BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS »

Popular Posts

May 16, 2011

"I love you Ms. white lady"


I LOVE YOU MISS WHITE LADY
By; Friah Anne

CHAPTER ONE

TUMATAKBO siya palayo sa mga lalaking humahabol sa kanya. Nasa isang masukal na kagubatan si Nicole. Mabuti na lamang at mataas ang mga damo at medyo my kaliitan siya. May sumigaw na lalaki Subalit hindi niya maintindihan ang isinisigaw nito, ang tanging naintindihan niya ay ang sinabi nitong bosing. Sa sobrang takot dumapa na lamang siya sa damo upang magkubli, hindi na siya halos humihinga, tanging hininga at tibok ng kanyang puso ang naririnig niya. Nang biglang my humablot sa kanya, ipinikit na lamang niya ang kanyang mga mata. Ah! bahala na si lord sa kanya. At hinanda ang sarili sa mga mangyayari.
“Bossing! Chickas pala ang nahuli natin” narinig niyang sabi ng lalaking my bitbit sa kanya.Nilapag siya ng lalaki sa damohan, at nang imulat niya ang mga mata upang tingnan ang mga lalaking nanghuli sa kanya. Namulatan niya ay ang sawang gumagapang papalapit sa kanya at sa takot ay napasigaw at napalukso ang dalaga sa isang lalaki. Nagtawanan ang mga ito, mukang siya pa ang pinag-tatawanan. And she thought ipapakain siya ng mga walang pusong lalaki ng buhay sa sawa. Pero nagsalita ang lalaking my karga sa kanya.
“Miss Are you alright?” Napapatitig siya sa lalaking mukang mabait naman, mapupungay ang mga mata na tila ngumingiti na iiyak, at ang mga labi nito mapupula na para bang kay sarap halikan.
“Bosing engkantada siguro iyan diba sabi ng aling Ninay nyo may mga diwata daw talagang nagbabantay dito sa gubat kaya hanggan ngayon preserbado parin ito”, sabi ng isang Lalaki.
“My God baka kung anu isipin ng mga ito sakin baka mamaya isa na akong aswang na nagpapanggap na tao at patayin ako tulad ng mga napapanuod niya sa tv.” bulong ni Nicole sa sarili.“My God help me please!”
“Shut up Andy! Masyado kayong pabaya paanong hindi nyo alam na may nakapasok dito sa loob ng hacienda natin? What if she’s hurt?”
“And you Miss intruder what are you doing here in my property? At parang custume party ang pupuntahan mo eh naliligaw ka yata? Mapag-kakamalan ka talagang diwatang naligaw sa suot mong iyan!”
“Ay! Ang mamang gwapo suplado pala.” At napatitig na naman siya sa mapupula nitong labi. Anu kaya halikan niya ito upang matigil na sa katatalak nito. Siguro napakatamis ng mga labi nito.” bulong uli ni Nicole sa sarili. At hindi nga niya napigilang ipikit ang mga mata at hinila ang leeg nito at sabay halik sa tinatawag na Bosing nang mga nakahuli sa kanya. Nang marealize ni Nicole ang ginawa wala siyang ibang gustong gawin kundi magtatakbo palayo sa grupo ng mga kalalakihan.
“Gosh anu ba yong ginawa ko?”
“Nakakahiya!” naalala pa niya ang naging reaksyon ng lalaking basta na lang niyang hinalikan, Natulala ang pobre sa pagkagulat na parang bang ito ang babae at napagsamantalahan. Siguro tama din yong ginawa niya nakatakas siya sa mga ito, mahirap na rin at baka kung anu pa ang gawin ng mga ito sa kanya, napagkamalan pa siyang diwata oh kung aswang na naliligaw. Panu nga naman eh nakasuot siyang gown na pure white, tama ang lalaki my party nga siyang pupuntahan at naligaw nga siya.
Kasalanan ito ni Carmina malalagot sakin ang baklang iyon. Kung bakit kasi iniwanan ako at papapuntahin sa kung saang party nang mag-isa. Naglakad-lakad si Nicole nang di tiyak ang patutungohan pano na ako nito malapit na magdilim ang langit. Huminto siya sa kalsada naiiyak na nanalangin na sana my mapadaang sasakyan at pasakayin siya, masakit na rin ang mga binti at paa niya sa lakad takbong ginawa niya kanina at infairness suot pa rin niya ang sapatos na de taking, three inches pa naman iyon at ngayon pa lamang niya naisipang hubarin. Madilim na at giniginaw na si Nicole sa kalsada at nakaupo na din siya doon. Bahala na kung masagasaan man siya. Gutom at takot na din ang nararamdaman niya.
“Please God help me po!” Sana naman my mapadaan na sasakyan dito, umiiyak nang usal niya sa langit. Mabuti na lamang at bilog ang buwan at napakadami ng mga bituin sa langit kaya hindi masyadong madilim naaninag pa niya ang paligid. Para namang dininig agad ng langit ang dasal niya nakarinig siya ng ugong ng papalapit na sasakyan. Wala pang minuto nakita na niya ang ilaw ng sasakyan. “Kotse iyon!” aniya, humarang siya sa kalsada. “Please stop!” She shout, paulit ulit at pinikit niya ang mga mata kung sakaling masagasaan siya ng kotse bahala na. Huminto naman ito iksaktong halos pulgada na lamang ang layo ng sasakyan sa katawan niya. Nanghihina siya ng imulat ang mga mata at napaupo siya sa kalsada sa sobrang takot.
“Miss Are you alright?” Tanong ng lalaking bumaba sa kotse at tinulongan siya nitong makatayo
“Please help me naliligaw kasi ako! Kanina pa ako dito sa daan. Thank God you came” umiiyak niyang pahayag sa lalaki ng hindi pa niya nakikita ang mukha at habang tinataas niya ang mata sa mukha nito saka lang niya nakilala ang lalaking huminto sa kanya. Yon din ang lalaking kanina ay hinalikan niya. Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Sa pinaghalo-halong damdamin nawalan ng ulirat si Nicole.
NAGISING siya sa isang kwarto na unfamiliar sa kanya. Maganda ang room at mukang pangmayaman ang kinaroroonan niya. Maya-maya may kumatok ng mahina at pumasok na sa silid. Isang matandang babae na medyo my katabaan but makikita sa mukha nito ang kabaitan, maaliwalas kasi ang itsura nito.
“Hija gising kana pala! Kumusta na ang pakiramdam mo?”
“Maayos na ang pakiramdam ko thank you po. Asan ho pala ako?” Tanong ni Nicole sa matandang babae. Naalala na niya ang mga nangyari at kung sino ang nakakita sa kanya sa daan.
“Nandito ka hija sa Hacienda Devera. Nakita ka raw ni Daniel sa daan at ang sabi mo raw bago ka mawalan ng malay eh naliligaw ka. Teka kumain ka muna at alam ko gutom ka na.”
“Salamat po” tipid niyang tugon
“Anong pangalan mo Hija?” tanong nito sa kanya.
“Nicole ho, naligaw nga ho ako kanina. Dapat po kasi eh pupunta ako sa day party sa hacienda sa Tagong gubat po eh mukang naligaw nga po ako. Iniwan po kasi ako ng kasama ko sa daan. Ang sabi eh malapit na din naman daw po iyon, sa malas po eh hindi ko nakita yong hacienda.”
“Naku hija sa kabilang hacienda pa nga iyon na dapat dadaluhan mo. Itong samin ang napuntahan mo. mabuti na lang at nakita ka uli ni Leon sa daan.” Sa sinabi ng matanda, Di napigilan ni Nicole na maalala ang nangyari. Hindi niya alam na namumula na pala ang magkabila niyang pisnge.
“Hija namumula ka! Baka my lagnat ka” At sinalat ng matanda ang noo niya.
“Don’t worry po nanay okay lang po ako.. Dala lang po ito ng mga nangyari sakin kanina.”
“Mabuti at wala naman pala siguro dala lang ng maghapon kang naligaw sa gubat kaya namumula ang balat mo.” May kumatok sa pintuan. At pinihit ang siradura na walang iba kundi ang lalaking hinding-hindi niya makakalimutan ang mukha, pagkatapos niyang pagnasaan at halikan ng walang pasintabi. Paano nya ba ito makakalimutan!
“Yaya kumusta na po ang bisita natin?” Tanong sa matandang babae na ang mata sa kanya nakatingin na para bang siya ang tinatanong..
“She’s okay na hijo. Siya kayo na muna ang mag usap at my niluluto pa ako dun sa kitchen.”
“Thank you pala sa pagtulong mo sakin. Okay na naman ako, I have to go na din kasi sobrang laki na nang abala ko dito sa inyo nakakahiya na din kasi.”
“Sorry Miss but--
“Nicole” Putol niya sa sasabihin nito para ipakilala ang sarili kasi kanina pa siya naririndi sa kakatawag nito sa kanya ng Miss.
“Okay Nicole! I can’t let you go now, Sa dis oras nang gabi masyado nang malalim ang gabi at malakas pa ang ulan sa labas and delikado na. Di ko mapapayagan na nandito ka sa poder ko ay mapahamak ka pati na ang maghahatid sayo. So if I were you, Stay here for tonight at bukas na bukas din ipapahatid kita sa driver ko.” Oo nga naman hindi na niya na-alalang gabi pa pala. Kaninang paggising kasi niya ang akala niya ay umaga na.
“I understand and thank you so much ulit, Nakakahiya man but I have no choice” Aniya na hindi makatingin ng diretso sa lalaki.
“It’s alright! Now get rest para bukas malakas kana. Alam kong napagod ka kanina sa pagkakaligaw mo at pagtakbo.” Wika nito. Pagkatapos tumalikod na’t lumabas ng pintuan.
“Hmmm suplado talaga ang lalaking yon” Nahiga na siya at sinikap nang makatulog pero maya-maya din naupo siya at sumandal sa headboard ng kama hindi siya makatulog naiisip niya ang ginawang paghalik sa lalaki, napakalambot ng mga labi nito at napakatamis. “Hay ano ka ba Nicole mahiya ka nga sa sarili mo ang landi-landi mo” Nahiga uli siya at pinilit nang makatulog.
Nagising si Nicole nang medyo mataas na ang araw. Inayos at tinupi niya ang hinigaan at humarap sa salaming nasa katabi ng kamang naroon. Maganda at mukang antique ang salamin. Sinulyapan niya ang sarili at nang makitang maayos naman ang sarili bumaba na siya para makapagpaalam na kung pwede makikiligo siya sa banyo ng mga Devera. Paglabas niya nang kwarto napansin niyang nasa pangalawang palapag pala siya at may magarang hagdan, well it’s simple but mukang mamahalin din ang materyales na ginamit dito, At ang color nitong dark brown ang lalong nagpatingkad at nagpa-mukhang pangmayaman. Naisip niyang napakaswerte ng Misis ng Leon na yon.
“Gosh bakit nga di niya naisip na kung may asawa na pala ito.” Sa sobrang gigil niya parang gusto niyang sabunotan ang sarili.
“Good morning po nanay.”
“Oh gising kana pala Hija. Halika at saluhan mo na kaming mag almusal ni Daniel dito, pababa na yon.”
“Oho salamat po” Aniya na biglang parang kinabahan ng malamang makikita uli ang lalaking hinalikan at napanaginipan niya kagabi.
“Nanay pwede ho bang maki-ligo po muna ako?” Tanong niya sa matanda?
“Sumabay ka na munang mag almusal samin bago ka maligo” Sabi ni Daniel na nasa likod na pala niya. Blangko ang expression ng mukha nito. Hay sayang ang kagwapohan nito napakasuplado, but mabait naman at matulongin sabi niya sa sariili na para bang binibigyan niya ng rason ang sarili.
“Set down Nicole and feel at home! Then after our breakfast and freshen up yourself sumabay ka na lang sakin at luluwas din naman ako ng manila ngayon.”
“Thank you!” Aba eh tatanggi pa ba siya sa grasya eh kung maligaw na naman siya.
“Saan ba ang place mo” tanong nito na nakatingin sa kanya medjo nakangiti na ito.
“Sa Makati ako. Di kaya ma out of way ka?”
“No.” Tanggi lang nitong tugon
“Oh siya kumain ka na hija” ani Aling Ninay. “Daniel mga ilang araw ka pala dun sa manila” baling nito sa lalaki.
“May be two week’s po or depende on the situation yaya medyo malaki daw ang damage ng company and maybe I have to stay there for long at uwian na lamang po muna ako dito.”
Hindi niya naiintindihan ang pinaguusapan ng mga ito kundi ang sitwasyong problema ng kompanya siguro na pag mamay-ari nito sa manila. Saan kayang kompanya ang tinutukoy nito, medyo familiar kasi siya sa mga sikat ding kompanya sa lungsod, nagtatrabaho kasi siya sa malaki at kilalang company na Advertising company, nang sikat na magazine ng mga ellit na mga tao sa industriya. At hindi pa niya nakikita ang mukha ni Daniel o maalalang nakita na niya ang mukha nito sa mga magazine na nilabas nila anyway hindi naman dun ang department nya isa siya sa mga photograper dun at kung saan saan siya pinapadala ng baklang yon kung sino ang may kasalanan kung bakit siya naligaw dito. Anyway it’s not really annoying experience naman ang makilala ang ganto kagwapong lalaki. “Magsisisi ang baklang yon at siya ang nakakilala sa gwapong ito” pilyang naisip ni Nicole.


CHAPTER TWO
NANG matapos mag almusal tumayo ang lalaki at mahinang nag excuse sa kanila ni yaya ninay na panay pa ang kwento na para bang ayaw pa siyang paalisin. Nakakatuwa ang matandang babae,it’s seem the old woman like her. Habang daan walang kibuan ang dalawa. “God bakit kaya ganto ang nararamdaman niya tuwing makakasama ang lalaking ito na halos dalawang araw pa lamang niyang nakikilala, hindi niya ma explain ang nararamdaman” kausap niya sa Sarili
“Bakit ka nga pala naligaw?” Putol ng lalaki sa katahimikan.
“Iniwan ako nang kaibigan ko, Malapit na rin daw yong hacienda na kung saan my party na eco-cover sana naming sa magazine ang lugar at ang party. Pareho pa naming hindi kabisado yong lugar nyo at may emergency kaya napagkasundoan naming iwan nya na lang ako dun at lakarin ko na lang yong hacienda” mahaba niyang paliwanag rito.
“So you are a journalist right?”
“Photograper!” She said
“Mabuti na lamang pala at walang nangyari sayong masama” Sabi nitong iiling-iling.
Naisip niya kung nagkataon nga naman siguro pinaglalamayan na siya ngayon. “Gosh!” Paano na ang pamilya ko at ang mga kapatid kong umaasa sakin ngayon kinilabutan siya sa naisip. Binuksan nito ang Radio. “What kind of music do you like”? Tanong nito sa kanya.
“Anything! Depende din sa mood”, sagot niya rito but sometimes I prefer love song dugtong niya, kahit pa nagtatanong lang ang lalaki para malaman kung ano ang ee-play sa radio, sinadya niyang dagdagan ang mga sinasabi para magkaron sila ng conversation habang nasa byahe sila para kahit pano makilala niya ito kahit pa di naman niya alam kung magkikita pa sila ng lalaki. Ikaw?”
“Me? You mean if what ang gusto ko?” Tanong nito sa kanyang may pilyong ngiti sa mga mata.
“Same!” Sabi niya, “Ikaw as in ikaw bahalang pumili ng music na papatugtogin at kaw what do you prefer in music?”
“Oh well ako anything depend on my mood but I always’s like love song too, but bihira din kasi ako makinig ng music kasi busy lagi sa business ko at sa hacienda.”
“I see, so if you don’t mind what do you deal for?” Tanong niya sa lalaki.
“My business, Inports and Export products nang mga dried fruits natin dito sa Philippines .”
“Wow bigtime ka pala! Bakit di man lang yata kita kilala I mean don’t tell me hindi man lang ba nafeature ang business nyo sa isang magazine or any publisher?”
“Maybe because, I’m not the one who assign to deal with them. But one famous magazine here in our country matagal nang Nangungulit para sa isang interview at para ilabas sa kanilang magazine, But I didn’t have enough time yet para mapagbigyan sila. Last year pa yon dahil nga lage akong nasa ibang bansa kaya hindi pa matuloy-tuloy yon.”
“I see” aniya
Siguro isa sa mga kalaban nilang kompanya ang masugid na manliligaw ni Daniel. At habang daan kung anu-ano ang napagkwentohan nila nang lalaki. Nalaman niyang wala na pala ang parent’s nito na sabay na namatay sa car accident sa L.A at ang kapatid nitong babae na ahead dito ay may asawa na at sa Los Angeles na nga din nanirahan kasama ang asawa’t anak pati na din ang kanyang lola Sa mother side.. Mabait naman talaga ito hindi nga lang talaga ito yong tipo na makwento kung hindi mo sisimulan ang usapan…namalayan na lang nila na almost 3 hour na ang nakalipas at malapit na sila sa manila kung hindi nga lang traffic pagdating sa calamba. Magpapahatid na lang siya sa Makati kung saan siya tumutuloy. Kailangan din kasi niyang pumunta agad sa office para komprontahin ang kaibigang nang-iwan sa kanya at magreport na rin para malaman din kung anu ang nangyari sa party kung natuloy ba ito.
“Thank you so much Daniel.”
“It’s okay, anyway you just always’s take care youself okay! Sana hindi ka na maligaw lalo na sa ibang lugar, mahirap na!” Nakangiti nitong paalala.
“Hay nakakaloka talaga ang ngiti nito at ang labi nito para tuloy gusto niyang halikan muna ito bago siya bumaba nag sasakyan.”
“Dumalaw ka minsan kay yaya, Sabik yon kasi sa babaeng anak. Hindi kasi pinalad na magka anak kaya nga ako ang tinuring na anak nun.” Ani Daniel
“Oo, pag may time ako. Promise yon.” Aniya.

