandal na lang sa tiles nang lababo.
“Diyan ka lang.”sigaw niya na iniharang pa ang kamay sa pagitan nila. “bakit ka ba lapit-nang lapit ha?”
“Wala lang gusto ko lang.” anito sa nakakalukong ngiti na naman ito. “Wala ka nang pakialam kung ano man ang gustong kong gawin.”
“That’s my line.. kaya pwede ba umalis ka na lang.”
“Hindi pwede.”
“At bakit naman? This is my house at pwede kitang kasuhan nang trespassing at kung sumigaw ako rito nang Rapist at hinaharass mo ako.”
“Do you think may maniniwala sayo na sa mukha kong ito rapist at hinaharass kita? Baka nga isipin nilang gusto mo lang akong pikotin eh.” Nakangising nitong turan sa kanya. “And I doubt if kaya mo nga akong ipakulong.”
“Hoy ang kapal talaga nang mukha mo at bakit ko naman gagawin yon ha aber? At kayang-kaya kitang ipakulong noh.”
“Hindi mo gagawin yon.” Anitong lumapit pa sa kanya at inilapit pa ang mukha sakanya. Nagpakatatag siya.
“A-at bakit naman aber?”
“Because you love me very much.” Pilit niyang kinakalma ang sarili, at kunwang humalakhak nang nakakainsulto pero hindi yon sapat upang mapagtakpan ang katotohanan.
“Hindi kita mahal noh. Noon iyon but nagkamali ako akala ko lang love but hindi naman pala dahil madali lang kitang nakalimuta.”
“Talaga?” Tanong nitong tila nanunudyong lalo pang inilapit ang mukha sa kanya at hahalikan siya. Goshy baka pag dumampi ang kanyang mga labi sakin makalimutan at bawiin ko ang mga sinabi ko.
“Teka-teka..aniyang pilit na itinutulak ito palayo sa kanya pero halos wala na siyang lakas kaya hindi man lang ito natinag sa kanyang pagtulak. “Ano bang rpoblema mo” aniyang nagnhihina na ang mga tuhod. Suko na siya sa lalaking ito sa asaran. “Oo na panalo ka na…Hindi pa ba sapat na nasaktan na ako at alam mong ikaw ang dahilan noon. Kaya please tumigil kana. Dahil baka sa susunod magpakamatay na lang ako nang dahil sayo.”
“First ikaw ang malaking problema ko.” Anito at napatitig naman siya sa lalaki. “second hindi ka pwede magpakamatay.”
“At ano naman ang problema mo sakin at pati ang pagpapakamatay ko papakialaman mo at saka hindi naman ako siraulo para gawin talaga yon noh.”
“Malay ko ba sa sobrang pagmamahal mo sakin eh gawin mo nga iyon eh di lalong itinakwil ako ni lola. Mula nga nang umalis ka pinalayas ako ni lola sa bahay at ang sabi niya wag na wag raw akong babalik pag hindi kita kasama at wala raw akong manang makukuha sa kanya. “So yon lang pala iyon, kaya ito nandito dahil sa banta nang matanda.
“So kaya nga nandito ka? Dahil itinakwil ka ni lola at dahil sa mana?”
“Oo may iba pa bang rason?” anitong tila manhid at painosenti pang tanong. Pukpokin kaya niya ito nang nakitang bote nang softdrinks, siguradong tulog ito.
“Okay sige na umuwi kana ako nang bahalang kumausap kay lola at dadalo na rin ako sa party niya para matigil na kayo.” Aniyang sumusokong sabi niya sa lalaki. Wala na talaga eh. Ganito na lang siguro ang papel nya sa buhay kung baga talonan. Dahil medyo maluwang na ang pagitan nila nang lalaki madali na siyang nakalusot roon upang makalyo rito.
“Sige na umuwi kana bukas ko na lang kakausapin si lola.” Pero hindi ito tuminag sa kinatatayoan na para bang ang lalim nang iniisip kahit na nakatingin ito sa kanya. Baka naman gusto nitong makikain, baka gutom ito o kaya masakit ang tiyan sa sobrang ininum nitong tubig kanina.
“Okay ka lang ba?” nagugutom ka siguro, hayan mo ipagluluto muna kita bago ka umuwi, aniyang inabala ang sarili sa paghahanda nang ipapakain sa lalaki. Hindi nga naman nito kasalanan na hindi siya nito kayang mahalin at kung totosin ito ang agrabyado dahil mawawalan ito nang mana dahil lang hindi siya nito kayang mahalin. Napabuntonghininga na naman siya.
“I love you.” Ano kamo? Nabibinge na yata talaga siya. Ahmm baka gutom na ito at nagrereklamo na.
“Ah sandali alam kong gutom kana, ito na nga’t minamadali ko na.” aniyang sa sobrang kakamadali sa pagluluto hindi na niya alam kung ano ang mga pinagdadampot. At wala pa sa loob nang paghihiwain nang kutsilyo ang kawawang patatas na ihahalo sana niya sa pinapainit na sabaw nang baka. “Outch!” aniya dahil hindi niya namalayang nasugatan na pala siya sa paghihiwa nang patatas. Agad naman lumapit sa kanya ang lalaki.
“Bitiwan mo na kasi iyan.” Anitong kinuha sa kamay niya ang kutsilyo at inilagay sa lababo pinatay na rin nito ang kalan at ang pinapainit sana niya.
