bonding with friah
BONDING WITH FRIAH ANNE
Let’s talk and have fun- Hindi man masasabing hasang-hasa na ako sa lahat ng bagay at expreince pero lahat ay mapag-aaralan, mapag-uusapan. Diba minsan masarap makipag-usap sa mga kaibigan lalo’t tungkol ito sa ating buhay? love life,family and friends. Minsan may oras na hindi natin maka-usap ng matino ang mga taong nakapaligid satin kaya maghahanap tayo ng isang kaibigan na makikinig satin ng buong puso. Ginawa naming itong page na ito para sa mga kaibigang walang maka-usap, may kausap at gusto pa ng maraming kausap. (Ha ha ha). Kung may gusto kayong itanong. Tanong nyo lang ako hahanapin ko si Mr. D. (Dictionary-lol) yon ay kung hindi ko alam at hindi na sakop nang aking kaisipan. Syempre bago tayo magsimula siguro magtatanong kayo kung sino ako at maari nga ba akong mapagkatiwalaan? Sabihan ng nararamdaman? Parang ano lang talks show.(hahaha) at ni hindi nyo kakilala.
FRIAH ANNE ?
Isa po akong manunulat/ writer, may asawa’t anak na po ako isang napaka-gandang angel ng buhay ko. Masasabi kong bigay talaga ni GOD ang baby ko. Para maging kompleto ang buhay ko at magkaroon ng kabulohan ito. Nung una tulad nang ibang tao marami rin akong pinag-daanan sa buhay pag-ibig, pamilya at sa kaibigan, masasabing ang karanasan ko at alam kung may darating pa. ay maari nang isulat nang isang libro. Ano nga kaya? At syempre ako rin ang author noh!. (hahaha) may kasabihan para sa mga writer. “hindi ka yayaman sa pagsusulat” pero yayaman ang iyong kaisapan. Right? Gawa-gawa ko lang yata yon? Pero totoo naman and still gusto ko pa rin magsulat at maging manunulat. May isang experience ako na gusto kong ibahagi sainyo. I was in elementary school then at may collection ako ng Pocketbook at my tita akong against doon because iba ang religious belief’s nila imagine almost 1k pcs of PB collectin yon, para sa tulad kong mahilig magbasa,tagalong or English ay kayamanan yon. Ipasunog ba raw? Waaaaaa talaga. Of course im so young then at wala father ko nasa ibang bansa kaya wala naman ako magawa, Yong mom ko my sakit noon. Sobrang umiyak talaga ako noon, but now pinilit ko na lang kalimutan yong sakit though hindi ko malilimutan ang pangyayaring iyon….kayo? share naman po kayo dyan, mga experice na hindi malilimtan at nakakatatak na sa ating buhay.
Thank you guy’s
Subscribe to:
Posts (Atom)