Pagbukas niya nang pintuan nagtaka siya kung panong hindi yon nakalock. “My God Ate where have you been? Are you alright?” Ang kapatid niya na kahit nag aalala ay napaka arte nang pagsasalita.
“I’m okay pano mo nalaman? She Ask her, but naisip na rin niyang walang iba kundi sa kaibigang bakla.”
“Sakin friend” sabi ni Carmina na lumapit sa kanya na umiiyak. “I’m really really sorry friend, I didn’t expect that! I thought you’ll be okay search-ching that hacienda” sumisigok na turan nito.
“It’s okay I know na hindi mo naman yon ginusto sometimes it’s happen friend.” niyakap niya ito para mawala na ang guilt na nararamdaman nito.
“What happen?” Tanong nito sa kanya.
“Yon muntik na akong mamatay dahil napagkamalan akong hayop nang mga hunter buti na lang at sa awa ng diyos wala namang nangyaring masama sakin.” At may tumulong sakin at pinatuloy sa bahay nila” Kwento niya na hindi na idinitalye ang mga nangyari.
“Eh bakit parang hindi naman masama ang naransan mo at mukang may star pa ang mga mata mo. kahit mukang puyat at wala kang tulog?” Tanong ng kapatid na si Rhiana.
“Oo nga friend bakit huh susog nang kaibigang bakla na parang sinusuri pa ang mukha at katawan niya”.
“Anu ba kayo kung anu-ano ang naiisip nyo baka naman natural lang ang ganda nang mga mata ko” sabi niya sa mga ito na wala pang balak magkwento sa ngayon. Tumigil na nga kayo sabi niya na diridiritso sa kusina at naghanap ng makakain nagutom uli siya sa mga tanong ng kapatid at kaibigan.
“Well it’s not really bad naman talaga kasi nga may tumulong sakin, napunta ako sa katabing hacienda nang dapat na pupuntahan natin” sabi niya kay carmina.
“Ano na nga pala ang nangyari doon?”
“Hindi na nakarating ang mga bisita nang matandang lalaki.”
“Eh sang hacienda ka ba napadpad ha?
“Hacienda na pag mamay- ari nang mga Devera. Maganda at malaki, Iyong may ari ang naghatid sakin kanina.”
“Cute ba?” Sabay pang tanong nang dalawa sa kanya.
“Oo may itsura siya, nung una akala ko suplado but mabait naman pala,” at masarap humalik dugtong ni Renna sa isip lamang niya. Sana nga magkita pa sila nitong muli.
“Anyway take a rest and nap,” Ani Carmina. Tumayo na ito at nagbeso-beso sa kanilang dalawang mag-kapatid.
“Ate Carmina pwede bang sumabay sayo sa SM mall may kelangan lang akong bilhin, mukang okay naman si ate rito eh” sabi nang kapatid niya.
“Oh sya-sya halika na’t hihahatid na kita. If I know may date ka lang noh”Sabi nang kaibigan niya na pumipilantik pa ang mga daliri.
“Oh pano friend okay ka na ba?” Tanong pa rin nito sa kanya.
“Yeah relax! I’m okay naman. Sige umalis na kayo at matutulog muna ako bukas na lang ako magrereport.”
“Okay no problem friend” See you tomorrow…mwauh
Pagkaalis nang dalawa dumiritso siya sa kwaro niya parang wala siyang ibang gustong gawin kundi ang mahiga but hindi naman siya inaantok. Tiningnan niya ang orasan sa bedside table niya alas singko y medya na pala nang hapon, hay para siyang naengkanto hindi makatkat sa isipan niya ang lalaking yon. bakit ba simula nang Makita niya ito hindi na niya maipaliwanag ang nararamdaman. “Nicole wag ka ngang ilusyonada hindi mo nga alam kong may gusto rin sayo ang lalaking yon noh! at kung hinalikan ka man niya dala lang yon nang sitwasyon, malandi ka kasi” Saway niya sa sarili “At for sure hindi na rin naman kayo magkikita nun...mabuti pang matulog ka na lang at nang makapagpahinga para paggising mo bukas wala na yang nararamdaman mo.”
Nagising siya nang ingay nang cellphone niya. “Sino kaya itong istorbo sa masarap niyang pagtulog” Nasulyapan niya ang oras Its almost eleven o’clock na nang gabi. Mahaba din pala ang tulog niya.
“Yes hello who’s this please?” Hindi kasi niya kilala ang nakaregister na number nang tumawag.
“Naistorbo ko ba ang tulog mo?”
“Yes you do kung di ba naman tumawag ka nang sa kasarapan ng tulog ko, ang ganda pa naman nang panaginip ko ginising mo ako.”
“ Sana kasama ako sa panaginip mo honey” Sabi nang nasa kabilang linya…….
“Daniel it’s that you?”
“Yes it’s me! I’am so sorry for disturbing you. Just checking if okay kana”
“No, I mean I’am okay. Ikaw naman kasi hindi ka agad nagpakilala, asan ka ngayon?”
“May condo ako dito sa Ayala”
“Anyway can I invite you for a dinner?” tanong nito sa kanya
“Yes sure mabilis niyang sagot rito”, Anu ka ba Nicole akala ko ba gusto mong magpakipot nang kahit konti eh sing bilis nang kidlat ang sagot mo ah. Bulong niya sa sarili.
“So I pick you up there at six pm sa unit mo or sa office?”
“Dito na lang sa unit ko” Para makapag freshen up naman ako.
“Okay honey! Goodnight”…..
“Honey? Panaginip ba ito? Og goshy!”
“Goodnight too” Hay grabe kinikilig talaga ako para akong teen-ager na ngayon lang nayakag nang date. Eh anu naman kung ganon kagwapo naman talaga ang naginvite sinong sira-ulo ang tatanggi. Yakap pa niya ang phone habang nakahiga.

CHAPTER THREE

NANGINGITI si Daniel pag naalala ang babae. For a long time ngayon niya lang uli naramdaman ang gantong damdamin, simula nang halikan siya nang babae hindi na niya maipaliwanag ang nadarama, lalo nang Makita niya uli ito na nasa gitna nang kadiliman nang kalsada at naliligaw. Nang iuwi niya ito sa bahay sobra ang pagpigil niyang ginawa upang hindi ito halikan habang tulog na tulog ito, sobrang pag-aalala din siya sa babaeng hindi naman niya pa kilala. Sa ngayon ayaw niya munang isipin ang panganib na dala nang nagsisimula niyang damdamin. Ang nakaraan ay nakaraan at iba si Nicole. Pinilit na lamang ni Daniel na makatulog upang iwasan ang negative na isipin.
Samantala si Nicole umaga pa lang iniisip na niya kung anu ang dapat na isuot mamayang paglabas nila ni Daniel of course lahat nang babae ay ganito, but she have to be simple para hindi naman magmukang trying hard. Nasa office siya at halos wala naman siyang ginawa naupo lang siya simula pagdating niya at nagmuni-muni. May biglang pumasok sa pintuan at sinira ang pagiisip niya.
“Hoy! Bakit ba simula nang dumating ka parang lage kang nae-engkanto?” oh my Gosh Hindi kaya naengkanto talaga ang kaibigan ko” saad nito nang hindi man lang niya pinatulan ang pagtatalak nito sa kanya…
“Help Help Alex” tawag nito sa assistant.
“May sunog! Asan-asan?” Sabi nang pobre na humahangos galing sa labas nang office niya.”
“Jesus Christ ang kaibigan ko simula nang maligaw sa haciendang yon eh naengkanto yata” Sabi nitong sa kanya nakatingin na para bang sinusuri siya. Tinitingnan lang niya ang dalawang parang natitilihan at hindi malaman ang gagawin sa kanya.
“Pwede ba magsitigil nga kayo jan! Anong pinagsasabi ninyong na-engkanto? Kayo talaga puro kayo kalokohan.”
“Eh bakit nga kasi lage kang tulala ha at parang sa kalawakan ang tingin mo my darling” sabi ni Carmina na naupo sa harap nang table niya.
“Oo nga Nicole kanina ko pa napapansin simula kaninang umagang pagdating mo, para bang ang layo nang tingin mo at minsan tumatawa kang mag-isa.”
“Oh see my darling tell me may problema ka ba or what happen ba talaga sayo ha? I know, may kinalaman ito dun sa haciendang yon. Kung hindi engkanto baka yong owner am’I right Nicole Andrea Ladra?” Saad nito sa kanya na nakadilat pa ang mga malalaking mata para lamang siya magsalita.
“Okay iikwekwento ko na nga! para matigil ka na” Ikwenento niya ang lahat rito
“So that’s why ka nagkakaganyan?” In-love ka! sus mejo akala ko naman kung napapano ka nang bruha ka…at ang problema mo kamo kung anu ang isusuot mo mamaya sa date nyo, bakit kaya hindi ka muna pumunta sa parlor at magpakalbo ang haba kasi nang hair mo darling.” bahala ka nang mag-isip kayang kaya mo yan ikaw pa eh diba lakas nga nang sense of fashion mo? At ako may date din sa office ko. Anyway nacontact ko na pala yong matagal na nating prospect na interviewin pumayag na at ang gustong mag interview ay ikaw. It’s a big break darling so dapat be ready okay ayaw kong mai-engkanto ka sa oras na yon okay?
“Yes ma’am” aniya dito. Kahit kaibigan niya ito istrikto pa rin ito pag dating sa work at ito pa rin ang boss. Lumalabas ang pagiging lalaki nito pag dating sa trabaho…”but malambing at matulonging kaibigan ito sa oras ng kagipitan. Anyway why should I be worry on this date, di nya nga alam kong isa lang itong friendly date. Hay naloloka ako pagdating sa lalaking yon ano bang pinakain nang lalaking yon sakin?”
“Are you alright?” nasa loob na pala ang assistant niya at nasa harap niya…
“Yes don’t worry about me, Ano nga pala kelangan mo?” Tanong niya dito na di na lang pinansin ang nagtatakang mukha nito.
“Wala naman po inform ko lang po kayo na luch time na po…maglunch na po muna tayo, I think kailangan nyo na din pong kumain mukang madami po kayong inisip eh”
“Oo tama ka nga Alex I have to eat na nga din muna. Si Carmina pakitawagan na sabay-sabay na tayong magluch kamo. Kung wala siyang commentment this lunch time ha? Thank’s!”
“Sure”. At nauna na itong lumabas nang pituan. Aayosin nya muna itong mga papel na hindi naman niya halos nagalaw..
IT’S almost time at tapos na siyang maligo but hindi nya pa rin alam ang kung anong damit ang isusuot, if black dress na hindi nya pa naisusuot. Binili niya lang yon nang wala siyang magawa at magwi-window shopping lang sana . Then itong isang dress na dark blue at medjo backless but hindi naman masyadong vulgar ito. Nagdecide siyang iyon na lamang ang isuot.
“Ate nanjan na ang sundo mo” ani Rhiana na pumasok sa pintuan at lumapit sa kanya.
“Wow you’re so beautiful my dear sister at infairness ang gwapo pala talaga nang Daniel na yon huh! Sige na’t babain mo na ang mamang gwapo kundi ako ang bababa at makikipagdate sa jowa mong yon” sabay labas nito sa pintuan. Medyo kinakabahan siya nang bumaba buti na lang at pagdating sa pananamit ay my confident siya alam niya ang bagay at hindi sa kanya. Nakaupo si Daniel sa sofa nang madatnan niya sa baba, tumayo ito nang Makita siya, Alam niyang nagustohan nito ang itsura niya base sa nakikita niya sa mga mata nito.
“Hi! I’m sorry kung naghintay ka.”
“Just a while ago, you are so beautiful!” anas nito.
“Thank you, ikaw din sabi niya.” Totoong napakagwapo nito sa suot nitong sime-formal na long sleve na black at tinupi nito nang kunti at naka pantalon lang ito nang maong. Semi-formal na bumagay talaga rito, hindi nga nagmukhang semi lang. Nagulat siya sa ganda nang taste at tindig nang binata.
“Shall we?” pukaw nito sa kanya. Namula ang mga pisnge niya sa hindi naitagong paghanga sa lalaki.
“Sure.”
Inalalayan siya nito sa siko habang papalapit sa kotseng dala nito. Pinagbuksan muna siya nito nang pintuan at saka umikot sa kabilang pintuan nang sasakyan nito.
“Saan nga pala tayo?” aniya
“Dadalhin kita sa favorate resto ko medyo may kalayoan but sulit talaga ang pagkain nila dun.
“Okay kaw ang bahala.”
“For sure you will like it too, My grand parents first date and my parent’s dun din at Our first date too.” sabi nitong sabay kindat sa kanya. Pakiramdam niya pinamulahan siya ng mukha sa ginawi nito. Para talaga siyang teen-ager na kinikilig. Almost one hour din ang biniyahe nila bago nila narating ang tagong resto sa malapit nang san pedro laguna para iyong garden resto na may mga nipa at iyon ang nagsisilbing cottage at table, may ilang cottage lamang iyon at pabilog ang design niyon kung titingnan mula sa itaas at sa gitna niyon may parang munting stage para siguro sa mga magsing-irog na gustong magsayaw doon.. Napakaganda talaga para iyong tagong paraiso na may matatanaw pang falls sa katabi nito at iyon ang nagsisilbing palamig sa paligid, hindi niya alam kung natural or man made na lamang iyon sa sobrang perfect nang dating nang falls medyo hindi rin naman kasi iyon kalakihan at sa baba nang falls ang parang bilog na lawa na hindi niya Makita kung san napupunta ang tubig na inagos from head.
“Yes it’s a partly man made but yong mini falls ay totoo inayos na lamang ang paligid nito para hindi makalat ang daloy nang tubig” paliwanag nito sa kanya na wari’y nabasa ang nasa isipan niya
“Bakit walang tao yata ngayon?” Tanong niya rito na parang nahuhulaan na niya ang dahilan.
“Pinareserve ko talaga ito para sating dalawa, Ang narito kasama lang natin ay ang chief at waitresses” ani Daniel. May pinindot ito sa gilid nang cottage, At may nagmamadaling lumapit.
“Siya ang magaling na chief naming dito, si Mr.Roland”
“Roland, Siya si Nicole”
“Hello Ms. Nicole, I hope you enjoy our menu here” Ang ganda naman po pala ni Ma’am bosing” sabi pa nang chief na mukang mabait at napansin niyang malapit ito kay Daniel.
“Bagay ba kami? Tanong naman ni daniel dito”?
“Oho sir bagay na bagay po kayo siguradong magaganda at gwapo din ang magigigng anak po ninyo” sabi pa nito. Namumula ang mukha niya nang tingnan siya nang lalaki na parang nanunudyo pa ang mga mata nito. Napakadami nang inihandang pagkain sa table nila,
“Mauubos ba natin ito tanong niya sa lalaki.”
“Oo naman malakas yata akong kumain at dapat maubos natin ito.”
“Ha eh parang handaan sa fiesta ito eh panu naman natin ito mauubos?”
“May desert pa nga eh after, sabi nito. Relax kaya nating maubos yan, or ipapatake out na lang natin ang matitira, Shall we eat?” yaya nito sa kanya
“Sure!”
“Dapat marami ang kinakain mo para naman magkalaman-laman ka para ka nang buto’t balat sa katawan mo at para hindi ka madaling dapuan nang sakit.” mahabang litanya nito sa kanya na para bang tatlong tao ang kakain sa nilagay nito sa plate niya. After nga nila kumain at nang desert na pinahanda nito sa kanila na hindi talaga nila naubos,nagpadala naman ito nang red wine para daw matunaw ang mga kinain nila,at habang naglalagay ito nang wine sa glass niya nag senyas ito sa naghihintay lang nang utos sa crew upang ihanda ang music.
“Can I have you a dance” tanong nito sa kanya na tumayo at nilahad ang kamay sa kanya” Hindi siya umimik at hinayaan na lang niya ang binata na igaya siya sa pinakagitna nang lugar, napakagandang pagmasdan ang munting paraisong yon. Para siyang inululutang sa ulap habang sinasabayan ang tugtog, sweet dance ang sinasayaw nila kung yon ang tawag dito, halos yakap na siya nang lalaki sa pagkakalapit nang mga katawan nila at hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya nang mga oras na iyon. Bago iyon sa kanya but nagugustohan niya ang pakiramdam na yon. Isinandig niya ang mukha sa dibdib nito upang mas lalong namnamin ang mga sandal. Hindi niya alam kung gano sila katagal sa pagsasayaw at kahit hindi naguusap parang naguusap naman ang mga puso nila.
“Are you happy tanong ni Daniel sa kanya?” Tapos na ang tugtog but hindi pa rin sila naghihiwalay.
“Yes I’am” ani Nicole at tiningala niya ang lalaking matiim ang pagkakatitig sa mukha niya, para namang may magnetong hindi niya mabawi ang pagkakatitig din dito. Maya-maya naramdaman niyang lumapat ang labi nito sa kanyang labi, soft and gentle ang halik nito tulad nang unang halik nito sa kanya na wari’y nakakapanghina at nagbibigay nang kakaibang init na hindi niya mawari kung saan nagsisimula. Nang maghiwalay ang kanilang mga labi hindi pa rin siya binitawan ng binata bagkus mas hinigpitan nito ang yakap sa kanya. Kung may unawaan na nga silang dalawa ay hindi niya mawari, ayaw naman niyang basta na lang umasa at mag jump into conclusion ayaw niyang masaktan at mapahiya kung sakali man, but ayawan may niya’y mukang yon na nga ang mangyayari dahil wala naman sinasabi ang lalaki sa kanya kung mahal siya nito, hindi sapat sa kanya ang nakikita niyang kaligayahan sa mga mata nito, gusto pa rin niyang marinig mula rito ang damdamdamin nang lalaki. Sa mga narealize nawala ang magic sa pagitan nila, ayaw niyang masira sana ang moment nila but she can’t help to think negative, iyon ang minsan panget sa character niya hindi pa man ay iniisip niyang masasaktan siya.
“What happen are you okay?” Tanong nito sa kanya. Iyon yata ang madalas na marinig niya mula rito ang pag aalala nito sa kanya, nahalata nito ang pananamlay niya.
“Ah medyo pagod na kasi siguro ako, uwi na tayo?” yaya niya rito.
“Okay uwi na tayo sabi nitong nag aalaa sa kanya” nagpaalam na ito sa mga tumatao sa lugar na yon at isinakay na siya sa sasakyan nito, Habang daan wala na siyang imik nagkunwang tulog siya upang hindi na magtanong at hindi niya Makita ang mata -nitong nag-aalala para sa kanya. Nang makauwi na sila hindi na niya niyaya pa ito sa loob nang apartment. Pagkatapos magpaalam at magpasalamat bumaba na siya. Pinilit niyang wag nang lumingon pa sa lalaki. Pipihitin na niya ang gate nang tawagin siya nito na nasa labas na rin pala nang kotse at nasa likod na niya.
“I just wanna say I’m happy and I’am the one who should thank to you for the time you spent with me tonight.”
“Ngumuti siya, It’s nothing I mean I enjoy naman sa company mo” sabi niya rito na totoo naman hindi lamang enjoyment ang nararamdaman niya pag kasama niya ito kundi para siyang nasa langit. Nahalata naman iyon ni Daniel na parang napilitan lamang ngumiti ang babae, siguro hindi nito nagustohan ang ginawa niyang paghalik baka iniisip nitong masyado siyang pangahas.
“Sorry kanina…… baka inisip mong masyado akong pangahas.”
“It’s okay it just a kiss no harm done” Putol niya rito para hindi nito isiping masyado siyang easy to get at ayaw din niyang isipin nito nang tuloyang gusto niya ito kahit pa iyon ang totoo.
Na miss-interpret naman nang lalaki, Inisip nitong baliwala lamang ang mga nangyari sa kanilang dalawa. “No! Hindi ko dapat isipin yon sa pagkakakila niya sa babae kahit sa maikling panahon hindi ito ang tipo nang ganong babae, maybe napagod lang ito medyo malayo din kasi ang biniyahe nila kanina.” Siya na ang nagbukas nang gate at pagkatapos magpaalam at mag-goodnight umalis na rin siya. Parang may mali unang date pa naman nila nang babae. Sinisi niya ang sarili kung bakit naman kasi hindi niya mapigilang halikan ito para siyang addict sa mga labi nito simula nang Makita niya ito sa hacienda at halikan siya ni Nicole.
CHAPTER FOUR