“Teka diba gutom ka?” Natatarantang tanong niya rito.
“I didn’t say I’m starving…ang sabi ko sayo kanina Mahal kita. In english I love you at sa Bikol padaba taka.” Hah? Ano bang pinagsasabi nito. Baka naman nagh-hallucinate na siya. Ipinilig pa niya ang ulo upang makapag-isip nang matino. At nang muling tingnan ang lalaking nasa kanyang harapan ay nakita niya sa mga mata nito ang katotohanan sa kanyang mga narinig.
“No-no-no. nag iimagine lang ako.” Aniyang medyo lumayo rito but maagap nitong nahawakan ang kanyang braso at Hinalikan siya nito nang buong pagmamahal. Pagkatapos nang mga halik nito buong pagmamahal rin siya nitong pinagmasdan.
“Now..tell me that you’r dreaming?” anito sa kanya at kinurot pa siya sa pisnge.
“Aray.. ..why did you do that?” napipikon niyang tanong sa lalaki.
“Eh kasi kung anu-ano pang pinagsasabi mo riyang naghahalucinate ka lang kamo.”
“Oo na narinig ko na. pero baka ikaw naman ang may lagnat lang at kaya kung anu-ano ang pinagsasabi mo riyan.” At sinalat ang noo nito pero Normal naman ito..no-no-no siya lang talaga ang hindi normal dahil para na siyang tanga kahit alam naman niyang narinig niyang malinaw ang sinabi nang lalaki.
“Eh tama bang narinig kong gusto mo ako?”
“No…” sabi nito
“See?” iritadong sabi niya na halos hambalosin niya ang lalaki nang kung anong pwedeng ipanghambalos rito.
“Because I didn’t say I like you…I said earlier that I Love you..magkaiba yon.” Oo nga naman magkaiba yon..hay bakit ba ang tanga talaga niya hindi niya alam ang pagkakaiba nang like sa love. Nang maintindihan ang sinabi nang lalaki para naman siyang nawalan nang dilang hindi na makapagsalita. At nagulat pa ang lalaki nang biglang magpapalahaw siya nang iyak. Natatarantang pinatitigil siya nito.
“Hey why are you crying? Hindi mo na ba ako mahal kaya ka umiiyak?”
“No..” aniyang tumigil na sa pagpalahaw but tumutulo pa rin ang luha sa sobrang saya.
“Then why ka nga umiiyak. Would you please stop that, baka isipin nang mga kapit bahay mo kung ano ang ginagawa ko sayo.”
“Eh bakit ba iniisip mo pa ang ibang tao?” aniyang sinumbatan ito sa sinabi
“Okay stop crying…dahil-dahil ayaw kong nakikita kang umiiyak dahil pakiramdam ko nadudurog ang puso ko.” Napatigil naman tuloy ang kanyang pagluha dahil na rin siguro sa narinig mula rito. Oo naniniwala na siya na mahal nga siya talaga nito dahil nakikita niya sa mga mata nang lalaki..Naiintindihan na niya ang ibig sabihin nag damdaming hindi niya dati maipaliwanag na nababasa sa mga mata nito. IT’S LOVE. He loves me From the start.
“Wait paano na pala yong mistisang bangos?” Tanong niya rito.
“Nagselos ka talaga nang husto sa kanya ha?” tudyo nito sa kanya but bago pa man niya ito mabugbog nagsalita uli ito. “Before pa nang makita mo kami sa restaurant wala na kami actualy bago mo pa nga lang ako mabuhosan nang juice mo sa mall.” Napatawa siya nang malakas nang maalala ang nagyari. “Hey pinagtatawanan mo ako eh ikaw ang may kasalanan noon.”
“Eh nakakatawa kasi talaga ang itsura mo noon. Anyway so continue?”
“Yon na nga so yong sa restaurant nga nagkita lang kami non as a friend at may pinagsamahan nga naman kami kaya pumayag ako sa invitation nya then nangkamali pala ako dahil inakala niyang may pag-asa pang magkabalikan kami yon na nga nang magpunta siya sa bahay.”
“bakit ngayon ka lang pumunta rito?
“Eh kasi po nagkaproblema sa Company at ngayon ko lang naayos ang oras ko kung hindi pa ako pinilit at binantaan nga ni lola.”
“So dahil nga lang kay lola kaya ka nandito?” Nagtatampong tanong niya
“Hindi dahil miss na kita at totoong mahal kita simula pa nang araw na magkita tayong muli sa Bahay nyo sa bicol. At para matigil kana sa pagdududa po Binantaan ako ni Lolang Ipapakasal ka kay Rocky at ang loko-loko willing naman daw siya kaya ito nataranta akong pumunta rito.” Natouch naman agad siya sa kwenento nito totoo ngang mahal siya nito dahil hindi ito mag-aabalang pumunta rito kung hindi ito natakot na gawin nga ni Lola ang sinabi nito.
“Okay naniniwala na nga ako..alam ko namang mahal mo talaga ako ayaw mo lang umamin.”aniyang kinindatan pa ito. Tatawatawang niyakap uli siya nito. Then Hardy kiss her once again but for no ending kisses, dahil alam niyang habang-buhay nilang pagsasalohan ang pagmamahalang iyon. Sa wakas nagkaroon nang ending ang kanyang storya….
WAKAS
FRIAH ANNE TALDE
Posted by friah anne at 2:00 AM 0 comments
Subscribe to:
Comments (Atom)