NASA kama na siya sa condo niya sa ayala but hindi pa rin siya dalawin nang antok nasa isip pa rin niya ang babae. Ito lamang ang nakapagparamdam sa kanya nang ganito, kahit sa una niyang karelasyon ay hindi niya naramdaman ang ganito para siyang natutuliro sa babae at gusto niyang lage itong nakikita. Now sigurado na siya sa nararamdaman mahal niya ito, umiibig siya sa babae but what if tama ang hinala niyang isa lamang ito sa mga babaeng nagpapangap at naghahangad sa pera niya, kung susumain parang masyado naming coincidence na sa hacienda niya ito naligaw at siya rin ang nakapulot nang kinagabihan. Nakatulogan na ni Daniel ang pagiisip at pati sa panginip ay kasama ang babaeng nagpapagulo nang isip at damdamin niya.
SAMANTALANG si Nicole ay hindi pa makatulog sa mga sandaling iyon halos madaling araw na but hindi pa rin siya dalawin nang antok iniisip niya ang lalaki hindi niya maintindihan kung saan nanggagaling ang nararamdaman niyang pagdadalawang isip o kung tama nga ay pagdududa o baka’y sa kanya ang may mali nang dahil sa mga nangyari sa kanyang buhay two year’s ago, malaki ang nagbago sa kanyang pagkatao at pag-uugali hindi man niya aminin sa mga nakapaligid sa kanya but she know nagiging bitter na ang kanyang ugali but hindi naman siya masama it just that nawala ang tiwala niya sa mga tao kahit ang mismong kaibigan at kapamilya ay hirap na siyang ibigay ang buong pagtitiwala nahihirapan na rin siya sa kanyang nararamdaman but hindi niya maalis ang sakit na iyon ang pagiging walang tiwala sa mga tao at siguro pati na rin sa kanyang sarili at unti-unting nanariwa sa kanya ang nakaraan.
Second year college siya nang maramdamang may kakaiba sa kanyang pamilya, hindi sakit o ano pa man iyon but kundi ang pagsisinunghaling at kung tama mang sabihin hindi niya alam but pagtratraydor nang kanyang tiyahin at mga pinsan kung nagkakamali man siya ay hindi rin niya sigurado but yon ang kanyang nararamdaman. Nagsimula iyon nang malaman ang kanyang ama na nasa ibang bansa ay nag-invest nang malaking pera sa kanyang tiyahin na asawa nang kanyang tito na sumalangit nawa at kapatid nang kanyang ama at ang investment na yon ay inilihim sa kanya nang ama at nang tiyohin at asawa nito at kung hindi pa sinabi nang isa pa niyang tiyahin na si Viviana na kapatid din nang ama ay hindi pa ri niya malalaman pero nagkamali rin siya dahil may ibang intension din pala ang tiya Viana niya ang dahilan ay ang komprontahin niya ang ama at magalit sa kanyang tiyo at tiya na kung saan naginvest nang malaking halaga ang ama at simula noon nag-kalamat na ang relasyon niya sa mga ito dahil sa wala ni peso ang naibalik nang mga ito sa kanyang ama at iyon ang sobrang ikinagagalit niya dahil pinaghirapan iyon nang kanyang ama na nagtratrabaho malayo sa kanila but hindi pa roon natapos ang lahat dahil sa nag aaral sa bayan ay may roon silang tinutuluyan na apartment nang mga kapatid niya at kasama na dun ang tiya Viviana at ang mga anak nito. Maganda naman ang samahan nila nang mga pinsan at pati na rin ang tiyahin, naramdaman naman niyang tunay ang mga ipinakikita nang mga ito sa kanilang magkakapatid but nagbago ang mga iyon nang dumating sa panahon halos kokonti na lang ang naipapadala nang ama sa kanila at nang siya na ang humawak at mamahala nang buget at pera, but sakop pa rin ang mga pinsan at tiyahin wala naman siyang tutol o kung anu pa man kung pati ang mga iyon ay nakikinabang sa mga pera na dapat sana ay sa kanila lamang na magkakapatid at sa inang may sakit. Ang hindi niya matanggap ay ang malaman na sinisiraan pala siya nang tiyahin at mga pinsan sa sarili niyang ama at nalaman pa niya ito mula mismo sa sariling Ama. Doon nagsimulang humiwalay siya sa mga ito at siya pa ang naging masama sa mata nang mga ito at nang ibang tao syempre dahil na rin mga maling tsismis nang mga mismong tinatawag niyang kapamilya o kung yon nga ang maitatawag. Simula nga noon ay nagkaroon na sila nang malaking gap nang mga pinsan at tiyahin. Nanghihinayang siya sa nawalang closeness sa mga pinsan but she have to learn to stand on her own feet at dapat na siya na ang mamahala sa lahat katulong ang mga kapatid niya, at kung susumain sa magkabilang panig nang pamilya nang kanyang amat’ina ay ganuon rin ang nangyari nang dahil sa pera ay nagkaroon nang away at gap sa kanilang pamilya at simula nga noon nag kaganun na siya nawalan nang tiwala sa mga tao dahil sa kung hindi nga niya pala dapat pagkatiwalaan ang mismo niyang kapamilya ay pano pa ang ibang tao, siguro iyon na din ang nagging dahilan kung bakit pakiramdam niya ay nawala ang lahat nang kanyang kaibigan o hindi niya alam kung dahil sa wala na silang pera well hindi sila mayaman but dahil sa nagtratrabaho nga ang ama sa ibang bansa ay medyo guminhawa ang kanilang buhay but now nawalang lahat ang mga iyon kasama ang mga kaibigan at ang mga relatives, mabuti na lang nang mga oras na yon ay nakilala na niya si Carmina na siyang nagpatuloy nang pangsamantala sa kanya sa apartment nito. Habang nag-aaral pa siya na natigil din naman nang fourth year college na sana siya dahil sa sobrang mahal nang kailangan at hindi kinaya nang budget nila. But hindi iyon nagging hadlang sa mga pangarap niya habang hindi pa siya nag-aaral ay kung anu-ano ang pinasok niyang munting negosyo para makatulong sa pamilya at makaipon but sa hirap nang buhay ay wala pa rin yon napupuntahan but hindi pa rin siya nawalan nang pag-asa ipinagpatuloy niya ang pangarap kung anu ang pwedeng pagkakitaan ay ginagawa niya. Hindi na niya ipinagpatuloy yong unang course nang college siya but kumuha siya nang related sa trabaho niya sa kasalukoyan at sa pagsisikap niya ay nakuha at natupad din ang matagal nang pinapangarap na diploma. Siguro dapat na muna niyang hayaan sa ngayon ang mga mangyayari tulad nang laging ginagawa niya ay hinahayaan niya ang panahon na sumagot sa lahat nag mga tanong niya at problema ipagpapatuloy pa rin niya kung ano man ang kanyang naayos na buhay. Kung para sa kanya nga ang lalaking yon ay masasagot nang paghihintay sa tamang panahon. Bumangon siya at gumawa nang gatas na maiinum kelangan niya iyon upang makatulog siya iyon ang kanyang ginagawa at gamot sa kanyang insomnia dahil siguro sa hilig niyang magbasa nang kung anu-ano nang bata pa at matulog nang hating-gabi na kaya siya nagkaroon nang ganun idagdag pang nang college siya ay na addict siya sa pag-inum nang kape but sa ngayon hindi pa rin maiwasang kung minsan ay umiinum pa rin siya nang kape pag umaga para maging active ang kanyang memory. Habang iniinum ang gatas na tinimpla ay bumalik na siya sa kanyang kwarto, At ilang sandali nga’t nakatulog na si Nicole pagkatapos inumin ang isang basong gatas.

MAAGANG nagising si Nicole kahit na kulang sa tulog. Nagluto siya nang pang breakfast at pag katapos kumain ay naligo. Maaga rin siyang pupunta sa opisina niya upang kunin na ang kanyang bagong assignment. Iniwan niyang natutulog pa ang kapatid at tinakpan na lang muna niya ang pagkain para dito, tulog na tulog pa ito nang silipin niya sa kwarto nito siguro ay wala itog pasok dahil maaga naman itong magising kung may pasok ito sa school. Nasa ika-apat na taon na rin ito sa kolehiyo at malapit na rin magtapos.
“Oh darling you are so early naman mabuti na nga lang din at maaga din ako ngayon kung nagkataon ay ilang oras ka din maghihintay sakin” ani Carmina na pagka aga-aga’y nakapusturang-postura ito.
“Saan ba lakad mo at mukang ayos na ayos ka ha?” Tanong niya rito
“Well I have breakfast meeting with our very important client at ang aga nang available time nito that’s why I have to wake up early at kaw naman you have to be ready dahil isasama kita sa meeting ko dahil siya ang i-aasign ko sayo.”
“Siya ba yong sinasabi mong mailap na prospect natin para sa isang cover at story na gagawin natin?” nagulat man ay ready naman siya
“Yes, yes darling so are you ready?”
“Yes ma’am” pilya niyang sagot rito
“Aha I like that!” Tumawa ito nang malakas.
“Anyway nagbreakfast ka naba? Dahil kung oo ay mapapasubo ang tiyan mong manipis because we need to have breakfast again with Mr. Daniel Leonard Devera hindi naman natin dapat ipahiya ang gwapo. Iyon daw ang way of apologizing niya dahil now lang daw siya nagka-oras with us. Mabait naman pala siya. Nang una I thought suplado kaya hindi tayo ini-intertain but nag-explain siya at mukang honest naman ang mamang gwapo.”
“Talaga? Kung ganun ay hindi naman pala ako mahihirapan na pakisamahan siya kung kelangan na stay in with him ang magiging situation nang assignment niya. Sa isang sikat na hotel sila tumuloy kung saan may isang private room na kainan or restaurant. Mukhang importante ngang tao ang makakatrabaho niya.
“Carm’s baka pwede munang pumunta ako sa wash room” Paalam niya rito.
“Okay basta dalian mo lang ha.”
“Okay thank’s” at dali dali na siyang lumabas nang kwarto. Nagtanong siya sa isang tauhan nang hotel na yon kung saan ang wash room at itinuro naman niyon na nasa dulo lamang nang pasilyo sa floor na yon. Nagretouch muna siya nang make up niya at naglagay na din nang konting face powder para naman di siya mukang nag oily face.
SA kabilang dulo nang pasilyo nandoon naman si Daniel at may iniiwasang makulit na babae. Si Melissa ang babaeng mukang binabae sa sobrang kapal nang make up nito sa mukha, masyadong malaki ang tiwala nito sa sarili kaya kung anu-ano ang iniisip at inisip nitong may gusto siya rito nang dahil sa isang gabing lasing na lasing siya noon at sinamantala nang babae ang kalasingan niya. Dinala siya nito sa kaniyang tinutuloyan. Isa itong deborsyada at kaya iniwan nang asawa dahil sa ugaling kung kani-kanino pumapatol ang babae. Naiinis na siya at hindi niya alam kung pano makakatakas sa makulit na babae. Nagmamadali pa naman siya dahil may ka meeting siya at ilang minuto na din siyang late iyon pa naman ang ayaw na ayaw niya tapos ito siya ang late sa meeting. Sa pagiisip niya nabigla tuloy siya nang biglang yumakap ito at paghahalikan siya. Nataranta siya na baka kung may makakita sa kanya doon. Kilala pa naman siya sa gusaling ito. Nang akmang ilalayo niya ito sa kanyang katawan. Isang babae ang biglang lumitaw galing sa isang pintuan nang wash room at pareho pa silang nagulat naitulak tuloy niya ang babae nang malakas.
“Nicole” Gulat niyang banggit sa pangalan nito pakiramdam niya nahuli siya sa isang malagim na krimin lalo’t ang tinggin nang babae ay makakapatay sa sobrang talim hindi man niya alam kung bakit but parang gusto niyang magpaliwanag sa babae. Pero walang lingon lingon at ni isang salita ang iniwan nito at pumasok na ito sa isang kwarto kung sino man ang kasama nito ay wala siyang pakialam basta gusto niyang magpaliwanag sa babae na wala naman halaga sa kanya si Melissa at isa lamang itong makulit na babae.
“Nicole wait?” tawag niya rito. “It’s nothing makulit lang talaga ang babaeng yon at talagang hindi ko lang siya naiwasan kanina dahil nabigla ako.” sabi niya sa babaeng hindi niya alam kung bakit nagagalit but kung tama ang hinala niya nagseselos ito. But kilala na niya ang babae base sa ugali nitong may pagkadominante at mabilis magalit.
“Wala ka naman dapat ipagpaliwanag.”
“But I know your disappointed.” ani Daniel
“Why should I have to, ano ba kita?”
“Wait awat ni Carminang nagugulohan sa dalawang biglang pumasok na parang maglover na may lover’s quarrel, magkakakilala ba kayo? Tanong niya sa dalawang natahimik nang mapansin yatang nasa loob din siya at si Daniel nagulat sa presensiya niya doon.
“Carm’s I’am very sorry for being late.” magkakilala pala kayo ni Nicole
“Yeah it’s okay Mr. Devera.”
“Mr. Devera? you mean Carm’s siya ang makakatrabaho ko?” Tanong niya na parang binuhusan nang suka at toyo.
“Yes He is….”
“Pwede bang ilipat mo na lang ako sa ibang assignment please” pakiusap niya sa kaibigan na kinalimutan ang professionalism kahit pa nandon si Daniel basta wag lang niyang makatrabaho ito.
“Please Nicole nakakahiya naman kay Mr.Devera”ani Carmina na nagugulohan na talaga sa kanilang dalawa. Hindi na rin lang umimik si Nicole na parang napahiya sa mga naroon. Nag usap na ang dalawa sa mga dapat na mangyari sa cover nang story nang lalaki. Mahilig talaga yata itong magpahalik sa kung sinu-sino na lang. Teka nga saway ni Nicole sa sarili bakit ka nga ba nagagalit ha eh kung ikaw nga ginawa mo rin ang halikan ang lalaki nang basta na lang.. Kahit na! Iyon may reason, At para makatakas siya mga lalaking inakala niya ay masasamang tao paliwanag naman niya sa sarili. Ipinilig na lang niya ang ulo para na kasi siyang nasisiraan at pati sarili ay kinakausap. Sinulyapan niya ang lalaking mukhang seryoso sa pinaguusap nila ni Carmina actually hindi niya maintindihan ang dalawa sa kakaisip sa kaharap na lalaki. Nahalata yata nito at tiningnan siya saka ngumiti sa kanya. Namula naman ang mga pisngi niya at iniwas ang mga mata but inirapan muna niya ito na lalo naman yatang ikinatuwa nang lalaki at hindi man lang yata nahiyang tumawa nang malakas. Talagang pinapahiya siya nang lalaki, at ang traydor niyang kaibigang bakla ay nakitawa pa sa lalaki. Lalo lang siyang nainis sa paraan nang pag-uusap nang mga ito na chinesse yata kaya naman pala hindi niya naiintindihan ang dalawa kanina pa. Ang pakiramdam tuloy niya ipinagbibili siya nang kaibigan sa lalaki.
Tumayo na ang dalawang lalaki at ang bakla bigla yatang naging lalaki sa pakikipag usap nito kay Daniel kung sabagay iyon ang maganda rito ganoon ito lage pag may ka meeting’s kaya talagang kahit na marami ang hindi pa rin naiintindihan ang mga tulad nito ay iginagalang ito sa industriya nila, tumayo na rin siya at inabot ang kamay na inilahad ni Daniel upang makipag kamay at sa tawag nang pagiging professional na kanina ay nakalimotan niya ay tinanggap ang pakikipag-kamay nito. Nilabanan niya ang mag titig nito na parang nakakaluko lalo lang tuloy siyang nainis sa lalaki. “Mayabang talaga ito kahit kelan” Natatawang tiningnan na lang siya nang kaibigan.
“Ikaw friend huh madami tayong pag uusapan”
“Thank you Carm’s”ani Daniel
“Mr.Devera please Take care of my staff and my bestfriend okay.”
“Hoy anog pinagsasabi mo riyan may kukunin pa ako sa apartment ko at bakit plano mo yatang iwanan ako ha?” Tanong niya sa Kaibigan “at saka hindi naman yata kelangan na ngayon na ako sumama Kay Mr.Devera” pasaring niya sa lalaki na mukhang hindi naman pinansin nito.
“Bye kaw na bahala sa babaeng iyan ipinagbibili ko na siya saiyo biro nang kaibigan. Buhatin mo na lang kung ayaw sumama saiyo maarting sabi nito.”
“Okay sabi mo eh bubuhatin ko talaga ito pag hindi nakipag usap nang matino” ani daniel sabay tawa nang damuho. Wala na siyang nagawa nang lumabas na nang pintuan ang kaibigan, Naiwan sila nang lalaki sa loob nang room at ilang minuto rin silang walang imikan. Ito ang bumasag sa katahimkang namayani sa paligid, parang ngayon ay napakasolem at romantic ang ambiance bigla sa kwarto. Tumingin siya sa lalaking nakatinggin sa mukha niya.
“I miss you honey” ani Daniel na parang sila lang dalawa ang nakakarinig at lumapit ito sa kanya. Napaatras siya nang lumapit pa ito na halos ga-hibla ang layo sa kanya, pero wala na siyang maiiaatras pa kaya napasandig na lamang siya sa pader nang kwartong iyon.. Itinukod ni Daniel ang mga kamay sa pader at inilapit ang mukha sa kanya.
“You are jealous honey but you’r still cute and beautiful.”
“At bakit naman ako magseselos noh” nabigla lang ako na nakita ko kayo dun kanina madami naman room dito na kung saan pwede nyong gawin ang private escapades ninyo.”
“Yes! But still galit ka I know nakikita ko sa mga mata mo” sabi nitong lalong inilalapit ang mukha sa kanya. Para naman siyang kakaposin nang hininga. Lumayo din ito agad na para bang hirap na hirap gawin iyon. Ang akala niya ihahatid na siya nito but nagpadala ito nang pagkain.
“Kumain muna tayo before kita samahan sa apartment mo to pack your things para maka alis na tayo and start na rin yong work mo sakin”anito habang nilalagyan nang pagkain ang plato niya, hindi na lamang siya umimik, hindi pa kasi niya alam kung pano at ano ang dapat sabihin. Hinatid nga siya at sinamahan nito sa paghahanda nang gamit niya konti lang dadalhin niya.Maloyo nga naman ang lugar nito kaya kakailanganin na dun siya makitulog para matapos niya ang trabaho.
CHAPTER FIVE
NASA baba ang binata tinitingnan niya ang pictures ni Nicole at nang kapatid nito. May roon cute na solong picture ang babae at nakaframe but pocket size lamang ito kaya hindi mahahalata ni Nicole kung kunin niya nang hindi nito alam. Hindi niya kasi mapigilan ang sariling gawin iyon kahit pa sabihin pagnanakaw iyon but picture lang naman iyon siguro maiintindihan siya ni Lord at wala pa naman siyang nalaman na nakulong dahil nagnakaw nang picture nang babaeng minamahal. Oo tama mahal niya ang babae at ano man ang mangyari hindi siya makakapayag na mawala pa ito sa kanya kasihudang katulad man ito nang mga babaeng nagkakandarapa sa pera niya his willing to give everything. Maya-maya pa ay bumaba na si Nicole bitbit ang hindi kalakihang travelling bag tinulongan na niya ito. Mas gumanda ito sa suot na pink polo and maong pants. Kahit rugged lang but still napakaganda nito sa simpleng suot.
“kailangan ko muna magpaalam sa kapatid ko, ilang araw din ang kailangan para matapos ang materials” Paliwanag niya rito
“May be you should call her na lang para malaman mo kung what time siya uuwi” payo nito sa kanya.
“Yeah your right” aniya at kinuha ang telephone land line na nasa side table nang sofa niya. Habang dinadial ang numero nang kapatid naramdaman niya na nakatingin sa kanya ang lalaki at naiilang siya sa ginagawa nito kaya tiningnan niya ito upang bigyan nang warning to stop starring at her but hindi naman siya pinansin nito. Nang sa wakas sinagot nang kapatid ang tawag niya but ang mga mata nakatingin rin sa lalaki na kung anu-ano ang tinitingnan sa bahay at mga gamit niya na para bang sinisiyasat ang bawat angulo. Matapos magpaalam at magbilin sa bunsong kapatid ibinaba na niya ang telephono.
“What naka usap mo na ang sister mo?” tanong nito sa kanya
“Oo
“Good, shall we go now?” At ito na ang nagbitbit nang kaniyang bag. Habang daan muli na naman naalala ni nicole nang una silang magtagpo nang lalaki hindi niya alam kung dapat na magpasalamat sa kaibigang bakla sa pagkakaiwan nito sa lugar kaya sila nagkakilala but sa kabilang banda parang ang hirap nang nararamdaman niya hindi niya mapigil ang sarili na mahalin ang lalaking ito na kasama niya ngayon na para bang pinagtatagpo sila nang tadhana.
“What are you thingking?” tanong nito nang mapansing malalim ang kanyang inisip.
“Wala lang naalala ko lang na ang pagkakataon nga naman akalain mo ikaw pala yong masyadong maarte at ayaw pa kamong makipag-usap samin, at kung anu-ano ang dahilan”
“Ahuh and if alam kong staff ka nila siguro matagal na din akong nagpainterview sa inyo” at kinindatan pa siya nito at ngumiti nang masyadong nakakakiliti sa puso. Hay ang loko-loko kung alam lang niyang nakakainis ang mga ginagawa niya dahil hindi mapigilan nang puso ko ang makilig at maniwala sa mga sinasabi nito. As usual hindi na lamang siya umimik para matigil na ito sa mga pinagsasabi nitong masarap sanang pakinggan nang tenga niya but ewan ba parang may nararamdamang takot na naman siya sa mga oras na iyon. Takot na masaktan at magtiwala and at the end be tratored like before. Ibinaling na lang niya ang paningin sa labas nang bintana magdadapit hapon na napakabilis nang oras at sa araw na iyon napakadami nang nangyari sa kanya. Maya-maya hindi niya napigilang antokin at ipikit ang mga talukap nang mata siguro masyado lang siyang na stress kanina kaya siya nakaramdam nang pagod at antok.
HABANG nagmamaneho paminsan minsan sinusulyapan ni Daniel ang babaeng katabi napakaamo nang mukha nito yong tipong simple but may dating ang character nito maamo but pag ginalit ito ay maganda pa rin ang mukha naalala niya kanina sobrang lakas nang ginawa niyang pagpigil sa sarili na wag itong halikan ayaw kasi niyang isipin nitong napakabilis naman niya at samantalahin ang sitwasyon nilang dalawa. For sure magugulat din si yaya na kasama ko siya ngayon since then pinangko na niya sa sariling hindi na niya pakakawalan ang babaeng ito. At ito nga kasama na niya at parang pinapanigan siya nang pagkakataon. Ang babae ang naka-assign na photographer. Nasa bukana na sila nang hacienda napakadali nang byahe at kahit pagod sa maghapong trabaho at nagmaneho nang higit kulang tatlongg oras hindi niya maramdaman ang pagod may be because of her. Pumasok na sila sa isang mataas na gate na bakal but medyo malawak din ang hacienda na may bakod sa bahay niya at ang labas ay pag aari pa rin niya na minana niya galing sa mga magulang na sumakabilang buhay na kung saan naligaw ang dalaga. Itinigil niya ang sasakyan sa harap nang bahay. Nakita agad niya ang alagang aso pero hindi tulad sa ibang tao hindi ito tumahol. Masigla itong naghintay na makababa siya sa sasakyan. Binuhat na lamang niya ang dalagang mahimbing na natutulog maingat niyang inilabas ito sa sasakyan.
“Hello Darky” Bati niya sa asong panay ang kaway nang buntot.
“Hijo kumusta hindi ka man lang nagpasabing ngayon ang uwi mo. kasama mo pala si Nicole, Halika na’t ilapag mo na siya sa higaan mukang tulog na tulog siya. Kumain naba kayo?” tanong nang matandang tagpag-alaga.
“Oho tapos na po! Makihingi na lamang po ako nang tubig yaya?” aniya rito na dali-dali naming tumalima. Tiningnan niya ang tulog na tulog paring dalaga kinumotan niya ito at hinubad ang suot na sandallas nito. Lumabas na siya nang pintuan gusto na rin niyang matulog muna para makapagpahinga na rin. Nasalubong niya ang tagapag-alaga..
“Hijo magpahinga ka na rin muna, kung magutom kayo may pagkain sa baba initin mo na lang.
“Opo yaya goodnight po” Nang tingnan niya ang orasan sa kamay pasado alas diyes na pala nang gabi maaga pa kung tutuosin but ang mga kasambahay niya ay sanay talagang matulog nang maaga kaya tahimik na tahimik na ang buong kabahayan. Dumiritso na siya sa kwarto niya na katabi lamang nang kwarto ni Nicole. Kung pwede lamang na tumabi na lang siya sa babae total malaki naman ang kama doon, but ayaw naman niyang maiskandalo ito at ang mga kasambahay dahil kilala na nang mga ito ang dalaga.
NAGISING si Nicole nang hating gabi, nagulat pa siya nang magising sa familiar na kwarto alam niyang hindi iyon sa apartment niya, “nakatulog pala ako” bulong niya. Siya siguro ang nagbuhat sakin naku nakakahiya naman hindi man lang ako nagising. Bumangon siya para kasing nauuhaw siya. Tamang tama naman at may gatas na sa table sa tabi nang kama , siguro ginawa ni nanay namimis na niya ang matanda but siguro tulog na tulog pa ito, Ininum niya ang gatas at nahiga uli siya. Naisip niya kung tulog na rin ang lalaki. Malamang oo, siguro napagod magmaneho ang lalaki. Maya-maya unti-unting bumibigat uli ang mga talukap nang mata niya, nakatulog uli siya at laman nang panaginip niya ang lalaking nasa kabilang kwarto. Muling naulit ang pagtatagpo nila sa gubat nang hacienda but ang pagkakaiba sila lang dalawa at pagmamahalan nilang dalawa ang nagaganap.
“Good morning po nanay musta po kayo” at niyakap niya ito. Nang magising kanina agad talagang bumangon siya at hinanap ang butihing matanda napalapit na rin kasi ito sa kanya at totoong namiss rin niya ito.
“Hija I’am glad to see you again, buti na lang at kasama ka ni Daniel uli. May makakausap na naman ako dito. Teka mag almusal ka na muna” iknuha na siya nito nang plato.
“Nay asan po pala si Daniel hindi pa po ba nagigising?” tanong niya
“Naku kanina pa nagising nauna nang nag almusal at maagang pumunta sa pataniman.”
“Ah ganun po ba eh kayo po nag almusal na po ba kayo sabayan nyo na po ako.”
“Tapos na rin ako hija! Sige na kumain kana bago pa lumamig ang pagkain. Sasamahan na lamang kita dito. Ang batang yon pag kagaling sa manila at pag uwi rito di maaring ipagpaliban ang pagpunta at pagbisita sa pataniman at kumustahin ang mga tauhan. Ang tinitukoy nito si Daniel.
“kung minsan kakaiba rin talaga ang lalaking yon minsan suplado but pag nakilala mo makikita mong mabait naman” Bulong niya sa sarili.
Pagkatapos mag almusal nagpaalam saglit siya kay aling Ninay kong pwede siyang maglakad-lakad sa paligid nang hacienda pinayagan naman siya nito but pinaalalahanan na wag masyadong lumayo upang hindi na maulit ang pagkaligaw sa gubat malaki kasi ang gubat at hacienda at kung hindi kabisado ay maliligaw talaga ang di tagaroon. Gusto sana niyang puntahan si Daniel but hindi niya alam kung saan, at hindi na niya tinanong pa si yaya kasi baka mag alala lang ito. Wala naman ibang pwedeng sumama sa kanya, Lahat daw kasi nang tauhan roon ay kasama ni Daniel upang mapulong ang mga ito hindi naman maaari ang matanda, hindi na nito kaya ang mahabang lakaran at walang maiiwan sa malaking bahay walang maghahanda nang pagkain para sa tanghalian. Naglakad lakad na lamang siya sa likod nang bahay kung saan maraming mga magagandang roses na merong iba’t ibang kulay.
“Siguro si yaya ang nag aalaga nang mga ito” sabi niya sa sarili habang isa isang hinahawakan ang mga bulaklak but maingat ang paghawak niya upang walang masira. Sa likod bahay may malaki ring puno nang mangga at may mga bungga. Mukang matatamis ang mga ito at dalawang puno na di masyadong nagkakalayo, parang kambal na puno ang dating at ang sangga nang mga ito ay parang nagkakamay, nang lumapit sa puno upang tingnan kung may maabot siyang bungga natatakam na siya at nangangasim mahilig pa naman siya sa Indian mango lalot manibalang na ang bungga. Sinisiyasat niya ang mga bunga, may nakita siyang mga kumpol nang mangga at mukang hinog na. Tamang tama naman pwede niyang maabot ang mga iyon nang hindi na umaakyat pa. Pumitas siya nang dalawang piraso saka niya napansing may nakasabit din palang duyan roon inilapag muna niya ang mga mangga sa sahig kung saan may bato at mukang malinis naman saka niya inabot ang duyan at inayos iyon. Dito muna siya magpapalipas oras habang hinihintay ang lalaki. Wala siyang dalang kutsilyo kaya pinunasan na lang niya nang laylayan nang damit niya at kinagat ang mangga. Nang bata pa siya ganun talaga ang ginagawa niya, halos naubos na niya ang dalawang pinitas at parang gusto pa uli niyang kumuha, umiral na naman ang pagiging matakaw niya sa manga minsan talaga pag season nang mga mangga bumibili siya nang two kilos at nakakaya niyang maubos. Ganun kagaling ang tiyan niya kahit pa walang ibang kinain at laman ang tiyan niya. Sabi nga nang iba sasakitan raw nang tiyan but sa kanya hindi umoobra ang mga iyon. May sweet tooth rin siya napakalakas niyang kumain nang matamis, minsan nga isang gallon nang ice cream kaya niyang maubos lalo’t cookis and cream flavor ito o kaya’y chocolate. Inaabot na niya ang ibang mangga na natira sa pinitasan niya kanina but medyo nahihirapan siya kasi sa taas na ang posisyon nito kaya kailangan na niyang may matutungtongan upang maabot ang mga ito. Nang ilibot ang mga mata upang maghanap nang pwede magamit niya may nakita siya malaking sanga siguro gagamitin iyon sa panggatong or kung anu pa man kinuha niya ito. Mabuti at hindi ito kabigatan kaya hindi siya nahirapang buhatin iyon. Ipinosisyon niya ito para matongtungan. Pinag-aralan muna niyang i-balance ang bigat at dahan-dahang inabot ang mangga. Medyo gumigiwang ang sangga but pinilit pa rin niyang abotin ang bungga. Nang mahawakan na ito tuwang-tuwang pinilipit niya ang bungga upang maputol ang pag kakabit sa sanga but biglang lumakas ang hangin at parang napuwing siya napasigaw siya at gumiwang ang sanga, nawalan siya nang balance alam niyang mahuhulog na siya nanalangin na lamang na sana wag mabalian nang buto total mababa lang naman. Bigla’y naramdaman niya na may mga malaking braso’t kamay ang sumalo sa kanya.
“Be careful next time” sabi nang boses na kilalang kilala na niya kahit pa hindi niya nakikita ang mukha. Tinulongan siya nitong makatayo nang tuwid.
“Thanks” ani Nicole na parang baliwala ang nagyari at tumingin pa sa taas na hindi nakuha ang bunggang inaasam.
“Mahilig ka pala sa mangga” ani Daniel at ito na ang umabot sa tatlong bungga na natitira sa kumpol. Dahil matangkad ito walang kahirap hirap na inabot ang bungga.
“Ito,” abot nito sa kanya, “Dun mo na lang iyan kainin sa bahay at pinapatawag kana ni yaya for lunch” sabi nito na inaalalayan pa rin siya sa paglakad hawak nito ang siko niya.
“ How your staff?” tanong niya rito habang naglalakad.
“Okay naman disiplinado kasi lahat nang mga tauhan ko rito” parang nagmamalaki ang tono nito.
“May be it’s because of you” sabi niya, at tiningnan siya nito sa mukha.
“Why” tanong rin niya
“Wala lang nakatutuwa ka lang.”
“Bakit nga parang naiiritang tanong niya” Feeling kasi niya pinagtatawanan siya nito. But tumawa lang ito nang malakas. Nakanguso tuloy siya nang pumasok sa komedor at agad naman siyang napansin nang butihing matanda.
“Oh hija something wrong?” tanong nito sa kanya but sa alaga nakatingin na parang alam nitong ito ang dahilan.
“Siya kumain na tayo kanina pa ako nagugutom” sabi na lamang nito sa kanila. Ipinaghila siya nito nang upoan. Si aling Ninay naman nauna nang naupo sa left side ito nakapwesto dahil square shape ang table, sa harap naman niya ito naupo na parang sinadya nito.
“Wow panu mo nahulaan Yay na ito ang gusto kong kainin ngayon? Ang galing nyo talaga” sabi nito sa matanda.
“Syempre sakin ka na yata halos lumaki at kilalang kilala na kita pati ang bituka mo” Tumatawang sabi naman ng matanda. pati siya napangiti sa tinuran nito. Bago naglagay nang pagkain sa plato niya si Daniel pinaglagay naman muna siya nito. Alam niyang nakatingin ang matanda sa gawi nang alaga but hindi nagpahalata nasulyapan niyang nagingiti ito. Hindi na lamang niya pinansin ang dalawa at kumain na lamang. Masarap nga ang niluto nitong adobong manok. Si Daniel ang nagbukas nang topic.
“So when do you want to start?”
“As soon as possible, I suggest nga din na kahit sumama sama ako sa mga working field mo para Makita ko talaga ang nangyayari nang sa ganun makunan ko lahat.
“That’s good.” Matipid nitong sagot, hmm parang gusto na nito agad na matapos ang materials na kailangan ko siguro para makaalis na ako agad rito.. Sa isip-isip ni Nicole at sumasakit ang puso niya sa isiping iyon. Para tuloy siyang nawalan nang ganang kumain buti la lang at madami dami na rin ang nakakain niya.
“Teka anong pinag-uusapn ninyong trabaho?” tanong ni yaya ninay
“Siya ho kasi pala ang naka assign para kuhaan nang picture lahat nang nandito sa hacienda para sa cover nang kanilang magazine” anito.
“Ang pagkakataon nga naman ano” parang pinagtatagpo kayo nang tadhana” Napatingin sa kanya ang lalaki at ganun din siya parang may gusto itong sabihin sa mga tingin nito at hindi rin niya mabawi ang mata rito. Kung hindi pa tumikhim si yaya ninay ay hindi pa sila maghihiwalay nang tingin.
“Ako’y tapos na! Mauna na akong tumayo.. Iwanan nyo na lang ang ipinagkainan ninyo sa lababo at ako nang bahala mamaya, hala maiwan ko na muna kayo riyan” at nauna na nga itong tumayo.
“Tapos na rin ako” ani Nicole
“Me too, hmm you want coffee? Tanong ng lalaki sa dalaga
“Sure medjo naparami nga kinain ko tamang tama yan”
“ Doon tayo sa may garden para presko dalhin mo na rin yong mangga mo at doon mo na rin kainin.
“Oo nga pala” ani Nicole, Pagka-alala rin sa mangga na dala-dala niya kanina.Kinuha niya ang mangga sa may lababo nahugasan na ang mga iyon at kumuha na rin siya nang kutsilyo. Nakakahiya naman sa lalaking iyon kung nguguyain niya nang may balat ang mangga baka kung anong isipin at sbihing wala man lang siyang karefine-refine, eh bakit mo ba inisip ang sasabihin ni Daniel? Tanong niya sa sarili. Wala lang baka isiping wala akong alam sa etiquette sagot uli niya sa sarili. “ Para na siyang timang ah” Madalas na rin kasi niyang kausapin ang sarili. Nagpatiuna na si daniel sa garden may table talaga dun para kung sakaling gusto magpalipas nang oras. Naupo silang magkaharap sa isa’t-isa nang mapansin niyang pinagmamasdan siya nang lalaki tiningnan niya ito hindi man siya magsalita ipinaabot niya sa lalaki ang pagtatanong. Tumawa lang ito, saka lang niya napansing hindi niya binabalatan ang mangga bagkus kinakagat niya ito kahit may dala naman siyang kutsilyo.
“Mas masarap pag kasabay kinain ang balat!” palusot kunwa niya rito.
Hindi ito nagsalita bagkus kinuha nito ang isang mangga at ginaya ang ginagawa niya.
“Hmmm you’re right mas masarap nga pag may balat na kasama pag kinain, and you know what dati hindi ko pinapansin ang mga mangga dahil pakiramdam ko sawang sawa na ako dito, may be because bata pa lang ako may puno na kami nang mangga na hitik sa bungga at hindi lang mangga iba’t-ibang fruits ang kinalakihan ko.”
“Mabuti ka nga eh, samantalang ako pahirapan ang tawaran sa tindera pagbilhan lang ako nang mura nang gusto kong kainin na prutas mahilig ako sa prutas lalot Indian manggo, ang ayaw ko lang ang santol kasi kahit hinog maasim pa rin.”
“If you want isasama kita sa farm namin sa Iloilo ?” tanong nito sa kanya
“Oo ba kung ngayon na iyon I mean habang may work ako sayo, tamang tama naman pwede ko iyon isama sa story nang profile mo.”
“Yeah but kahit tapos na pwede pa rin naman kita isama don eh”ani Daniel, napatingin siya rito hindi niya alam kong nagsasabi ito nang totoo. Malay ba niya kung nagiging nice kuno ito at ayaw niyang umasa na kung tapos na ang trabaho niya ay magkikita pa sila nang lalaki.
“Anyway” anito, “tomorrow I’ll go sa farm bibisitahin ko at magtratrabaho na rin, isasama kita.. Sabi nitong hindi nagtatanong kundi parang siguradong sasama siya but totoo naman dahil may trabaho siya rito.
“Yeah sure, what time I have to fixe myself?” Tanong niya.
“As early as possible.” Ani Daniel “medyo marami-rami din kasi ang kailangan kong ayosin ngayon dahil sa matagal din ako nawala nang nasa manila ako.
“Okay as you wish boss, I’ll woke up early” pabiro niyang sabi rito at nginitian at kinindatan niya ito. Ewan niya kung ano pumasok sa isip niya at ginawa niya iyon.

CHAPTER SIX
Para namang natuka nang ahas sang itsura ni Daniel sa ginawa nang babae, tila nabibighani siya sa ngiti nang babae hindi niya mapigilang titigan tuloy ang mukha nito, napakaganda nito kahit na kumakain nang manggang hilaw. Tila napakatamis nang kinakain nito kung commercial model ito nang mangga niya tiyak na bebenta nang malaki ang eni- endorso nito sa tila napakasarap nang kinakain nang babae. Nakakatuwa ibang iba ito sa mga babaeng nakasalamuha na niya sa trabaho at personal na buhay hindi ito naiilang kumain at kumagat nang manggang may balat pa, lalo lang siyang na aamaze rito.
“Hey are you alright?” untag ni Nicole sa lalaking tila napakalalim nang iniisip at tulalang nakatitig sa kanya.
“O-Oo pautal na sagot nito, pahinge nga uli nang mangga na aktong kukunin na ang prutas sa plato.
“Hoy teka isa na lang ito pakuha ka na lang” agaw niya sa manggang hawak na sana nito.
“Pakuha ka na lang uli total madami naman bungga at sainyo naman ang puno, ako kelanggan ko pang bumuli nito bihira lang ako makakain nang libre.” nakalabi pang paliwanag niya rito.
“Alright-alright give me that one and I promise ipapakuha kita nang marami at padadalhan pa kita pag uwi mo, ibigay mo na yan kasi nangangasim na ako.” Ani binata.
“Okay you promise that ha?” at inabot na niya ang mangga rito na para naming sabik na sabik sa pagkain nito tila dinaig pa ang pagkamatakaw niya sa prutas na iyon. Nakakatuwang pagmasdan ang mukha nang binata, at habang pinanunuod niya ito nahuli siya nitong nakatingin at ito naman ang tila ginaya ang ginawa niya kaninang pagngiti rito. Namula tuloy ang mga pisnge niya. Tumawa lang ito nang malakas na parang tuwang-tuwa sa mukha niya. Nainis tuloy siya, binato niya ito nang mga balat nang mangga. Tatawa-tawa lang at iniiwasan nito ang mga binabato niya, natawa na rin siya nang malakas. Para silang mga batang nagtatawanan at nagbabatohan nang balat nang mangga.
SA taas nang bintana sa second floor kung saan ang kwarto ni Yaya. Ay nakadungaw ito sa bintana at pinapanuod ang dalawa, Nakangiti ito habang pinagmamasdan ang dalawa na tila mga bata at para bang sila lamang dalawa ang nasa mundo at walang pakialam sa paligid. Masaya siya para sa binatang inalagaan na niya mula pagkabata simula nang mamatay ang mga magulang at iwan nang babaeng malapit na sanang pakasalan nang dahil sa ibang lalaki. Ngayon na lamang niya uli nakitang tumawa ito nang ganon kalakas at kasaya. Parang hulog nang langit ang dalaga rito sa buhay nang lalaki. Sana nga ang dalaga na ang talagang mag-aalaga at magmamahal sa binata niya dahil hindi habang buhay ay masasamahan niya ang binata dahil matanda na rin siya. Matapos magkawala nang malalim na hininga ay nakangiti niyang isinara ang kurtinang tumatabing sa bintana upang ipagpatuloy ang pagpapahinga.
ALAS singko y medya ay gising na si Nicole nakaligo na rin siya at nagbihis na inihanda na rin niya ang digital camera. Bumaba siya sa kusina upang unahan na sanang magluto ang matanda subalit gising na rin pala ito at tapos na rin maluto nang pang-agahan.
“Good morning po” bati niya sa matanda
“Good morning din hija.”
“Ang aga po naman ninyong magising, uunahan ko na sana kayong magluto nakangiti niyang sabi rito na habang nilalanghap ang amoy nang niluto nitong tinapa na may kasamang itlog at sinangag.
“Sinabihan kasi ako ni leon na maaga nga raw kayong pupunta roon sa farm siguradong mahahaponan kayo kayat hindi maaring hindi kayo mag agahan.” Ani matanda
“Good morning ladies” si Daniel na bagong ligo at bagong ahit na rin, naka suot na ito nang pantalong maong at t-shirts na puti lamang but may dala tong dalawang sombrero na pang cowboy. Ipinatong nito ang dala sa isang bakanting upuan.
“Wow ang sarap naman nang niluto ninyo ya” sabi nitong umupo na rin” nginitian muna siya nito. Pagkatapos mag-agahan dumiritso sila sa likod bahay kung saan may munting kwadra para sa dalawang kabayo, sinalubong sila ni Andy.
“Magandang umaga po Sir, Miss Nicole” bati nito sa kanilang dalawa, nginitian niya ito na tila namamangha sa mukha niya.
“Wait Daniel?” tawag niya sa binata, you mean sasakay tayo nang kabayo? Tanong niya rito na tila nahihintakotan dahil hindi siya marunong sumakay roon.
“Yes kailangan kasi medyo malayo rin yong farm rito kung lalakarin” ani binata
“But hindi ako marunong sumakay diyan baka mahulog ako” tangi niya sa binata.
“Okay sa isang kabayo na lang tayo kung ganun umangkas kana lang sakin.”
“Ha? Sabi na lang niya hindi niya malaman kung ano ang nararamdaman nang mga oras na iyon, magkakadikit ang mga katawan nila nang lalaki at para siyang natataranta sa isiping iyon.
“Andy ikaw na lang sa isang kabayo para may kasama kami, sumunod ka samin” baling nito sa binatilyo.
“Oho bossing” na sumalado pa sa lalaki, inilabas na nang dalawa ang kabayo isang itim at brown na parehong malalaki at matitikas, mukang may mga breed na kabayo.
“Ako kay Speed ikaw diyan Andy kay Sab okay”
“Okay bossing”
“Halika at aalalayan kitang sumakay” baling nito sa kanya.
“Paano ba? Sandali-sandali lang!” Medyo natatakot pa rin siya. Dahil sa matangkad at malaking tao si Daniel walang sabi sabing binuhat siya nito at isinakay siya sa ibabaw nang kabayo at pumuwesto naman ito sa likod niya. Magaling magpatakbo nang kabayo ang lalaki sa simula hinimas lamang iyon ni Daniel at parang naintindihan naman nang kabayo ang gustong sabihin nang amo at dahan dahan itong lumakad, habang tumatagal medjo tumatakbo na ito ayon sa ipinararamdam nang amo sa pamamgitan nang paghimas lamang sa likod nito. Hindi pala tulad nang napapanuod niyang ibang nangangabayo na hinagupit ang hayop upang tumakbo. Iba ang lalaki makikita ang pagmamahal sa alaga nito. Nararamdaman niya ang dibdib nang lalaki na tila inaakit siyang sumandig roon at namnamin ang kakaibang kiliti na nararamdaman niya but pinilit niyang labanang gawin iyon subalit tila naman nanunukso ang lalaki at hinapit siya sa kangyang bewang at kusang isinandig ang kanyang likod sa dibdib nito, at bumulong pa ito sa kanyang tenga na lalong nakapagtaas nang kanyang mga balahibo sa katawan.
“Shhh It’s okay dont be afraid” bulong nito sa tenga niya. Kung alam lang nitong nawala ang takot na nararamdaman niya kanina at napalitan nang hindi niya maipaliwanag na pakiramdam. Siguro sinadya iyon nang lalaki upang maiiwas nga ang takot niya, “well magaling ang mokong na ito, siguro mas higit na magaling ito pagdating sa private thing,” gosh! Nicole ano bang mga pinagiisip mo, magtigil ka riyan saway niya sa sarili. Itinuon na lamang niya ang atensyon sa paligid. Napakaganda niyon parang yong mga hacienda na napapanuod niya sa mga pelikula. Feeling tuloy niya siya si Mikee Coangco at Aga Mulach nakalimutan na niya ang tittle niyon but paborito niya ang movie na iyon lalo na nang nag hahabulan ang dalawa at ang bidang babae ang nangangabayo, well ang kaibahan ang babae ang mayaman at magaling mangabayo siya ay hindi kundi si Danie. Napangiti na lang siya sa mga naiisip para na siyang timang, sabi nga nang iba addict daw kasi kung anu-ano ang iniimagine.
“Hey why are you smiling huh?” tanong nang lalaki na nakita pala ang ang pagngiti niya.
“Wala naman masyado lang akong nagagandahan rito sa place mo at may naalala lang akong movie na may hacienda rin na pinakita napakaganda niyon tulad nito.” sabi na lang niya na totoo naman, hay buti na lang pala at ngumiti lang siya kasi minsan pag kung anu-ano ang naiisip niya tumatawa pala talaga siya nang malakas at minsan nga tatanongin na lang siya nang kapatid o nang kaibigan niya kung bakit at sasabihin lang niyang wala sabay hagalpak at ang nagtanong naman parang nakakita nang addict at siraulo ang reaksyon nang mga ito.
“Here we are” ani Daniel
Nang sa kalayoan may matanaw silang malawak na pataniman nang mangga, ang dami, at may mangila-ngilan din bahay kubo siguro doon nagpapahinga ang mga tauhan nang pataniman. Hindi niya mabilang ang puno nang mangga at hitik sa bunga ang mga iyon para siyang hindi makapaniwala sa nakikita. Kung pwede lang na iuwi niya ang mga iyon nang hindi mabubulok nang sa ganun maitago niya at may kakainin siyang mangga sa loob nang ilang taon.
“Woow this is fantastic Danile” wika niya, walang maapuhap na salita na babagay sa paghanga niya sa nakikita.
“Hmmm this is just a simple farm of mangoes” sagot nito sa kanya na naamaze din sa tila over reacting naman niya.
“ Sana ako rin may pag-aaring ganto kalawak na farm nang manggahan siguro dito lang ako magbabantay sa mga mahihinog.”
“Talagang you love mangoes ha?”
“Punta na tayo dun” parang batang turo pa niya sa lugar ang tinutukoy ang manggahan medyo malayo pa kasi sila. But mga halos tatlong minuto lang naman ang tinakbo nang kabayo, hindi naman kasi kabilisan ang takbo noon. Nang marating nila ang lugar may mga ilang taong nag-aabang na sa kanila. Naunang bumaba si Daniel at inalalayan siya nito o sa mas angkop na halos pakargang pagbaba nito sa kanya mula sa likod nang kabayong si Speed. Nang maibaba siya nito tinapik sa puwitan ang hayop at ibinigay ang renda sa binatilyong kasunod lamang nila.
“Magandang Umaga po Sir, Ma’am” sabay sabay na bati nang mga taong nakaabang sa kanila.
“Magandang umaga din po sa inyong lahat.” balik bati nang binata sa mga taohan nito.
“Si Nicole nga ho pala” pakilala nito sa kanya sa lahat
“Hello po Ms. Nicole, napakaganda ninyo po naman” sabi nang isang matandang lalaki na mukang ito ang namumuno roon dahil ito ang madalas na sumagot at nagunguna sa lahat.
“Maraming salamat po, Nicole na lamang po ang itawag ninyo sakin” sabi niyang nginitian ang lahat nang naroon.”
“Maswerte kayo Sir kay Nicole ano? Napakaganda na eh mabait pa po hindi tulad nang ibang babaeng taga manila” Ani ka Temong. Hindi naman umimik ang lalaki na tila hinayaan lang na pagkamalan siyang nobya nito.
“Kumusta naman po kayo rito nang wala po ako? Wala naman po bang nagging problema?” tanong na lamang ni Daniel sa matandang lalaki.
“Wala naman ho Sir, maganda ho ang panahon at wala naman nagkasakit sa mga puno nang mangga” sagot nang matanda.
Naglalakad-lakad ang dalawa habang naguusap, siya naman ay kaagapay nang lalaki hawak siya nito sa kanyang siko na tila ayaw na siya’y madapa at masugatan man lamang, o siguro nakagawian na nito iyon. Habang naglilibot libot sila kasama ang matanda na tila ipinaliliwanag ang lahat o nirereport sa lalaki ang bawat puno nang mangga Nang magpaalam ang matanda matapos ang paguusap nang dalawa niyakag siya nang lalaki sa isang kahoy na upuan at nagpakuha kay andy nang ilang bungga, ang isang babae naman na may katandaan na rin na siyang may bahay pala ni ka Temong ay lumapit at may dalang bagoong na siya pa daw mismo ang nagluto. Pagkatpos magpasalamat at konting kwentohan nagpaalam na rin ito.
“I think they like you” anito na nakatingin sa kanyang mukha..
“Talaga, baka lang natutuwa sa katakawan ko sa mangga!”
“Yeah maybe” tumatawa nitong sagot.
“Give me the knife ipagbabalat kita” kinuha nito ang kotsilyo sa kamay niya.
Matapos kumain at magpakasawa sa mangga. Naglakad-lakad uli sila ni Daniel habang nagbibigay ito nang instruction sa mga tauhan nito sa hacienda, kahit na makikita ang autoridad nang lalaki ay makikita rin ang kabaitan nito at respeto bilang kapwa tao kaya ganun rin dito ang mga tauhan nito. Nang magtahalian na ay niyakakag sila nang binata na sumalo sa kanila ni ka Temong kasabay na rin ang iba pang naroon. Naghanda at nagluto daw talaga ang kanilang mga asawa nang mabalitaang may kasama ang kanilang amo. Masayang kasalo sa pagkain ang mga tagaroon dahil makikita at mararamdaman mo ang kabaitan at kasimplihan nang mga tao roon na tila kontitong-kontinto kung anu man meron sila, salat man sa maraming bagay ay hindi alintana ganun ang mga taong gusto niya simple at hindi mahirap pakisamahan.
Alas singko y medya na sila nakauwi dahil napasarap ang pakikipag-kwentohan nila sa mga taong naroon, maraming nagtatanong kung kelan daw sila magpapakasal at nang makahigop na nang mainit na sabaw. Lahat naman nang iyon ay hinayaan lamang niyang ang binata sana ang sumagot at magsabing mali ang mga iniisip nang mga itong silang dalawa but hindi iyon itinama nang binata bagkus nakipagsabayan pa ito nang biruan sa mga naroon. Mabuti na lamang at hindi rin niya nakalimutan dalhin ang digital cam. Maganda ang lahat nang kuha niya nandong nakunan niya ang mga trabahador na nagkakasiyahan habang nagtratrabaho kasama si Daniel at kitang kita doon ang pagiging mabuti nito sa mga tao niya. May picture rin ito na eksaktong tumingin sa kanya at ang mga matang hindi maikakailang nanunukso at ang hindi niya maipaliwanag na tila lalaking sumasamba sa babeng iniibig, ang hindi niya maintindihan ay sa kanya nakatingin ang lalaki nang mga oras na iyon. Napagdisisyonan niyang hindi ibigay kay Carmina ang picture at itago para sa sarili. Anu naman wala naman sigurong masama kung magtago siya nang picture nang binata at least my remembrance kung baga. Anu kaya kung tulog na ang mokong na yon, siguro nga kasi alam niyang napagod ang lalaki sa ginawang pag asekaso sa farm at mga tauhan nito.Hay nakakalungkot lang isiping kailangan na niyang umalis at bumalik sa manila oras na matapos na ang materials na kelangan niya sa kwento nang buhay nang lalaki. Hindi na bali e-enjoy ko na lang ang moment na kasama ko siya.
CHAPTER SEVEN
MAG-aalastres na nang magising si Nicole dahil nakaramdam nang panunubig, minsan iyon talaga ang problema sa kanya walang gabing hindi siya nagising para umihi. mabuti na lamang at may C.R na ang kwartong tinutulogan niya sa mansion na ito, but ang problema naman hindi na uli siya dalawin nang antok. Bumaba siya sa kusina at magtitimpla siya nang gatas siguro naman may gatas sa baba. Dahan-dahang lumabas sa kwarto at patiyad na naglakad, ayaw kasi niyang may magising at maistorbo pa ang pagtulog nang mga ito sa madaling araw. Hindi na rin siya nagbukas pa nang ilaw pagdaan sa salas. Dumiritso na lamang siya sa komedor hindi naman ganun kadilim dahil may mga ilaw na nakabukas sa labas nang bahay kaya naaninag ang liwanag sa loob. Habang nagtitimpla nang gatas ay nagulat siya nang may magsalita sa likod niya.
“Bakit gising ka pa?” tanong ni Daniel sa kanya na nakatingin sa katawan niya, hindi na kasi niya pinatungan ang pantulog na manipis at maikli na kulay itim kaya talagang kitang kita ang kanyang katawan. Hindi naman niya alam kung tatakpan ang katawan but hindi na lamang niya pinansin ang lalaki upang hindi na masyadong mapahiya.
“Nagising kasi ako at hindi na uli makatulog kaya nakialam na ako rito sa ref.mo nang gatas. “Hope you don’t mind!” Paliwanag niya, “Gusto mong igawa rin kita?” Tanong niya rito
“No thanks” Hindi ako umiinom nang gatas. Kumuha na lang ito nang tubig sa ref. nakatayo lang siya at nakasandig sa may tiles nang lababo. Habang umiinum nang tubig ang lalaki ay pinagmamasda niya ito. Nakasuot lang ito nang sandong puti at nang trunk hindi niya maiwasang humanga sa ganda nang katawan nito. Agad niyang binawi ang mata nang tumingin sa kanya ang lalaki at may pilyong sumungaw sa mga labi nito, at nataranta siya nang umaktong lalapit ito sa kanya.
“Ah-am babalik na ako sa kwarto ko, sige kaw rin matulog ka na rin uli”Aniya rito, nang akmang maglalakad na pinigilan siya nang lalaki sabay hawak sa kanyang braso.
“Nicole pagharap nito sa kanya habang nakatingin sa kanyang labi, may bakat ka nang ininum mong gatas sa lips mo” anito
“Ganun ba thanks” papahirin na sana niya nang mga kamay niya ang gatas nang pigilan nang lalaki ang mga kamay niya at unti-unting ibinaba nito ang mukha sa labi niya, nabigla siya at hindi maigalaw ang katawan sa inakto ito but nagugustohan niya ang ginagawang pagsimsim nang natirang gatas sa labi niya, soft and gentle ang halik nito na nang lumalaon ay lumalalim, napaatras siya but hindi pa rin siya binibitawan nang binata. Halos mapugto ang hininga nila nang maghiwalay sila.
“Ma-matutulog na ako”sabi ni Nicole nang mahimasmasan sa nangyari but hindi niya magawang maihakbang ang mga paa, Hindi niya maintindihan but nanginginig ang mga binti niya.
“Are you alright?” tanong nito nang mapansin ang inaakto niya.
“Yeah I’m okay.”
Nagsabay na silang dalawa paakyat sa kanilang kwarto. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman na tila ba nanghihinayang siya sa naudlot na pangyayari kanina. Nasa tapat na siya nang room na tinutuloyan nang pipihitin na niya ang siradora nang pintuan.
“Ah-Nicole---
“It’s okay” putol niya sa sasabihin nito sana . Tumango-tango lang ito at hindi na lamang umimik.
“Good night honey” ani Nicole. Hindi niya mapigilan ang sariling tawagin sa ganong endearment ang babae, ewan niya but kusang lumalabas sa bibig niya ang pagtawag sa babae nang ganun, bakit ba pagdating sa babaeng ito natatameme ako pakiramdam ko hindi ko alam ang mga dapat sabihin, but this time alam niya ang gusto niyang sabihin at gawin sa babae. Gusto niyang yakapin at halikan magdamag ito but pinipigilan niya ang sarili dahil ayaw niyang magalit ang babae at sabihing sinasamantala niyang nasa poder niya ito but para na siyang masisiraan nang ulo.
“Good night too Daniel” sagot ni Nicole. Pumasok na siya nang pituan niya, bago niya sinirado ang pinto, ewan niya kung bakit tiningnan muna niya ang lalaking hindi pa rin umaalis sa labas nang pintuan na tila hinihintay muna siyang makapasok at may gustong sabihin, Hindi niya naiwasan ang mga mata nitong malalamlam at tila napakalalim nang mga titig. Tila naman namamagneto siya rito.
“Daniel—
“Nicole”, halos pabulong na banggit nito but dinig na dinig niya, napalunok siya at hindi malaman ang gagawin but alam niyang pag nagsalita siya baka maibulalas niya ang tunay na saloobin sa lalaki at ang gusto niyang mangyari nang mga oras na iyon. Pero laking pagkadismaya niya nang----
“Sleep well honey” Pagkatapos ay tumalikod na ito.
“Yan kasi malisyosa ka kasing babae.” Aniya sa sarili.
PAGKATAPOS maligo at ayosin ang sarili ay bumaba na si Nicole. Naabutan niyang may hinahanda para sa pagluluto si yaya ninay.
“Oh gising kana pala hija”
“Oho pasensiya na po tinanghali na ako nang gising.”
“Wala iyon! mabuti ngang nakatulog kana nang maigi, siguro napagod ka nang isang araw?”
“Naku! hindi naman po. Masaya nga po doon sa farm kaya talagang nalibang ako sa dami nang mangga.”
“Oh siya mag almusal kana riyan, ako tapos na at si Daniel maagang bumalik sa Farm may nakalimutan lang daw sabihin kay Temong.” Naupo na si Nicole at siya na ang nagkusang nagtimpla nang kape niya at kumain nang hinihandang almusal nang matanda kahit na hindi siya sanay kumain nang heavy meal for breakfast ay kumain pa rin siya upang hindi naman nakakahiya sa matanda na halatang ipinagtira talaga siya nang agahan.Pagkatapos mag agahan ay nakipag-kwentohan siya sa matanda at tumutulong-tulong sa mga ginagawa nito at nang pagluluto sa tanghalian. Kasi sabi ni Daniel maaga siyang uuwi kaya doon ito manananghalian. Pero hindi ito umuwi kaya napilitang sabayang kumain ni nicole ang butihing matanda. Nang wala nang maitulong sa matanda, Napagpasyahan niyang magpalipas nang oras sa likod bahay kung saan may duyan. Doon na niya lamang hihitanyin ang lalaki, pero dumating ang kinahaponan at malapit nang magdilim wala pa rin ito, tumawag na rin sa kanya si Carmina at tinatanong kung okay na ang materials na kailangan nila. Halos hindi siya mapakali sa paghihintay rito.
“Oh hija pumasok kana rito sa loob nang bahay at madilim na baka lamokin ka jan”
“Opo yaya.”
“Dito mo na lang hintayin si Daniel sa loob, baka nagkasayahan lang dun sa farm, minsan ganoon talaga nagkakayayaan nang inuman roon, dahil sa mabait at magaling makisama ang batang iyon kaya hindi natatanggihan si Temong.”
“Ah ganun po ba” matamlay na nasabi na lamang niya
“Oh siya maiwan na kita riyan, akoy papanhik na muna at medyo masama ang pakiramdam ko dahil siguro nagkaka-edad na ako.”
“Ho? Masama po pakiramdam nyo yaya”, nagaalalang tanong niya sa matanda at bahagyang sinipat ang itsura nito.
“Wag kang mag-aalala hija, ang ibig kong sabihin medyo hinahanap na nang likod ko ang higaan dala nang pagtanda kaya siguro kahit wala naman akong masyadong ginagawa eh parang madali na akong mapagod” mahabang litanya nang matanda.
“Sige ho magpahinga na ho kayo, hihintayin ko lang ho muna si Daniel may dapat po kasi kaming pagu-usapan.”
“Ikaw ang bahala, siya nga pala pag nagutom ka nakapagluto na ako nang haponan ikaw nang bahala roon sa kusina ha?”
“Opo yaya salamat ho” inihatid niya nang tanaw ang matanda habang papasok sa bahay, bumuntong-hininga na lamang siya. Malaman niya kung saan siya nakalugar sa buhay at puso nang lalaki. Nilibang na lamang ni Nicole ang sarili sa panunuod nang paparami pa lamang na mga bituin sa langit, napakagaganda nang mga iyon na tila napakadaling abutin lamang. Itinaas niya ang kamay at umaktong inaabot ang mga iyon,napangiti na lamang siya sa ginagawa. Nang maramdaman ang lamig nang hangin sa balat niya nagpasya nang pumasok na sa loob at doon na lang hintayin ang pagdating nang lalaki. Naupo siya sa sofa at binuklat buklat na lang ang mga magazine na nandoon sa ilalim nang center table.. Madami-dami na ang nabubulat niyang magazine nang pumasok si Daniel at mukang wala sa sarili’t lango sa alak. Nang Makita siya nito ngumiti at pasuray-suray na lumapit ito sa kanya.
“Hon gising ka pa, hinintay mo ba ako”sumisigok pang sabi nito sa kanya
“Bakit naman nag-inum ka nang hindi mo kaya buti at nakauwi ka nang hindi naaksidente.”
“Ang hon ko nag-aalala sakin, hek hek!” Inalalayan niya na lamang ito papunta sa kwarto, pasuray-suray silang naglakad dahil sa bigat at malaking tao ito, hindi na rin niya ginising pa ang matanda upang wag na itong mag-alala.Kandasobsob na sila sa kama nang ilapag niya ito. Nangatulog na rin ang lalaki, inalis niya ang suot nitong sapatos pati na rin ang medyas nito at inisa-isa rin niyang hubarin ang botenes nag polo nito, nanginginig ang kamay niya habang ginagawa iyon buti na lamang at tulog na ito . Pagkatapos mahubaran ang lalaki dali-dali siyang kumuha nang maligamgam na tubig at bimpo para mabawasan ang init nang katawan nang lalaki at pagkalango nito sa alak. Nilagyan niya ito nang pulbos sa dibdib at likod para guminhawa ang pakiramdam nito. Tamang –tama naman at dumapa ito pero maya-maya rin ay tumihaya, napatingin siya sa pang ibabang bahagi nang katawan nang lalaki at napalunok siya sa tila gising na bahaging katawan nang lalaki.
“Ano ka ba Nicole ka babae mong tao eh nagiging malisyoso kana yata” Bulong niya sa sarili. Maya-maya tila narinig niyang may binubulong ito, mahina lamang kaya hindi niya maintindihan dala siguro nang pagkalasing nito kaya nanaginip, pero naging interesado siya kung ano ang binubulong nitong paulit-ulit kaya lumapit siya rito at inilapit ang tenga sa bibig nito upang maintindihan ang binubulong nang lalaki.
“Cassan---dra” paputol-putol na banggit nang lalaki. Sigurado siyang pangalan iyon at sa isang babaeng pangalan ay Cassandra, Sa narealize ay biglang nanlamig si Nicole at pakiramdam niya parang pinipiga ang kanyang puso. Parang nakakita nang nakakatakot ang itsura ni Nicole habang umaatras, pinilit niyang huwag mapahagulgol sa loob nang kwarto nang lalaki upang huwag magising ito.
“Eh bakit nga ba umiiyak ka ha, may relasyon ba kayo?” sita niya sa sarili. “Nagpe-feeling ka kasi, feeling mo magugustohan ka nang isang Daniel Devera.” Pagkatapos na pagkatapos lang ng trabaho niya bukas ay kailangan na niyang magpaalam sa lalaki. Hindi na niya matatagalan pang magtagal sa lugar na ito. Dahil baka lalong hindi na niya mapigilan ang nararamdaman para rito. Na alam niyang hindi tama at masasaktan lamang siya.
CHAPTER EIGHT
SUMAKAY na sila ni Andy sa mini truck para talaga iyon dito sa mga tauhan na lumalabas nang hacienda, actually its cute mas tamang mini van yata ito, habang daan hindi niya maiwasang mag-isip sa mga nangyari sa kanya sa napakaikling panahon hindi niya lubos akalain matatagpuan niya sa lugar na ito ang lalaking iibigin, ika nga ang tunay na pag-ibig. Napabuntong-hininga siya, masakit sa kanya ang pag-alis sa ganoong paraan ang hindi man lang nakapag paalam sa lalaki but para saan pa kung gagawin niya iyon ay baka mas pilin niyang magpakamartir at baka pumayag pa siyang maging panakip butas lamang nito kaya kailangan niyang isalba ang kanyang pride dahil mismo sa kanyang sarili ay nanganganib itong matabunan.
“Miss Nicole okay lamang ho kayo?” tanong ni Andy marahil nahalata nito ang kanyang malalim na pag-iisip, siguro emergency talaga ang dahilan nag pagluwas nyo agad, magdasal lang po kayo Miss Nicole.”
“Oo salamat Andy” sabi niya rito na touch naman siya sa sinsiridad sa pakikisimpatya nito sa kanya. Twenty minutes din ang binayahe palabas nang hacienda nang mga Devera, habang tiningnan niya ang daan hindi niya maiwasang malungkot, dahil totoong mamimiss niya ang lugar na ito. , Hindi niya napigilang tumulo ang kanyang luha nang maalala ang nangyari kagabi, ang tanga niya hindi niya naisip na maaring may nagmamay-ari na sa lalaki or kung may nobya na ito, oo maari ngang naging tanga siya but sinamantala pa rin iyon nang lalaki, sinamantala ang kanyang katangahan at kahinaan.
“Anong pinagsasabi mong sinamantala, eh ikaw itong nanamantala.” Aniya sa sarili
“Ano po Miss Nicole?”
“Ah wala Andy.”
“Miss Renna nandito na po tayo, tamang tama hindi pa yata napupuno ang Bus” ani Andy
“Ganun ba, salamat ha Andy” at umibis na siya sa sasakyan, bumaba rin si Andy at kinuha ang bag niya, hinyaan na lamang niya ito. Kumaway ito sa lalaking may kaitiman at katabaan na mukang siya ang condoctoror nang Bus paluwas nang manila.
“Kuya Dan may sasakay pa ho, may bakante pa ba? Tanong nito sa lalaki
“Ikaw pala Andoy, Saan ba punta ninyo?”
“Hindi ako, ito hong kasama ko bisita siya ni Boss eh importanting makaluwas na sa manila.”
“Ah siya pala yong bisita ni Boss Daniel” “Miss dito na ho kayo sa unahan na upuan pumuwesto upang malapit lamang sa driver, minsan po kasi may mga pasaherong pilyo mabuti na iyong madali ka naming Makita.”
“Naku talaga po?” tanong niya rito medyo nahintakotan siya but sanay na siya sa pagbyahe nang malayo at sa ganoong sitwasyon.
“Kuya Dan ikaw na bahala sa bisita ni bossing ha, malalagot kayo ron pag hindi nakarating nang maayos sa manila.”
“Oo naman kami na bahala at saka ako at si itay naman ang nagmamaneho kaya walang problema, maingat yata kami pagdating sa pagmamaneho”, ani Dan na tila proud na proud sa kakayahan nang mag-ama, but nakakatuwa ito hindi tulad nang ibang mga mayayabang. Ito kung magsalita ay tila nagbibiro lamang but mahihinuha mong nagsasabi nang totoo.
“Miss Nicole magiingat po kayo ha” Ani Andy
“Oo salamat ha, kayo rin.”
“ Sana makabalik po kayo rito, bisita kayo uli ha.” Tinanguan na lamang niya ito at nginitian dahil kahit siya alam niyang hindi na mangyayari iyon at ayaw naman niyang magsalita at paasahin ito naging malapit din naman ito sa kanya at magaan ang loob niya rito. Nagumpisa nang umandar ang bus, ang pakiramdam niya napakabigat nang kanyang puso na tila may nakadagan but kailangan niyang supilin ang nadarama para naman may matira pa sa kanyang pride, sinulyapan niya ang binatang si Andy na hindi pa umuuwi hanggat hindi pa nakakaalis ang Bus, kumaway pa ito uli nang kanyang lingonin. Pag-uwi niya kelangan niyang ipagpatuloy ang kanyang dating buhay. Iisipin na lang niya tulad nang dati galing siya sa trabaho, iisipin at kakalimutan ang hindi magandang Experience, but maituturing nga bang hindi magandang experience ang kanyang karanasan sa lugar na ito, baka nga mahirapan siyang makalimutan iyon, lalo na ang lalaki. Kung kelan naramdaman na niya ang tunay na pagmamahal at ang kahulogan nito saka naman tila ipinagkakait ito sa kanya nang kapalaran. Ang kanyang pangalawang lalaking minahal at ang tunay na pag-ibig sa pangalawang pagkakataon bigo na naman siya na makamit ang pag-ibig. Kung sabagay yong una niyang minahal ay maituturing na puppy love lamang, bata pa siya noon at hindi pa talaga alam nag tunay na kahulogan at nang Pag-ibig, But this time alam na niya. Ang pag-ibig ay hindi lamang sa taong minamahal nakasentro ang salitang pag-ibig kundi pati sa sarili at dapat lang na mauna ang sarili at ang mahalaga kung wala kang masasaktan at sasaktan iyon ang tunay na pag-ibig, hindi sakim at hindi umaasam nang ano mang kapalit. Teka nga parang sa kanta iyon ha, hay! Bumungtonghinnga siya at napansin pala iyon nang condoctor na kanina pa pala siya tinitingnan at tila may gustong itanong sa kanya. Nang Makita nito ang kanyang malalim na paghingga ay hindi nakatiis.
“Ma’am okay lamang po kayo?” tanong nito nasa kabilang upuan ito sa likod nang driver nakapwesto at siya sa kabilang dulo naman nang passenger seat kung saan ang unahan rin, tumango lamang siya at nginitian ito, but alam niyang halata nang lalaki ang pilit na ngiti niya.
“Pasensya na ho kayo kasi kanina ko pa kayo napapansin na balisa at malungkot, baka kako may malaking problema kayo, huwag ho kayong mahihiyang magsabi ma’am.”
“Salamat ho, okay lang naman ho ako” tumango na lang ang condoctor but alam niyang totoo ang pag-aalala nito, siguro nga likas sa lugar na ito ang mabubuting tao.
“ATE hindi ka man lang nagpasabing ngayon ang uwi mo! kumusta ang bakasyon” tanong nang bunsong kapatid niya.
“Anong bakasyon trabaho po kaya ang pinuntahan ko.”
“Trabaho eh bakit nasobrahan naman yata at ganyan ang itsura mo, tila may tinatakbohan ka at ang mata mo nangangalumata,” Tama ito dahil halos wala naman siyang tulog at tama ito may tinakbohan nga siya, malakas talaga ang radar minsan nang kapatid niyang ito.
“Kumusta ka naman rito? Si Mama kumusta hinanap ba ako?” Tanong niya rito para maiiwas ang takbo nang usapan.
“Okay naman, Oo hinanap ka sabi ko nasa trabaho ka hindi ko na sinabing nasa Batangas ka naasign kasama nang client nyo.”
“Nagluto ka ba? Nagugutom na ako eh” tanong niya totoong nagutom siya, kape lamang ang laman nang tiyan niya nang magbyahe siya.
“Oo tamang-tama ang dating mo, katatapos ko lang magluto sabay na tayong kumain”
“Ano bang niluto mo.”
“Ang paborito mong adobong manok.”
“ Aba anong nakain mo at nagluto ka ha?”
“Kaya nga ako nagluto po kasi wala pa akong kinakain hindi ako nagbreak fast kaya gutom na rin ako.” Sabi nang kapatid na naghahanda nang mga plato. Naupo na siya at tiningnan ang adobong nasa lamesa, muka ngang masarap.
“Si Carmina pumunta ba rito? Tanong niya sa kaptid na panay ang subo, nilunok naman muna nito ang nasa bibig bago siya sinagot.
“Oo nong isang Gabi rito nakitulog hindi na naman daw kasi siya makatulog sa Condo niya nang mag-isa at nakisiksik pa sa kwarto ko” Ganoon talaga ang kaibigan niyang si Carmina minsan naawa rin siya rito. Itinakwil kasi ito nang mga magulang nang malaman na may pusong babae ang anak nila, kaya nang mapalayas pumunta ito nang japan at nagtrabaho at bungga nag pagtratrabaho sa japan ang siyang ginamit nitong puhonan sa company nito ngayon, at sa kabila nang tagumpay hindi pa rin ito tinatanggap nang mga magulang, nakilala niya ito nang minsan Makita niya ito sa daan na lasing na lasing at binabastos nang mga walang modong lalaki sa daan, at dahil nga sa kalasingan hindi na ito makapanlaban, nang dinudukotan na ito nang mga lalaki naawa siya rito kaya tinulongan niya ito, walang takot na pinaghahampas niya ang mga lalaki at nagsisigaw nang holdap, Nagkataon naman may mga grupo din nang lalaking dumaan na nakasakay sa kotse, nakita siguro siya na nanglalaban at binalikan sila at tinulongan. Doon nagsimula ang friendship nila, natouch pa siya nang sinabi nitong hindi mabayaran nang pera ang ginawa niyang pagtulong rito but bilang kapalit hayaan mo akong maging isang tunay na kaibigan at through that daw ay mababayaran niya ang ginawang pagtulong.
“Hoy ate ano’t tulala ka riyan ha?” untag sa kanya nang kapatid
“Wala naalala ko lang nang una kaming magkakilala ni Carmina.”
“Hay naku, kung naging lalaki lang talaga ang baklang iyon siguro kayo na ang nagkatuluyan, hanep sa drama ang story nyo eh.”
“May pasok ka ba ngayon? Tanong niya rito
“Wala bakit.”
“Wala din naitanong ko lang, anyway maliligo lang ako at pupunta ako nag office hindi pa kasi alam ni Carms na nakauwi na ako.”
“Back to office work ka agad, wow sipag naman” ani nang kapatid niya
“Hindi ako magtratrabaho this day, magrereport lang ako sa boss na nakauwi na ako at tapos na ang assignment ko.”
“Ate what if magbreak ka nga muna, I mean magrelax puro trabaho ka na lang eh.”
“Hmmm ano ang gusto mo?”
“Hehehe, nuod tayo sine o kaya window shopping sa mall, matagal na tayong hindi nakakapag bonding na magkapatid diba?”
“Pag-iisipan ko pa” Sagot niya but naisip na rin niya bakit nga ba hindi matagal-tagal na nga rin naman silang hindi nakakapag bonding nang kapatid.”
“Ate sige na wag ka na muna magkuripot ngayon” kulit nang kapatid habang papasok siya sa kanyang kwarto.
“Okay” sigaw at pagpayag niya, narinig niyang nag yehey itong parang bata, napangiti na lamang siya. Mainam ngang lumabas naman siya paminsan minsan upang hindi niya rin masyadong maiisip Si Daniel. Nagsabay na silang magkapatid na pumunta sa office nila ni Carmina na kung saan ito ang kanyang boss.

CHAPTER NINE
“NICOLE bakit hindi ka man lang nagsabi sakin na pauwi kana pala, alam mo bang tumawag sakin si Daniel at nag-aalala ang pobre akala kong ano na ang nangyari sayo, hindi pala alam na aalis kana, at pati ako nag alala sayo at nakapatay rin ang phone mo kaya hindi kita macontact.” Mahabang litanya nang kaibigan na Boss.
“Im sorry” paghinge niya nang paumanhin rito, “tulog pa kasi siya at hindi ko na mahintay na magising siya at saka nagpaalam naman ako kay yaya ninay.”
“My Gosh Nicole what happen to you nawala na ba ang manner mo at hindi kana marunong mag paalam nang maayos sa may-ari nang bahay na tinutuloyan mo?”
“Mahabang kwento, sorry talaga but hindi ko na kasi kaya pang magtagal sa lugar na iyon kung kasama ko ang lalaking yon” paliwanag niya rito kahit na alam niyang Malabo rito ang kanyang sinasabi. Para siyang nasukol na criminal at willing nang umamin.
“Okay after office work mag-usap tayo, alam kong may dinadala ka riyan.”
“Salamat” at ngumiti siya rito, kaibigan talaga niya ito kahit na wala pa siyag paliwanag ay naiintindihan na agad siya.
“But we have to fixed all thing’s with him okay” ani Carms
“I know, sorry talaga Carms hindi ko gustong madamay sa personal na rason ang trabaho, but naayos ko na naman ang mga kelangan na materials para sa kwento, kaw na lang ang bahala kung may mga kailangan pirmahan si Mr. Devera. Tumango-tango na lang ito at lumapit sa kanya, niyakap siya nito.
“Namiss kita friend”
“Ako din kahit na wala pang ngang isang buwan na nawala ako rito.”
“Tama nayan girls, Carms hiram ko muna itong sis ko at magbo-bonding muna kami this day ha para naman marelax muna siya” sabi nang kaptid niyang pumasok na nang walang paalam.
“Teka nga! Bakit hindi ako kasama riyan ha?” Ani Carms na nagkunwang nagseselos at nagtatampo.
“Wag ka nang magselos dyan at alam kasi naming marami kang work ngayon kaya wag ka nag sumali muna.”
“Ay ang daya naman nang dalawang ito”, tumayo na siya at binalingan ang kaibigan, after your work na lang friend, hihintayin kana lang namin sa bahay at para wag kana magtampo bibilihan na lang kita nang food for dinner okay”
“Ano pa nga ba ang magagawa ko, but friend yong favorate kong food ha yon ang bilhin mo, at saka ayaw ko din munang magdiet ngayon gusto kong kumain nang Ice cream.”
“Okay, okay” sabi niya habang natatawa rito.



CHAPTER TEN
HABANG daan sakay nang kotse niya si Daniel, hindi niya lubos maisip kung anong dahilan at umalis nang hindi man lang siya hinintay na magising nang babae, sa kabilang banda nag-aalala rin siya dahil baka nga totoong emergency ang dahilan tulad nang paalam nito kina yaya Ninay at sa Kinuwento na rin ni Andy na Umiiyak ito nang hihatid nito sa sakayang nang bus paluwas nang lungsod. Wala man lang gumising sa kanya kanina at lagpas tanghali na rin nang magising siya kaya lalong sumakit ang ulo niya sa pagkabigla nang malaman mula sa yaya ang pag-alis nang babae. Matagal-tagal din niya bago nacontact ang kaibigan at boss nito, at nang tinawagan siya nito para kompirmahin na nakauwi na nga ang kaibigan, kaya saka pa lamang siya nagdisisyong lumuwas upang malaman kung ano ang problema nang Dalaga.
Nakauwi siya sa kanyang Unit pasado alas dose na nang Gabi, nag-aalangan naman siyang pumunta sa bahay nang Babae dahil baka makaistorbo lang siya nang dis oras. Siguro bukas na lang niya gagawin iyon, naupo siya sa sofa isinandig ang kanyang likod, nararamdaman niyang may mali sa nangyayari but hindi niya alam kung ano iyon,bakit nga ba umalis ang Babae nang biglaan. Kung may emergency sa bahay nila bakit hindi siya nito ginising at sa kanya nagpahatid o kaya naman ibinilin nito kung anu ang emergency na iyon. Bukas na bukas din ay aalamin niya kung ano ang nangyari ditto. Ipinilig niya ang ulo dahil medyo masakit pa iyon dahil dala pa rin nang pag-inum niya nang nagdaang gabi kasama ang kanyang mga tauhan sa farm, nag-handa talaga at nag celebrate si ka Temong nang malaman na ngdadalang tao ang manugang nitong si lily, unang apo kaya masayang-masaya ang mag-asawa na magkakaroon na sila nang apo, napagusapan rin nila ang magiging pangalan nang lalabas na bata,nanagarap na rin siya na magkaroon nang sariling anak kay Nicole, Dinala pa niya sa panaginip ang pangarap na iyon sa sobrang kalasingan,at inalala niya sa isipan ang panaginip.
Nasa farm sila nang Babae at nagpi-picninc silang dalawa, malaki na ang tiyan nito na nasa kabuwanan na, napakaganda ng babae kahit na malaki ang tiyan na parang nakalunok nang pakwan, nakasuot itong maternity dress na bulaklaking kulay rosas, mahaba ang buhok na nililipad nang hangin,nagtatawanan silang dalawa at inidikit raw niya ang ulo sa tiyan nito para kausapin ang bata, nagtanong raw si Nicole kung ano ang ipapangalan nila sa bata pag lumabas na ang sabi naman raw niya ang gusto niyang pangalan pag lalaki ay Cain Angelo at pag babae naman ay Cassandra at pumayag raw ang babae dahil nagustohan nito ang mga pangalan kung sakali. Hay dapat niyang makausap ang babae bukas dahil gusto niya nang yakagin itong pakasalan dahil ito ang gusto niyang maging ina nang kanyang magiging anak. Napangiti siya sa naisip, sigurado na siyang ito ang kanyang gustong makasama habang buhay.
Maagang nagising si Daniel, pupunta muna siya sa kanyang office para mabisita at makamusta ang kanyang mga empleyado roon. Ang Bestfriend niyang si Leon ang namamahala sa company pag wala siya at kelangan niyang umuwi sa batangas.Pagpasok niya sa kanyang opisina nagulat ang mga empleyado sa biglaan niyang pagdating, lahat ay bumati at sinalubong siya nang kanyang secretary na si Mrs.Moreno.
“Goodmorning Sir” ani Mrs. Moreno
“Good morning, kumusta lahat dito?”
“Okay naman po Sir, umaayon ang lahat sa plano at pagpapatakbo ni Sir Leon .”
“Good, nandiyan na ba siya?”
“Opo sir nasa kanyang office”
“Okay go back to what was your doing, ipapaalam ko na lang sayo later kug may kelangan ako.”
“Opo Sir” at tumalima na ang secretarya.
“Ah---Mrs Moreno” tawag uli niya rito.
“Yes Sir?”
“Pwede mo bang maigawa kami nang kape?”
“Sure Sir basta po kayo.”
“Thanks ho, pls pakidala na lang sa office ni Leon dun na ako didiretso”
“Sure” ani Mrs Moreno at tumalima na ito, mabait itong secretary at very efficient kaya napaka-swerte niya rito, dumiritso na nga siya nang office ng kaibigan, magkatabi lang ang kanilang office room, wala kasi ang secretary nito sa table na nasa labas nang kwarto, nasa loob rin siguro at may ipinapagawa roon.
NABUNGARAN ni Daniel Ang kaibigan at ang secretary nito na magkayakap, nagulat siya sa nakita hindi niya alam na may relasyon pala ang dalawa, siguro inililihim talaga dahil sa trabaho.
“Ooopss, Im sorry pare” ani Daniel na nakataas pa ang kanyang dalawang kamay, namumula naman ang magkabilang pisnge nang secretarya na nagulat siguro sa pagpasok niya.
“Pare kumusta” Nilapitan siya nito at tinapik ang balikat niya, “mabuti at naisipan mong pumunta at kumustahin ang company natin akala ko wala ka nang pakialam rito at ipinapaubaya mo na sakin ang lahat” tumatawang wika nito.
“Com’on alam ko kahit wala ako’y maayos ang lahat dahil kayang-kaya mo naman patakbohin ito kahit wala ako” aniya rito
“Excuse me ho sir sa inyong dalawa, lalabas po muna ako.”
“Wait Sweetheart ipakikilala muna kita nang formal sa kaibigan ko” at hinila nang kaibigan niya ang kamay nang babae.
“Pare Si Elyssa Girlfriend ko na siya.”
“Wooow im happy for both of you pare, kelan pa ito ha?”
“Long story, saka ko na sayo ikwekwento” anito
“Okay, okay Masaya talaga ako para sainyo.”
May kumatok sa pintuan, si Elyssa na ang nagbukas niyon at iniluwa ang kanyang secretarya na may dala nang Kape.
“Sir ito na ho ang coffee niyo.”
“Thanks Maggie” sabi niya
Lumabas na ang dalawang babae, naupo siya sa upuan na nasa harapan nang table ni Daniel.
“So kelan ang kasalan ha?” tanong niya rito
“Hindi pa naming napaguusapan eh but gusto kong sa lalong madaling panahon” anito na kumikislap ang mga mata sa kasiyahan.. Napangiti siya sa itsura nang kaibigan sa wakas natagpuan na rin nito ang tunay na pag-ibig, dahil bago nito iyon natagpuan alam niyang madami rin pinagdaanan ang kaibigan.
“Anyway pare napadaan lang talaga ako rito para kumustahin ka.”
“Ha what do you mean, aalis ka din agad” tanong nito
“Oo pare may importante akong pupuntahan, tulad mo pupuntahan ko rin ang aking gustong pakasalan at gustong maging ina nang aking magiging anak.”
“Wooo ikaw pala itong may sorpresa eh, but Masaya din ako sayo kaibigan.”
“Thanks!”
“So pano double wedding na ba ito” tumatawang sabi nito
“Oo ba” aniya na nakipagkamay sa kaibigan, “so pano kaw na bahala rito ha” aniya sa kaibigan na palabas na nang pinto but biglang bumalik nang maalala ang kape na ginawa nang kanyang butihing secretarya, ayaw na ayaw niyang may nasasayang na kahit na anong pagkain o inumin lalot pinaghirapang gawin nang isang tao, dali-dali niyang ininum ito at nagmamadaling lumabas nang opisina nang kaibigan.
TULALA na naman si Nicole, nasa harap siya nang kanyang computer sa kanyang kwarto, naiisip na naman niya si Daniel at sumasakit ang kanyang puso pag naalala ito but hindi naman niya magawang kalimutan ito sa napaikling panahon. Pinatay na niya ang computer dahil wala naman siyang magawang tama, hindi siya makapag concentrate. Tumayo na lang siya at pumunta sa kusina, naghanap siya nang makakain, nakita niya ang Ice cream na natira nang isang gabi nang bumili sila nang kapatid niya, kumuha siya nang cup at naglagay nang ice cream doon, dinala niya iyon sa sala at nagbukas nang television, palipat-lipat siya nang channel dahil wala siyang magustohang topic, puro tungkol sa love life or kung hindi naman ay tila nanadyang mga love story ang mga movie, naiinis na pinatay na lang niya ang t.v, nang may kumatok sa pinto.
“Sino naman kaya itong bisita” tanong ni Nicole sa sarili
“Sandali lang,” sabi niya sa kumakatok, sinilip muna niya sa siwang nang pintuan para makilala kung sinu ang kumakatok, si Edward ang boyfriend nang kapatid niya.
“Oh Edward kumusta” bati niya nang pagbuksan ang lalaki
“Kumusta ate Nicole, pasensya na sa istorbo, nandiyan ba si Rina gusto ko po kasi siyang makusap, hindi ko naman siya macontact pinapatayan niya ako nang phone.” Ani Edward na parang maiiyak.
“Wala eh but pauwi na rin siguro iyon hintayin mo na lang rito sa loob, yaya niya sa lalaki at ibinukas nang malaki ang pintuan, tinapik rin niya ito sa balikat. Nang tumingin siya sa kabilang kalsada sa katapat na bahay may nakahintong sasakyan hindi niya nakilala ang lalaking pumasok doon at tila galit ang nagmamaneho sa bilis nang paharurot niyon sa sasakyan.
“ Sana wag naman maaksidente ang taong iyon nang dahil sa galit, delikado pa naman pag nagmamaneho kung may iniisip lalo na ang galit na tao.
“Ano po yon ate?” tanong ni Edward na nakatingin rin sa labas narinig pala ang binubulong niya.
“May lalaki kasing parang galit sa sasakyan niya”
“Ah ganun po ba, minsan talaga may mga taong ganun, kung hindi naman dahil totoong galit eh mayabang magmaneho” ani Edward
“Oo tama ka! Ano pala ang gusto mong inumin?” Tanong niya rito
“Okay lang ako Ate, salamat”
Maya-maya dumating na rin ang kapatid niya, nakasimangot ito nang Makita ang naghihintay sa kanya, iniwan na lang niya ang mga ito upag makapagusap nang maayos, total malaki na rin ang bunso niyang kapatid at may mga bagay na hindi na niya dapat pang pakialaman, pumasok na lang uli siya sa kanyang silid at nagbasa nang pocketbook, binili niya ito nang isang araw. But maya-maya hininto rin niya ang pagbabasa nang pocketbook hindi kasi niya mapigilan isipin ang taong nagpaharurot nang kotse. “Sino kaya iyon” muling bulong niya sa sarili” hay bahala na nga siya kung sino man siya at pinagpatuloy ang binabasa.
HINDI malaman ni Daniel ang gagawin sa nakita niya kaya pala nagmamadaling umalis ang babae at makauwi dahil may naghihintay sa kanyang ibang lalaki, nakonsensiya siguro ito sa nangyari sa kanila kaya iniwan siya nito, may karelasyon na pala ito hindi man lang niya nalaman, dahil hindi rin naman ito sinabi sa kanya nang babae. Galit na tumuloy siya sa kanyang Unit at kumuha nang alak sa mini Bar niya, diridiretsong tinunga iyon nang maubos na ang whisky niya, na konte na lang pala ang natitira sa bote kumuha naman sya nang beer sa Refrigerator niya mabuti na lang at may stock talaga siya roon nang beer dahil pag may bisita siya minsan na kaibigan, kumuha siya nang tatlong bote at binuksan iyon, habang tinutunga ang isang bote dinala naman niya ang dalawa pa sa sofa at pasalampak na naupo roon, nagtatagis ang bangang niya sa galit, kanina gustong-gusto na niyang sugurin ang lalaki at suntokin nang Makita niyang niyakap ito ni Nicole. At nang maalala ang ginawa nang babae sa galit niya nang dahil sa selos ibinato niya ang bote nang alak sa sahig, nagkalat roon ang basag na bote. Maya-maya may nagdoor bell sa kanyang pintuan, hindi niya iyon pinansin at tuloy-tuloy na tinunga ang beer.
“Hey pare” anong nangyayri ha, bakit may basag na bote rito, tanong nang kaibigan na si Leon na siyang nagdo-doorbell pala. Pumasok na ako nang marinig kong may nabasag akala ko napasok ka na nang magnanakaw eh, at bukas din ang pintuan mo hindi iyon nakalock.” Mahabang paliwanag nito
“Tamang-tama pare samahan mo akong uminum rito” at ibinigay rito ang isang bote nang beer, tumayo rin siya para kumuha uli nang ilang beer pa, tahimik na naupo na rin ang kaibigan at naghintay na lamang na magkwento si Daniel, kilala kasi niya ito hindi ito makwento kaya kailangan hintayin na lang na mag open up ito, tahimik rin na umiinum si Daniel hindi pa siya handang magkwento, alam niyang naiintindihan naman iyon nang kaibigan, sapat nang nandoon iyon at nakipagiinuman sa kanya. Halos hating gabi na nang matapos ang dalawa sa kakainum, kung hindi pa naubosan nang beer sa ref. ay hindi pa yata titigil si Daniel, na tila naman hindi tinatalaban nang spirito nang alak.
“Pare okay ka lang ba ha? Kailangan ko nang umalis ayaw sana kitang iwan but nakalimutan kong may usapan pala kami ni Elyssa” paliwanag nang kaibigan.
“Okay lang ako rito, thanks” anitona tila ang layo nang isipan.
“Matulog kana pare, pagusapan natin iyan bukas okay” tinapik siya nito sa balikat at lumabas na.
Tila naiwan naman siyang nag-iisa sa mundong ibabaw, hindi pa rin siya nakakaramdam nang antok kahit marami-rami na rin ang naiinum niya. Tumayo siya at kinuha ang susi nang sasakyan, wala siyang pakialam kung anong oras na basta gusto niyang makausap ang babae at linawin ang lahat kahit pa kidnapin niya ito para lang mailayo sa lalaki kung sino mang herodes na iyon.
NAALIMPUNGATAN si Nicole sa pag-yugyog nang kapatid sa kanya para magising siya.
“bakit ba antok na antok pa ako eh, anu bat ginising mo ako?” tanong niya rito
“Ate may lalaking naghahanap sayo sa baba, nang sinilip ko, hindi ko naman kilala at mukang lasing siya kaya hindi ko muna binuksan ang pintuan.” Sabi nang kapatid. Napabalikwas naman siya sa narinig, sino naman maghahanap sa kanya sa ganong oras,
“Tawagan mo si Carmina sabihin mo ang na may lalaki kamo sa labas nang pintuan na lasing, dito ka lang at ako ang titingin, wag kang lalabas hanggat hindi kita tinatawag okay, para hindi tayo pareho mapahamak kung sakali” Pasunod niya sa kapatid, nagsuot siya nang bath robe niya at kinuha ang kutsilyong malaki na talagang itinatago niya sa kwarto para sa ganoong sitwasyon. Dahan- dahan naman niyang sinilip ang pintoan, wala naman siyang nakitang tao,
“Asan kaya” bulong nya, at nang maya-maya wala pa rin syang Makita kahit nagdadalawang isip ay binuksan niya ang pintuan. Wala siyang nakita nang ilibot ang paningin sa paligid, nagulat at napasigaw siya nang marinig sa may paa niya ang umuungol na lalaki.
“Ate anong nangyari” tanong nang kapatid na agad lumapit sa kanya na may hawak rin na kahoy na ewan niya kung saan galing, Tiningnan rin nito ang kanyang tinitingnan.
“Ate sino siya, cute sana kaya lang lasengero at kung saan-saan nakararating, halika na ate pumasok na tayo baka magising pa iyan at kung anu gawin sa atin” at hinila siya nang kapatid.
“Sandali lang!” Yumokod siya para sigurohing nagkakamali lamang ang kanyang paningin.
“Ate anong ginagawa mo?”
“Si Daniel nga siya, hindi ako nagkakamali” sabi niya sa kapatid
“Bakit siya pupunta rito nang lasing? may kasalanan ka ba riyan ha?” tanong nang madaldal na kapatid.
“Basta tulongan mo na lang ako rito at ipasok natin, wag kanang maraming tanong riyan”
Dahan-dahan nilang hinila ang lalaki, dahil sa malaking bulas ito kahit na dalawa na sila ay hindi nila kayang buhatin ito, nang maihiga nila ito sa sofa, kumuha sya nang maligamgam na tubig at bimpo para mapunasan ang lalaki at nang maginhawahan at mahimasmasan. Tinitigan niya ang mukha nang lalaki, gwapo pa rin ito kahit lasing na lasing at hindi ito tulad nang umiinum na mabaho, mabango pa rin ito kahit medyo humalo na sa pabango nito ang amoy nang alak.
“Ano’t pumunta siya rito nang lasing! Ate may relasyon na ba kayo niyang Daniel ano?” hindi niya sinagot ang kapatid dahil ang alam niya ay wala naman, but ano nga ang ginagawa nito rito. Humahangos naman na dumating ang kaibigan niyang bakla.
“Asan ang lalaking lasing, nasaktan ba kayo?” Tuloy-tuloy na tanong nito.
“Relax Carms” Ani Riza, pogi ang Intruder ni ate kaya okay lang naman. Nagbibirong sabi nang kapatid.
“Anong gingawa rito ni Mr.Devera? Tanong nito nang makilala ang lalaking tulog na tulog pa rin, nang walang sumagot tiningnan siya nang kaibigan na tila nanunudyo, “friend anong ginawa mo sa kanya ha! Desperada kana ba at ginayuma mo siya” Nagbibirong saad nito. Hindi na lamang siya umimik at tiningnan ang mukha nang lalaki na tila nagising na nang makarinig na maingay sa paligid, nagulat pa ito nang Makita ang mga nakapalibot sa kanya.
“How are you daniel” Si Carms na ang unang nagtanong.
“Ah masakit ang ulo ko, pasensya na kayo sa istorbo, Ang mata ay nakatutok sa mukha ni Nicole na nakayuko ang ulo at tila nakikinig lang sa usapan.
“Naku wala yon kuya Daniel kung kagaya mo naman kagwapo ang lageng pupunta rito nang lasing eh okay lang” ani Riza na nagpapacute pa. Napangiti na lang ito sa narinig na pagtawag sa kanya nang kuya nang kapatid ni Nicole, ang babae naman na tila ayaw tumingin sa kanya, hindi rin niya mabasa ang iniisip nito.
“Hmmm! Pagtikhim ni Carmina, “Sis tukoy nito sa kapatid ni Nicole, siguro dapat na muna nating iwan ang lovers na may Quarrel” nakangiti nitong wika sabay hila sa babae, “bigla yata akong nagutom” narinig niyang sabi pa nito.
TAHIMIK ang dalawa nang maiwan na tila nagpapakiramdaman pa kung sino ang unang magsasalita, hindi naman malaman ni Daniel kung panu maguumpisa, nandito na rin naman siya gusto niyang malaman ang totoong lagay nang relasyon nila.
“Bakit ka biglang umalis?” mahinang taong ni Daniel sa babae
“Ano naman ngayon sayo kung umalis ako sa bahay mo?”
“My God Nicole you are so childish, hindi mo man lang inisip na mag-aalala ako”
“Bakit sinabi ko bang mag-alala ka ha” at tumayo si Nicole mula sa pagkakaupo, at saka wag na nga tayo maglukohan pa Mr. Devera, wala ka naman paki-alam sakin diba and beside may Nobya ka na, ano pa bang gusto mo sakin ha.” umiiyak nang pahayag niya sa labis na sama nang loob.
Nagugulohan naman si Daniel sa mga pinag-sasabi nang babae, “I don’t Understand you, anong sinasabi mong Nobya at saka ganon ba ang tingin mo sakin mababaw? nasasaktan naman ako sa mga narinig ko, ang akala ko pa naman nararamdaman mo rin ang nararamdaman ko, Masaya ako pag nasa tabi kita at halos para akong masiraan nang ulo ng magising akong umalis ka na pala, lalo’t ang sinabi sakin ni yaya may Emergency daw, alam mo bang sobra-sobra ang pag-aalala ko, hindi mo man lang ipina alam muna sakin bago ka umuwi para naman matulongan kita” anito na nakatayo na rin at matiim ang pagkakatingin kay Nicole, para naman tumatagos sa kaibuturan nang puso niya ang mga narinig, but ayaw niyang maniwala, baka kasi pag naniwala siya ay masaktan lamang siya sa bandang huli, oh baka naman nanaginip lamang siya. At dahil sa naisip kinurot niya ang sarili, nakita at nabasa naman ni Daniel ang kanyang iniisip.
“Your not Dreaming honey” at lumapit ito sa kanya, napaatras naman si Nicole sa pagkataranta sa ginawa nang lalaki at hindi niya natantiya ang kanyang nasa likuran at nawalan siya nang balance, but maagap naman ang lalaki bago pa siya bumagsak ay nahawakan na siya nito sa bewang at tuloyang inilapit sa katawan nito, wala siyang nagawa nang sakupin nang labi nito ang kanyang mag labi, halos mapugto ang kanilang hininga nang bitiwan siya nito.
“Naniniwala ka na ba?” tanong ni Daniel sa kanya. Nag maang-maangan siya kahit na alam naman niya kung ano ang tinutukoy nito, gusto pa rin niyang marinig mula rito.
“Ang alin?” tanong niya, Doon naman sumolpot ang kapatid at ang kaibigan.
“May Gosh sis you are so numb naman” ani Riza, or hindi mahina ka lang talaga maka gets dugtong nito, at binalingan nito ang lalaki.
“Pasensya kana kuya diyan sa sis ko minsan talaga ganyan iyan kulang kasi sa buwan nang ipanganak” tatawa-tawang sabi nito at niyakag na ang kaibigan niyang naghihikab na.
“Carms diba kakampi kita” baling niya sa kaibigan na tila batang naghahanap nang kakampi, pero tila rin natakot ito sa kanya at nagtatakbong humabol sa kapatid niya.
“Ibig sabihin ibinibigay ka na nila sakin” nakangiting sabi ni Daniel
“At bakit ha, pumayag na ba ako, sinabi ko na bang mahal rin kita, na kaya ako umalis para hindi ka na mahirapan pang magdisisyong pumili samin, dahil mahal kita at ayaw kong mahirapan ka pa---- ssssh putol ni Daniel sa mga sasabihin pa niya.
“Oo sinabi mo na” sabi nitong nakatitig sa kanya at nangingislap ang mga mata
Para naman siyang timang nang marealize ang sinabi, hind niya nga direktang inamin but parang ganun na rin naman, tamatawang niyakap na lamang siya ni Daniel at kahit pilit niyang nilalayo ito ay lalo namang hinihigpitan nito ang pagkakayakap sa kanya, ano pa nga naman ang inaarte niya, nang maramdaman niya kanina ang halik nito ay kusang natunaw ang kanyang galit at hinanakit para rito, pinatagal niya lang para naman makabawi siya rito.
“I love you Ms white lady” bulong nito sa tenga niya, napangiti naman siya sa tinawag nito sa kanya, tulad niya minahal na siya nito mula pa nang araw na mapagkamalan siya nang mga itong white lady or engkanto.
“Eh pano si Cassandra” tanong niya
“Sinong Cassandra?” At kiniwento niya rito ang gabing umuwi nga ito na lasing na lasing at binabanggit ang pangalang Cassandra, but imbis na magpaliwanag, tumawa lang ito nang tumawa at niyakap siya. Kahit hindi niya maintindihan ito kung bakit tumatawa ay hindi na iyon mahalaga basta mahal rin pala siya nito.


FRIAH ANNNE

***WAKAS***

0 comments: